One glance, glued. thump thump

36 1 3
                                    

Kysler's POV

Until when will I cry and imprison myself from the pain of the past? Gaano katagal pa ba ako maghihintay sa pagbalik ni Brionna? Para lang akong nag hihintay sa wala. Kung saan saan ko na siya hinanap pero wala parin. Sa paghintay na lang ako umaasa. 

I see the days go by but still I wonder why it has to be this way. Why she has to leave me alone. Why she choose to hurt me this way. I blame myself everyday. I go to bar and get drunk every night. I want to ruin my self. It feels like I pushed her away from me. Kung mas naparamdam ko lang yung pagmamahal ko sa kanya sana hindi niya ako iniwan ngayon. Kaso ang tanga ko. Kahit kailan hindi sumagi sa isip ko na iiwan niya ako kaya nagpabaya ako. Kahit sa panaghinip pero ngayon, wala na siya. Maybe she really get tired of loving me. Maybe she really found someone else. Maybe her letter before was true. But I still want to wait. 

I'm full of what if's for the whole year. Yeah. It's been a year but still, no brionna is showing up. It's been a year but my love for her is still the same. I can't go on because the pieces of my heart is with her. I hate my self. I'm cheering myself like crazy but it doesn't work. 

"Kysler maligo ka na nga!" Utos ni shone. May concert kaming pupuntahan ngayon kaso parang ayoko pumunta. Maalala ko lang si Brionna. Oo nga pala, walang pinagkaiba. Sa lahat ng ginagawa ko, sa bawat kilos ko, si Brionna yung nakikita ko.Kung kaya ko lang ibalik yung oras, ibabalik ko mabago lang yung mga pangyayari sa nakaraan.

Maraming magpeperform sa concert kaya siguradong mas maingay. Balik nanaman ako sa magulo kong mundo. Being a performer. Tumayo na ako at naligo. I'm alive but I feel like I'm dead. Screw this life that I have. Screw this year, hour, minutes and seconds that she's not with me. Even everyone here pity me. The whole world sympathized me. But I think Brionna don't. Every time na may interview kami palagi kong binabanggit yung pangalan niya at nagmamakaawang bumalik na pero kahit anino wala. Mahirap nga hanapin yung taong ayaw magpahanap. 

"Hoy nag i'emo ka nanaman dyan. Babalik din yun. Tiwala lang!" Sabi ni David pagkatapos akong banggain.

Sana nga bumalik na si Brionna. Baka mabaliw na talaga ako. Sobrang namimiss ko na siya. Sa bar, palagi na lang ako namamalik mata at biglang nanghahabol ng babae sa pag aakalang si Brionna yun. 

Pagkatapos ko mag ayos, umalis na kami. Ako na lang pala yung hinihintay nila. Yumuko na lang ako at nagkunwaring tulog habang umaandar yung van. 

"Kysler, palagi na lang tayong late dahil sayo. Kailan ka pa ba babalik sa katinuan mo? huh?" Blue.

"Pagbumalik si Brionna tsaka siguro siya babalik sa katinuan." si blaire na yung sumagot.

"Eh paano pag hindi bumalik si Brionna?! Ganito na lang palagi? Buti ba kung kayo yung pinapagalitan eh."

"Hayaan mo na siya Blue." sabi ni Shone.

"Palagi naman eh." hirit pa ni Blue.

Palagi naman kaming ganito eh. Pinapagalitan ako. Nasanay na ako. Sa buong isang taon ba naman na nangyayari paulit ulit to eh. Tsk. Pagdatin namin sa back stage. Dating gawain. Mag isa sa isang tabi. Nananahimik at walang paki sa mundo. Ang pinagkaiba lang, mas malala ngayon kasi si Brionna yung nawala. Hindi si Keyla. Speaking of that bitch, pati dito sa backstage nang gugulo. Pero buti naman dahil si Timothy yung ginugulo niya. Ewan ko pero para siyang may gusto kay timothy. Eh anong pakialam ko? Basta wag lang siyang lalapit sakin dahil baka masapak ko yung pag mumukha niya at wala akong pakialam kung babae siya. Kumukulo talaga yung dugo ko sa kanya eh.

"Keyla nakakainis ka na ah! Dun ka nga!" ayan. Iritang sigaw ni Timothy. Hay naku naman! Bakit pa kasi nag exist itong babae na to eh. Salot. -.-

Ipinikit ko na lang yung mata ko. Iniisip ko, sana nandito ulit si Brionna. Nang gugulo sakin tulad nung dating concert namin. Nung unang araw na nakita ko siya. Promise, hinding hindi ko na siya babaliwalain katulad ng dati. Naku naman, hanggang imagination na lang ako.

Hear Me(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon