(Camille's Point of View)
Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako ng kusina para magpaluto kay manang ng kung ano man ang pwedeng makain, gutom na gutom kasi ako kahit kakakain ko lang.
Banana cue ang inihain sa akin ni Manang. Ang sarap! Naubusan ko nga si Chammy. Sa totoo lang akin lang naman talaga yung niluto pero naabutan ako ni Chammy na kumakain at last na kagat ko ang naabutan niya.
Nagpaluto na lang kami ulit dahil nabitin ako at naiinggot siya sa akin.
After ng nakakbusog na bonding namin ni Manang at Chammy.
Nagtambay naman muna ako sa garden. Hindi pa ako nakakabihis, naka-school uniform pa rin ako. Pero, tinatamad pa kasi akong umakyat.
Naupo ako sa isa sa mga upuan doon, at isinandal ang ulo ko sandalan, saan pa nga ba?
Dahan-dahan ko naman pinikit ang mata ko dahil naramdaman ko ang pagkabigat nito, ramdam ko rin ang malamig na hangin na dumadapo sa balat ko. Naririnig ko naman ang tubig sa pool at ang tunong ng mga dahon na pinapagalaw ng hangin.
"Iha! Iha! Gumising ka na dyan at gabi na. Hindi ka pa nakakabihis. Umakyat ka na sa kwarto mo kung inaantok ka pa. Sige na, foon ka na matulog." Sabi ni Manang habang kinakalabit ako.
Idinilat ko naman ang mga mata ko at nagpunta na sa kwarto ko.
Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama, pero napabangon naman ako kaagd noong may naramdaman akong nadaganan ko.
Nakita ko naman ang isang balot ng..
NAPKIN?!
May note na nakadikit dito.
Hi my love,
Ito nga pala, binili ko para sayo. Hiyang-hiya ako kanina noong binabayaran ko yan kanina, tinitignan nila ako lahat. Pero, wala akong pakialam sa kanila. Para naman kasi 'to sa pinakamamahal kong babae. Sya nga pala, 'with wings' yung binili ko kasi yan yung mas mahal and parang mas maganda pakinggan. Di ko naman kasi alam kung para saan yun. ;)Napangiti naman ako pagkatapos kong mabasa yung note na nakadikit doon sa napkin na binili niya.
Natatawa ako kasi, siya pa talaga yung bumili nito para sa akin. Hindi ako nagsisisi at magsisisi na boyfriend ko ang isang Aaron Boyce. Kakaiba eh.
To: Boyfriend <3
Hey, thank you. :) :*Message sent.
--
Andito kami ngayon sa tambayan namin. Kumpleto kami ngayon, malapit na pala magpasko. Isa lang ibig sabihin nyan! CHRISTMAS VACATION. WOHOOOOO!
"Guys! Anong plano natin? Kailangang sulitin natin yung bakasyon." Sabi ni Bryan, habang kumakain.
"Oo nga, ga-graduate na rin tayo sa march. GRABE ANG BILIS!" Sabi ko. Pero ano naman connect ng sinabi ko sa Christmas vacation? (•ิ_•ิ)7
"Eh kung pumunta na lang tayo ng EK?" Sabi ni Kristian.
"EK? As in Enchanted Kingdom?" Paglilinaw naman ni Jhaneah.
"Ako na sagot sa ticket. Ano? Choosy pa kayo?" Sabi ko naman. Oo na, ako na galante. Pasko naman eh!
"Weh?" Sabi naman ni Kristian.
"Weh ka dyan! Hindi na kita ililibre, ayaw mo naman maniwala. Guys, libre ko na kayo lahat, except lang kay Kristian, AYAW NIYA DAW." Sabi ko. Napasimangot naman si Kristian dahil hindi siya malilibre.
"Ano ka ngayon Kristian? Pa-we-weh ka pa kasi eh." Pang-aasar ni Bryan kay Kristian na nanahimik na ngayon sa sofa.
"Millie, ako na lang manlilibre. Bilang boyfriend mo, dapat hindi kita hinahayaang gumastos, ako dapat ang gumawa nun. Okay?" Sabi ni Aaron na nakaakbay sa akin.
"Ganun ba talaga yun? Yung boyfriend dapat yung gumastos? Hindi ba unfair yun?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Wag ka ng maraming tanong dyan. Kapag nagtanong ka pa, iki-kiss kita. Sige ka." Nagulat ako sa sinabi ni Aaron kaya naman tinakpan ko yung bibig ko. Mahirap na, baka bigla akong tuklawin. Emeged.
"Yun lang? Pupunta lang tayo sa EK?" Sabi ni Karl.
"Oo nga, isa lang yung mapupuntahan natin ngayong bakasyon? Ang boring naman." Sabi ni Jhaneah.
"Edi mag-around the world tayo sa buong bakasyon, ewan ko lang kung kaya natin. Boring pa ba yun?" Sabi ni Justin. Aba'y pilosopo.
"Try mo mag-isa." Sabi ni Jhaneah sa kanya at hinampas siya sa braso.
Pero, gumanti naman si Justin at pinalo niya rin ito sa braso. Hala? Anong meron? Parang may namumuong Low Pressure Area ah. (*^▽^*)
"Dahil si Aaron na yung sagot sa ticket natin sa EK, alam ko na kung saan ko kayo malilibre." Sabi ko sa kanila.
Napatingin naman sila lahat sa akin, at halatang gusto na malaman kung saan.
"Saan?" Sabay na sabi ni Bryan at Justin.
"Sa resort namin sa Batangas. Ano choosy pa kayo?" Sabi ko. Naalala ko na matagal na rin pala ang nakakalipas noong huling punta ko sa resort namin na yun. Busy kasi sila mama kaya hindi na namin yun nabibisita, pero ang balita ko marami daw ang pumupunta doon eh.
"Sige!!!" Sabi ni Kristian. Wow, hindi naman halatang excited siya diba?
"Hala? Sinabi ko bang kasama ka sa resort?" Sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay.
"Ay. Camille naman eh!" Sabi niya. Haha.
"Joke. Syempre kasama ka. " sabi ko at nagtawanan sila.
"Kung gusto nyo ipapasarado ko yung resort para masolo natin?" Sabk ko sa kanila.
"Haaaaaa? WAAAG! Camille naman eh!" Napatayo si Karl habang nagrereklamo.
"Ha? Ayaw mo nun tayo-tayo lang doon?" Sabi ko. Parang baliw talaga tong si Karl.
"Wag na, okay na yung may mga ibang guest doon. Para maraming chikababes." Natutuwang sabi niya. Manyak talaga.
"Sus. Wala ka kasing matititigang katawan kapag tayo-tayo lang." sabi ni Jhaneah sa kanya.
"Sige na, pagbigyan na si Karl. Baka umiyak." Sabi ko. At kanya-kanya ng plano ang bawat isa kung ano ang mga dadalhin at susuotin sa mga lakad namin sa bakasyon.
"Doon tayo magpapasko?" Sabi ni Justin.
"Hala hindi. Sa bahay ako magpapasko. Ahmm, siguro pupunta tayo ng EK before Christmas then yung outing natin after Christmas na lang. Ok ba yun?" Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko. Omg. I'm so excited. (≧∇≦)/
Nag-si-uwian na naman kami at syempre kasama ko si Aarin umuwi.
"Millie?" Tawag niya saakin, nakatingin ako sa labas ng bintana habang siya yung nagdadrive.
"Hmm?" Sabi ko.
"Tayo yung magkasama sa kwarto sa resort ah." Napatingin naman ako sa kanya noong sinabi nya yun.
"Baliw!" Yan na lang yung sinabi ko. Ang baliw niya talaga.
"Bakit? Natutulog naman na tayo ng magkatabi ah. Ano na bago dun? Sige na please. Ayoko makasama yung mga ugok na yun sa room eh. Puro kalokohan lang yun, tapos hindi ako makakatulog ng maayos." Pagmamaktol niya.
"Bibigyan na lang kita ng sarili mong room." Sabi ko.
"Ayaw. Gusto ko magkasama tayo." Sabi niya, para siyang bata.
"Oo na." Sabi ko at ibinaling ulit ang tingin ko sa labas.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16