Revelations part 2

105 7 3
                                    

Chapter 32

Brionna's POV

Madaling araw na ako nakauwi mula sa bakanteng lote na hinintuan ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dun. Buti na lang walang masamang tao. Pero ngayon kahit anong gawin kong pagpikit sa mga mata ko hindi ako makatulog. Iniisip ko kung paano napunta sa ganitong sitwasyon lahat. May masama ba akong nagawa? Bakit nangyayari sakin lahat ng ito?

Nawala si kysler, ang baby ko, Ikakasal ako kay timothy, kapatid ko ang pumatay sa baby ko, masisira ang 12serenity dahil sakin. Ano pa ba kulang para matapos na to? Hanggang kailan ba ako magtitiis ng ganito?!

Bakit ba napakahina ko? Wala akong ibang alam gawin kundi ang umiyak. Hindi ko mapigilan yung luha na lumalabas sa mata ko. Hindi ko din nagawang ipaglaban yung anak ko. Inagaw nila sakin ang anak ko. Kung hindi siguro ako nangpakatanga pa kay Kysler edi sana makakasama ko pa yung baby ko. Tapos ngayon malalaman ko na kapatid ko si Keyla?!! Dapat hindi na siya nagpakita kay Kysler!

"Brionna.. baby can we talk?"

Ipinikit ko ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Mommy. Kahit siya ayoko makausap. Kung una pa lang sinabi niya na may kapatid ako edi sana hindi na ako nakipagkompitensya kay Keyla.

"Alam kong gising ka. Kanina pa kita hinihintay. Gusto ko magpaliwanag. Okay lang kung ayaw mo sumagot. Gusto ko lang marinig mo ang paliwanag ko."

Hindi nga ako sumagot at hinayaan lang siyang magsalita. Wala din naman akong magagawa ee. Kahit magwala ako o umiyak ng dugo sa harap niya hindi ko mababago ang katotohanang anak niya rin si Keyla.

"Ipinakasal ako sa lalaking hindi ko mahal at si Keyla ang bunga ng pagsasama namin. Ilang bwan pa lang si Keyla ng maaksidente ang daddy niya at namatay. Ilang buwan pa ang lumipas at nakilala ko si Drek. Mahal namin ang isa't isa kaya nagpakasal kami. Ikaw ang bunga ng pagmamahalan namin."

Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya napaupo ako.

"Ipinakasal ka sa hindi mo mahal?! Edi sana alam mo yung pakiramdam ko ngayon!" Sigaw ko.

"Wala akong magawa brionna. Yun ang gusto ng daddy mo." Sagot niya.

Tinignan ko lang siya habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Bakit siya pumayag na ipakasal ako kay timothy kung naranasan niya na pala ang ganitong sitwasyon?!

"Si Drek na rin ang tumayong ama ni Keyla. Magkasundo naman kayo ni Keyla dati ee. Kaso sa pagtakas niyo ni keyla dati para maglaro ay nabundol ka ng kotse at nag agaw buhay. Tatlong buwan kang nacomma at sa sobrang galit ni Drek dati ay itinakwil niya si Keyla. Na amnisia ka din dati kaya mas lalong nagalit si Drek. Napilitan akong ilayo si keyla sa inyo at ayaw din ni Drek na makilala mo pa si Keyla. Kaya iniba namin yung bahay niya at tanging yaya lang ang kasama niya. Nung mga oras na bumabalik ako sa tokyo, hindi totoong kay Drek ako pumupunta. Si keyla ang pinupuntahan ko para kamustahin pero hindi ko alam na si Kysler ang lalaking inilayo ko sa kanya dati. Hindi ko alam na hanggang ngayon ay hahabulin niya pa ulit yung lalaking yun. Kasalanan ko ito dahil napabayaan ko si Keyla at hindi ko inakala na susuwayin niya na ako. Sobrang iniingatan ka naman ni Drek kasi nag iisa ka niyang anak kaya nang malaman niya na nahospital ka ay hindi siya nagdalawang isip na pumunta. Gusto niya ding ipakasal kayo ni Timothy kasi malaki ang tiwala niya kay Timothy. Kaya Brionna sorry kung hindi ko nasabi sayo."

Kahit anong paliwanag niya mali parin yung ginawa niya! Dahil sa pagkakamali na yun ako ang nahihirapan ngayon. Gusto ko ng magpahinga. Ayoko na makinig sa kanila. Pagod na kong masaktan.

"Lumabas ka na."

"Pero Brionna..."

"Sabi ko labas na! Ayoko ng makinig! Lumabas ka na!"

Hear Me(On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon