Chapter 1

113 2 1
                                    

(Camille's Point Of View)

"Winasak niya ako... Wasak ang buong pagkatao ko." Sabi ko sa kapatid kong si Chammy. She's 2 years younger than me.

Binigyan niya lang ako ng Ang-OA-mo-naman-look.

"Pero, masakit talaga e. Sobrang sakit." Sabay turo sa puso ko.

"Ate, ano ba yang pinagsasabi mo? Nadapa ka. Hindi ka broken-hearted." Tapos tinuro niya yung tuhod ko. "Look, gasgas na yang tuhod mo. Nakuha mo pang humugot diyan?" Naring ko yung buntong hininga niya.

"Hehe. Eh sa masakit e. Tulungan mo nalang akong tumayo." Inabot niya ang dalawang kamay ko at inalalayan akong tumayo. "Ang hirap kasi ma-fall, nang wala naman palang sasalo." Bigla niya akong binitawan. So, napaupo nanaman ako sa kalsada.

"Bahala ka dyan. Sana pala di na tayo lumabas para mag skateboard para 'di ka na samadsad diyan at sana wala kang dahilan para humugot-hugot diyan." Pagkasabi niya. Iniwan niya ako at siguradong uuwi na yun.

At, eto ako ngayon. Tinatanaw siya papalayo ng papalayo.

Dahan-dahan akong tumayo at nagsimula na ring maglakad.

"Ganyan naman sila, nang-iiwan." Bulong ko sa sarili ko.

-

"May assignment?" Tanong ko kay Justin. Kaklase ko siya. Mabait naman siya. Kaso, madalas magmura. Psh.

"Meron, yata." Tipid niyang sagot.

"Ah." Sabi ko at sabay kami pumasok ng room.

Kaming dalawa palang sa room. Wala pa yung iba, siguro nga 'di pa nagsisispag-ligo yung mga yun.

"Baka 'di pumasok yun si Bryan." Binasag ni Justin ang katahimikan.

"Ah, bakit nanaman?"

"May sakit anak niya. Tapos wala pa yung ka-live in niya sa bahay nila. Kaya, siya magbabantay." Seryosong sabi niya. Hindi siya tumitingin sa akin.

Ang hirap kaya makipagusap ng 'di ka nakatingin sa kausap mo, parang 'di ko feel kapag ganun.

Hindi ba ganun yung napi-feel niya. Or sanay talaga siyang hindi tumingin sa kausap niya.

Psh, basta.

"Tsk. Ayan kasi, ang aga-aga nagka-pamilya. Malaking responsibilidad tuloy yung pasan pasan niya ngayon." Sabi ko, nakatingin ako sa kanya pero nakatingin parin siya sa white board.

Wth. Look at me bro. 'Di ko feel yung pag-uusap talaga eh.

"Mahirap talaga yun. Ikaw ba naman, pasan pasan mo yung asawa't anak mo." Lumingon siya sa akin. Atlast. "Sino hindi sasakit ang likod nun?" Natawa ako sa sinabi niya. Pilosopo eh.

Bigla kaming natahimik noong pumasok si Kristian. Napatingin lang kami sa kanya at ibinababa na niya ang bag niya.

"Camille." Umupo siya at tumingin sa akin.

Binigyan ko siya ng Anong-kailangan-mo-look.

"May assignment?" Biglang ngumiti kaya natawa ako.

"Wala. Monggloid!"

Dumating na rin ang iba naming classmate at nagdiscuss na ang teacher.

-

Break time *Canteen*

"Guys, sige i-order nyo na ang gusto niyong i-order. My treat." Kuminang naman ang mga mata namin noong narinig namin si Kristian na libre daw.
"Aba'y himala." Itinaas ko ang dalawa kong kamay at tumingala.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon