Chapter 2

45 2 2
                                    

(Camille's Point Of View)

*Kriiiing-kriiinggg* (Alarm Clock)

Pinatay ko yung alarm clock. Antok pa ako, 5 more minutes.

"Camille! Wala ka bang balak pumasok?" Narinig ko si mama. Antok pa nga e.

2 am na ako nakatulog kasi. Huhuh.

"10 o'clock na!" Sigaw niya. What? 10:00?!

Tumingin ako agad sa orasan.

O_____O

10:00!?

O_____O

"Wala po akong balak. Aabsent muna ako." At bumalik na ako sa masaya kong tulog.

(Kristian's Point Of View)

Hindi sana ako papasok ngayon eh. Kasi may laban kami ng volleyball mamaya. Pero, papasok na lang ako.

Nakasarado yung pintuan ng classroom.

Edi syempre binuksan ko.

Ay, ang tahimik. Wala pang tao. Nasaan na si Camille? Si Justin? Wala naman bag niya ah. Dapat andito na yun kanina pa.

After 15 minutes of waiting..

Dumating na sila.

At nagsimula na kaming mag-aral. Absent si Camille. At pumasok na si Bryan.

*Break Time* (Canteen)

"Oh, Kristian 'di ka ba manlilibre ngayon?" Tanong sa akin ni Jhaneah.

Wala kaya akong pera.

"Hindi. HAHAHA." Tapos nag-kanya-kanya na kami ng order ng pagkain.

"Oh Bry? Kamusta inaanak ko?" Tanong ni Karl kay Bryan.

"Ayun, inaanak mo pa rin naman, kailangan niya ng gatas best friend! Wala ka bang maabot dyan?" Tapos yung facial expression niya, biglang nagpaawa. Pero, nakakatawa yung itsura kapag siya gumawa. "Joke lang pre! Syempre may gatas yun no? Ang sipag ko kaya." Bawi niya.

"Justin, ang tahimik mo yata!" Bati ko kay Justin habang kumakain kami.

Tumango lang siya.

Ay, pinandigan nga yung pagiging tahimik.

"Uy pre! Ganda nun oh!" Biglang may tinuro si Karl. Tumingin naman kaming lahat.

Medyo malayo kaya 'di ko masyado makita yung itsura.

"Ayan lalapit na!" Biglang sabi ni Justin. Akala ko ba tahimik siya? Pabayaan na nga.

(Jhaneah's Point Of View)

"Ayan na lalapit na!" Nagulat ako nung bigla na lang nagsalita si Justin. Kanina pa kasi siya tahimik tapos bigla bigla na lang magsasalita.

Tss. Kapag talaga babae napinaguusapan hyper sila. Papalapit na nga sa amin yung babae.

"Di naman maganda! Ikaw talaga Karl!" Tiningnan ng masama ni Kristian si Karl. Sinigaw pa, eh baka marinig ni ateng mukhang clown. Ang kapal ng make up. HAHAHA. Pandak pa.

"Ganda nga eh!" Biglang tumayo si Karl. At nagulat kami noong nilapitan niya si Ateng clown.

May sinasabi si Karl sa babae, di namin marinig eh, tapos yung kaninang nakangiti na ateng clown parang pilit na ngiti nalang ang ipinapakita ngayon.

"Sayang wala si Camille. Kung nandito yun, barado si Karl." Sabi ni Kristian.

"Namimiss mo lang si Camille eh." Sabi ko sa kanya. Pinipigilan kong matawa kasi binigyan niya ako ng seryosong tingin. Parang papatay yung mga tingin niya sa akin. Pinipigilan ko talaga matawa.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon