Chapter 35
Kysler's POV
"Ques.. Questigia beach to diba? Bakit tayo nandito?" Tanong ni Brionna.
"Gusto ko dito tayo ee" sagot ko.
Dito lang yung lugar na masaya kami. Walang problema at tahimik. Ito na ang huling pagpunta ko dito. At siya lang ang babaeng dinala ko dito.
"Tara dun tayo!" Aya ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Ang lamig kaya. Atsaka ang aga pa kaya!" Angal niya nang hilain ko siya papunta sa tubig.
Kahit ngayon na lang.. ayokong sayangin to. Ayokong pigilan ang nararamdaman ko. Wala na akong paki sa iba. Selfish? Siguro nga. Alam kong may mga masasaktan pero wala akong pakialam. Basta kasama ko siya ngayon.
Pumunta ako sa harap niya tsaka ngumiti.
"Oh bakit?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot at binuhat ko na lang siya na parang sako at tumakbo na papunta sa dagat.
"Waaaaaahhhh!! Kysler!! Ibaba mo ko ayoko dyan!! Malamig!" Sigaw niya at ipinapadyak ang paa niya sabay suntok sa likod ko pero patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang makarating sa dagat at inilaglag siya.
"Aaaahhh!! Kysler!!" Sigaw niya.
"Hahahah witwiw! Wet look oh!" Pag aasar ko.
"Bastos ka! Lumayo ka nga sakin!" Sigaw niya at pilit na tinatakpan ang katawan. OA nito may damit naman siya. Hahaha
"Ano ba tinatago mo? Hahaha" tanong ko.
"Kamanyakan mo nanaman ee! Layo sabi!" Sagot niya at paatras ng paatras. Mas lalo tuloy lumalalim yung napupuntahan namin.
"Sus takip ka ng takip nakita ko na yan. Memorize ko pa nga ee. Hahaha" pag aasar ko pa.
Napansin kong namula siya kaya mas lalo akong naaaliw na asarin siya.
"Bwisit ka! Uuwi na ako!" Sigaw niya at naglakad pabalik.
Hala nainis! Hahaha. Niyakap ko siya sa bewang at bigla kong binagsak yung sarili ko sa tubig kaya nasama siya.
"*cough* papatayin mo ba ko? Ayoko na talaga! Dapat talaga hindi na ko sumama sayo ee!" Sigaw niya pagkatayo.
"Huy joke lang! Ito naman!"
Hinabol ko siya at umahon na kami sa dagat.
"Ayan ang lamig tuloy!" Reklamo niya.
"Don't worry, hindi naman kita dadalhin dito para mamatay ee. Body heat gusto mo?" Tanong ko.
"Peste ka! Bastos talaga!"
"Hahahaha joke lang. Tara dun tayo oh."
"Oh.. paano nagkatent dyan?" Pagtataka niya.
"Kanina pa yan dyan. Hindi mo lang napansin kasi sobrang nakafocus ka sakin. Hahahah"
"Ang kapal mo din ee no?" Sagot niya at inirapan ako.
Magkahawak yung kamay namin hanggang sa makapasok sa tent. Ayoko munang bumitaw.
"May dala ka bang damit? Nilalamig na talaga ako ee." Tanong niya.
"Wala ee. Hahaha sabi ko kasi sayo body heat na lang." Sagot ko. Wala naman kasi talaga akong dalang damit ee. Hahaha itong tent para lang may mapagpahingahan kami.
"Grrr.."
Napalingon ako sa kanya nang bitawan niya yung kamay ko at gumapang siya papunta sa kabilang side ng tent.
BINABASA MO ANG
Hear Me(On going)
Teen FictionA girl who loved her idol and gave her all to him A guy who is always there for her bestfriend and unknowingly loving her A girl who hate everything around her except the guy she love A guy who loved the wrong person Si Brionna Ylleen Wilstone, Baba...