Keyla and Brionna ——->
Third person's POV
Maaga pa lang ay abala na ang lahat sa bahay ng mga wilstone. Naghahanda sila sa pagdating ng mag asawang Scott, ang mga magulang ni Timothy. Sa kabilang banda, mahimbing na natutulog si Brionna at walang kaalam alam kung ano ang nangyayari.
"Ayusin niyo yan"
"Dapat tama lang ang tamis niyan ah"
"Dito mo ilagay yan."
Pag uutos ng mommy ni Brionna sa mga kasambahay nito habang pinagmamasdan ang kinalalabasan ng paghahanda nila.
"Okay, clean up na lang. Dapat maayos na yan pagbalik ko ah. I gotta go upstair na. Gigisingin ko na si brionna." Habilin nito sa mga kasambahay.
Gaya ng sinabi niya ay umakyat na nga ito na may dalang dress upang ipasuot kay Brionna.
"My Dear Brionna? Honey wake up."
"Hmm!!" Reklamo nito at humarap sa kabila.
"Honey kailangan mo na gumising. May mga bisita tayong dadating."
"I'm still sleepy mommy."
"Don't be lazy! Sabi ko may bisita tayo kaya tumayo ka na dyan at magligo! Kuskusin mo yang katawan mo at isuot mo ito!" Biglang sigaw nito kaya napaupo si Brionna.
"Ano ba naman yan! Akala ko pa naman ang sweet niyo na. Tss! Sino ba kasi yang bwusita na yan?! Pag ako talaga! Hay naku!!" Sigaw din ni Brionna.
Bumangon na si Brionna at dumiretso sa banyo para maligo. Laking gulat niya ng nasaloob parin ng kwarto niya ang kanyang ina.
"Akala ko umalis na kayo. Mom naman titignan mo ba ako habang nagbibihis?" Kunot noong tanong ni Brionna.
"Ofcourse not -.- I want you to wear this. Mag ayos ka na at bababa na ako."
"Bakit —"
Hindi na siya nakatapos dahil nakalabas na ito. Tinignan ni brionna ang damit na ibinigay sa kanya. Yellow dress ito na may halong ibang kulay. Saglit niyang inirap ang mata at hinablot na ang dress.
"Kung anong kalokohan nanaman to, bahala na." Wika ni Brionna sa sarili at isinuot na ang dress tsaka tumingin sa salamin. Simple lang ito pero bumagay sa kanya.
Habang pababa si brionna sa hagdan ay napansin niyang abala ang mga tao sa bahay nila at nakita niyang maraming nakahandang pagkain na sobra sa kanilang tatlong magpamilya.
"Teka, mom anong meron?" Tanong nito sa nakatalikod na ina.
"Ma'am nandyan na po sila." Singit ng kanilang katulong.
"Sinong nandyan?" Tanong ulit ni Brionna sa mom niya. Imbis na sumagot ay humarap ito sa kanya tsaka ngumiti.
"Behave. Okay?" Ito lang ang sinagot sa kanya at naglakad na papunta sa pinto. Sinundan ito ni brionna ng tingin at bigla na lang nanlaki ang mata niya kung sinong dumating.
"OMYGOSH!! Tito Timotheo and Tita Tiary?!! (Timothy's parents) O.O" biglang sigaw ni Brionna dahil sa excitement. Madaling tumakbo si Brionna at niyakap ang mga ito.
"Brionna parang kakasabi ko lang kaninang magbehave ah."
"Mom! Bakit di niyo sinabi na pupunta sila dito?! Alam ba ni Timothy to? Tatawagan ko na siya. " masiglang sabi ni Brionna.
"On the way na siya dito dear. I miss you. Still sweet as ever ah." Wika ni Tiary habang tumatawa.
"Ako din po ^__^ oy ang gwapo parin ni Tito theo oh!" Brionna.
BINABASA MO ANG
Hear Me(On going)
Teen FictionA girl who loved her idol and gave her all to him A guy who is always there for her bestfriend and unknowingly loving her A girl who hate everything around her except the guy she love A guy who loved the wrong person Si Brionna Ylleen Wilstone, Baba...