(Justin's Point of View)
Ayun, bokya kami sa quiz. Si Camille 2 mistakes, si Jhaneah 3 mistakes, si Aaron 5 mistakes. Samantalang kami nila Karl, Bry, at Kristian failed.
Pagkatapos ng quiz ay bigla na lang kaming iniwan ni Kristian. Ewan ko ba doon, parang araw-araw may topak.
"Ano ba nangyari doon kay Kristian? First time niya nakakuha ng mababang grade ah." Tanong ni Jhaneah.
"Aba malay ba natin. Sinong may alam? Eh pare-parehas naman nating 'di alam. Babalik din yun sa dati tiwala lang." Sabi ni Karl.
Sana nga, bumalik na siya sa dati.
"Hay naku guys, tara na. Punta tayo rooftop." Pag-aaya ni Camille.
"Ay, may gagawin pa ako. Pupuntahan ko yung alam nyo na. Hehehe." Sabi ko sa kanila.
Pupuntahan ko pa si Agnes. Kahapon palang niya ako pinayagang manligaw, so, kailangan sagutin na niya ako.
"Ay, may pupuntahan din kaming tatlo." Sabi ni Bryan kasama si Jhaneah at Karl.
"Ikaw? May pupuntahan ka? Sabihin mo na!" Sabi ni Camille kay Aaron.
"Oo eh. Kailangan ko kasing aralin yung mga lessons na naaral nyo na bago pa ako dumating sabi ni Miss." Sabi niya habang napakamot pa sa ulo niya.
"Psh. O sige na! Go na, layas na kayo! Iwan niyo na ako. (ノ'ー')ノ" At pinagtabuyan na kami ni Camille.
(Camille's Point of View)
At ako saan ako pupunta? Nakakainis naman oh!
Sa rooftop na nga lang, tatalon ako tutal naman nag-iisa na lang ako sa mundo eh. Echos! HAHAHA.
*ROOFTOP*
Pagka-akyat ko, nadama ko agad yung malakas na hangin. Ito yung gusto ko eh.
"B-bakit ba ganito yung nararamdaman k-ko?" May narinig ako na boses at nanggagaling yun sa dulo banda. Naku, baka magpakamatay yun.
Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses at nahanap ko naman agad.
Nakaupo siya at tinatanaw yung buong Academy.
Wait nga, parang si ... yun ah.
"Ang baliw lang kasi eh!" Hinampas-hampas niya yung dibdib niya. Baliw ba siya? "Umaasa ako. Pinaasa ako!" Sabi niya pa. Hala, iiyak na yata.
"Tapos noong nahuhulog na ako sa kanya, bigla na lang may dadating tapos ang sweet sweet pa nila. Anong kalokohan yun?" Sinipa niya yung harang sa rooftop. Hala, bakit niya ba sinisipa yun? Balak niya bang sirain? Eh semento yun eh, baka yung sapatos niya pa yung unang masira.
"Ang saya saya nyo! Naghaharutan pa kayo sa harap ko. A-alam nyo bang sa tuwing nakikita ko kayong magkasama, p-parang gustong kumawala nitong puso k-ko." Sabi niya na medyo nanginginig na yung boses. Umiiyak na ba siya?
Lumapit ako at nilabas ang panyo ko.
"Oh panyo oh! Tama na paghugot mo dyan, baka itulak pa kita. Tingnan mo lang! HHAHA." Sabi ko kay Kristian, at nahuli ko pang tumulo yung luha niya.
Ano ba 'tong nangyayari sa taong 'to!?Nanlaki naman yung mata niya noong nakita ako sa gilid niya.
"K-kanina ka pa dyan?" Sabi niya. Oo, kanina pa, narinig ko nga lahat eh.
"Hehe." Yan na lang nasabi ko. "Patabi ako ah." Hindi ko na hinintay yung sagot niya at tinabihan ko na siya.
Ang laki pala ng school namin.
"Sino ba yung tinutukoy mo? Tsaka bakit parang ang tahimik mo na? Miss na namin yung energetic na Kristian." Sabi ko sa kanya.
Yumuko lang naman siya. 'Wag nying sabihing napipi nanaman 'tong isang 'to.
"Hoy ikaw!" Tumayo ako sa harapan niya habang nakapamewang <(‵▽′)>
"Hindi siguro ikaw si Kristian! Hindi naman siya ganyan eh, sabihin mo nga! Saan mo siya dinala? Alien ka no? Tapos ginaya mo pa itsura ni Kristian! Pipili ka na lang ng gagamiting katawan doon pa sa mukha ding ALIEN! Tss!" Napa-face palm ako. At bigla na lang nya akong tinignan.
"Sira ulo." Diretso niyang sabi wala man lang ka-emosyon emosyon yung pagkasabi niya.
"Ano na ALIEN? Saan mo dinala yung kaibigan namin? Ano? Sige, itutulak talaga kita para bumulusok ka pababa."
"Kung kaya mo." Nagsalita na siya uli kaso wala paring emosyon. Ano ba yun?
"Kaya ko!" Hinawakan ko yubg kwelyo niya at inangat ko. Pero di ko maangat, ni hindi ko nga man lang mapatayo. Tss. Pahiya ng SLIGHT.
"Masyado ka pang mahina." Sabi niya.
"Alam mo? Hindi mo alam syempre! Ang creepy mo! PROMISE, para ka talagang alien. Umayos ka nga Kristian." Umupo na ako ulit sa tabi niya at inaayos niya yung pagkakaupo niya.
"Bakit ka ba nagkakaganyan?!" Tanong ko sa kanya.
"Asghdhhdkhsysjoah" Ano daw? Hindi ko naintindihan eh, kasi binulong niya lang.
"Ano sabi mo?" Paglilinaw ko.
"Iwan mo na ako, tutal naman Absjdhkwkwhsokskq." Sabi niya, bigla nanamang humina yung boses niya noon. Tss.
"Ano? Pakilakas nga ng volume please!" (*人*)
"Wala, sabi ko. Iwan mo na ako." Tss. Makaalis na nga, baka mabaliw pa ako dito.
Naglakad na ako papalayo sa kanya, tss. Siya na nga lang yung sinasamahan ayaw pa niya.
"Camille." Narinig kong sabi niya.
Tumigil naman ako sa paglalakad, pero hindi na lumingon.
"Kapag sinaktan ka niya! Di ako mag-dadalawang isip na saktan siya." Whuuut? Ano daw? Nabingi nanaman ako.
Tumango na lang ako at tuluyan na siyang iniwan, ano ba yung pinagsasabi ni Kristian?
'Kapag sinaktan ka niya! Di ako magdadalawang isip na saktan siya.' Ano ibig sabihin niya? Psh. Mamaya ko na nga iisipin. Ang sakit na ng ulo ko. #Bigti
To: Bestestfriend :>
Wru?
Message sent.
Nakaka-stress yung araw na 'to grabe.
1 message received.
From: Bestestfriend :>
Library.
To: Bestestfriend :>
Do u want some icecream? Tara dali! I'll wait you here.
Message sent.
Alam na niya yun kung saan niya ako hahanapin. Nasa library siya? Eh diba nasa library din yung tatlo? Edi magkakasama sila? Edi sana pala sumama na lang ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16