(Kristian's Point of View)
Nakauwi na ako ng bahay. Nakahiga na ako at nakatitig sa kisame.
Nakakapagod, pero masaya naman.
Aaminin ko sa inyo, wala pa talaga kong experience sa love. NGSB ako, never pa akong nainlove, kaya hindi ko talaga alam ang feeling ng mainlove.
Kaya, naguguluhuhan ako.
Ang sabi ko sa sarili ko noong nakaraan, sasabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa kanya, pero parang bakit bigla akong napaisip na baka hindi naman kasi love 'tong nararamdaman ko.
Baka pinapalala ko lang o baka ang OA ko lang.
Baka crush lang naman 'tong nararamdan ko. Baka..
Sa ngayon, lilinawin ko muna sa sarili ko kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Para hindi na ako nag-iisip ng ganito.
(Someone's Point of View)
"Kailangan pa ba talaga yun? Pero, paano na siya? Baka mabigla siya, baka magalit siya sa atin." Napabuntong hininga na lang ako.
"We have no choice. Wala tayong na magagawa, baka malugmok tayo, at ayokong maghirap tayo." Sabi ng asawa ko, tama siya.
Kaya wala talaga kaming magagawa kundi pumayag sa gusto nila.
(Aaron's Point of View)
12 midnight at tumawid ako sa kwarto ni Camille para silipin siya. Alam kong tulog na siya pero, gusto ko lang talaga siyang makita.
"Camille. Hayaan mo, malapit na. Masasabi ko rin sayo na ang katagang 'gusto kita', ." Hinimas ko ang buhok niya. "Magiging tayo rin. Balang araw. I love you." Inayos ko ang pagkakakumot niya at bumalik na sa kwarto ko.
-
"Baby boy! Good morning!" Bati sa akin ni mommy pagkababa ko pa lang sa hagdan.
Nakaupo silang dalawa ni daddy sa sofa.
"Good morning din mom, dad." Ngumiti ako sa kanila.
Dumiretso na kami sa kitchen at nasurpresa ako dahil ang daming nakahain na masasarap na pagkain.
"Woah!" Yan na lang ang lumabas sa bibig ko noong naamoy yung masasarap ng pagkain.
"Hinanda ko talaga yan para sayo. Alam mo naman na namiss ka namin ng daddy mo ng sobra." Sabi ni mommy habang nilalagyan ng rice yung plate ko.
"Thanks mom. Ang saya grabe, namiss ko talaga 'tong luto mo mom. Madalas kasi, bread at milk lang ang breakfast ko, pero minsan doon ako sa kabila kumakain." Sabi ko habang kumakain. Hehe. Sorry na, gutom na talaga ako eh.
"Kabila?" Nagtatakang sabi ni dad.
"Opo dad." Tinuloy ko na ang paglamon ko. Nginitian naman ako ni dad ng nakakalokong ngiti.
"Oh! Papuntahin mo sila dito, sabihin mo dito na lang sila magdinner. Miss ko na rin si Mary eh." Bestfriends din ang mommy ko at mommy ni Camille.
Tumango na lang ako bilang sagot.-
"Ahmm, Cams?" Binasag ko ang katahimikan. Kanina pa kasi walang umiimik sa amin at 10 minutes pa bago makarating sa school.
Nag-da-drive ako ngayon at kasabay ko si Camille, as usual.
"Oh?" Sabi niya at nakita ko siyang lumingon sa akin kahit na diretso akong nakatingin sa daan.
Aamin na ba ako?
Naramdaman ko namang biglang bumils ang tibok ng puso ko. Nag-uumpisa na rin mag-pawis ang kamay ko, kahit hindi naman ako pasmado.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16