Chapter 14

18 0 0
                                    

(Kristian's Point of View)

Masaya akong naglakad sa hallway, at dumiretso na kaagad sa room namin.

Marami na rin akong kaklase na nadatnan, andoon na rin sila Jhaneah, Karl, at Justin.

"H-hi K-kristian?" Naiilang na sabi ni Jhaneah sa akin pagkaupo ko.

Kailan pa siya nailang sa akin? Dahil ba lumayo ako sa kanila nitong mga nakaraang araw.

Tsk! Kailangan ko palang bumawi sa kanila.

"Good morning guys!" Masigla kong bati sa kanila at binigyan sila ng malaking ngiti.

Ako --> (*^▽^*)
Sila --> (⊙…⊙ )

Eh? Bakit? May nasabi ba akong masama? Bakit parang nagulat sila?

"Humaygad! KRISTIAN! Grabe! You're back!" Masayang sinabi ni Jhaneah at binatukan pa ako.

Natawa lang naman ako, hindi nila tinanong kung bakit ako nagka-ganun noong nakaraang araw. Siguro feel nila na hindi ko sasabihin sa kanila ang dahilan. Which is true.

Nanlamig naman yung katawan ko, para akong nag-ice bucket challenge. Ganung feeling mga tsong!

Nakita ko si Camille na papasok na sa room. Eeh? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?

"Camille! Alam mo ba..." Sinalubong naman kaagad ni Jhaneah si Camille at inangkla yung braso niya kay Cams.

"Hindi ko alam bakit?" Medyo malayo pa sila sa amin, dahil nga sa likuran pa kami nakapwesto pero naririnig ko na mula dito yung pinag-uusapan nila.

"SI KRISTIAN AY NAGBALIK NA! YEHEEEY!" Tinuro-turo ako ni Jhaneah, at tumawa sila.

Napatingin naman sa akin si Camille, nasa likuran niya si Aaron pero kay Camille muna ako magko-concentrate.
Ngumiti siya sa akin, at napako na yung tingin ko sa kanya. Hindi ko maiwasan eh, para bang na-hypnotized ako.

"KRISTIAN! AYEAH! LUFET MO PRE!" Bigla naman akong natauhan noong sumigaw si Camille, at tumayo bigla sa harap ko.

"Psh! Buti naman lumayas na yung alien sa katawan mo! Ang galing nga eh, naka-kausap pa ako ng alien dahil sa'yo!" Sabi niya, seryoso talaga siya sa alien na pinagsasabi niya. Dalhin ko na ba siya sa mental hospital?

"E-eh?" Nababaliw talaga ako sa alien na pinagsasabi niya.

Hinawakan niya yung magkabilang kamay ko. Shemay. (’-’*)

Biglang tumigil sa pag-tibok yung puso ko.

Ito na ba yun?

Ito ba yung sinasabi nilang — LOVE?

Tss. Ano ba yung iniisip ko?!

-

Pagkatapos ng klase, niyaya ko sila mag-mall para makabawi ako sa kanila.

Tsaka nabalitaan  kong may fireworks display mamaya dito, mga 8 pm pa naman yun. So, napagpasyan namin na manuod ng movie, pampalipas oras.

Horror yung napili namin, para may thrill. Hehe.

Wala kasi Bryan eh, inaasikaso yung baby niya. Wala din si Karl, may gagawin daw na importante. Sayang.

Naunang umupo si Jhaneah, sumunod naman si Justin, sumunod na ako sa kanila.

Magkakatabi kaming tatlo, ewan ko lang kung saan uupo yung dalawa (Aaron at Camille). Bibili muna daw kasi sila ng popcorn at drinks.

"Uyyy!" Biglang sigaw ni Jhaneah noong biglang tinusok ni Justin yung tagiliran niya.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon