Chapter 13

7 0 0
                                    

(Aaron's Point of View)

Sobrang aga ko nagising. 4 am! \(〇O〇)/ Imangine that? Parang baliw diba? 8:00 pa ang pasok namin. Ano naman ang gagawin ko ng ganito ka-aga?

Nagpunta na lang ako sa study table ko at binuksan yung laptop. Naglaro, fb, twitter, IG, etc.

Noong nagsawa ako, inoopen ko na lang yung folder sa laptop ko. May password yun kaya, walang ibang makakita ng laman nito. *Smirk

Alam nyo ba kung ano yung laman?

Gusto niyo malaman? Gusto nyo?

Paano kung ayaw ko? (-________-)

Kidding. Naglalaman lang naman yung ng mga pictures ni Camille, may mga stolen shots, mahahalagang occasions, celebrations, childhood pictures, pictures namin together, basta marami.

Inopen ko yung isang photo.

Stolen shot 'to noong nagpa-party yung Mommy niya dahil siya yung 1st Honor, nakangiti siya at hindi lang yun basta ngiti lang - nakakalunod yung mga ngiting yun, she's wearing an elegant black dress, simple lang pero lalong umangat yung ganda niya.

Inopen ko naman yung isa, iting picture naman na 'to, ay sobrang memorable. Ito yung gabi na, narealize ko na, hindi ko lang pala siya mahal bilang kaibigan, bestfriend, mas higit pa pala doon ang nararamdaman ko sa kanya.

Pero, hanggang ngayon, 'di ko pa rin masabi eh. Baka kasi, tawanan niya lang ako, o sapakin kapag sinabi ko sa kanya yun, ewan ko nga doon, minsan feeling ko, lesbian siya. Joke!

Maraming nagkakagusto sa kanya, pero hindi niya alam yun, manhid ba siya? bulag? alam ng lahat ng taong nakapaligid sa kanya na maraming nagkakagusto sa kanya pero hindi niya pa rin alam yun.

So, hangga't maaga pa, kailangan ko ng talagang umamin bago pa ako maunahan.

Masakit mang isipin pero, baka nga hindi straight na babae si Camille. Never niya pa sa aking nasasabi o nabanggit ang tungkol sa crush man lang bukod kay Ariana Grande, crush niya daw kasi yun. Eh ewan!

Pero, ita-try ko pa ring ipadama sa kanya ang feelings ko para sa kanya, wala namang mawawala diba?

Nahiga na ako ulit sa kama ko, at pinikit ang mata ko.

Pssh! Hindi na talaga ako makatulog ulit. (。-_- 。)

Tumawid nanaman ako sa balcony ng kwarto ko papunta sa balcony ng kay Camille. Sinapian nanaman ako ni Spiderman.

Buti na lang at, hindi niya ni-lock ang sliding door kaya naman nakapasok na ako kaagad.

Pagkapasok at pagkapasok ko pa lang ay naramdan ko na agad yung lamig.

Grabe ah, naka-sobrang todong-todo siguro yung aircon niya.

T-shirt at boxer shorts lang ang suot ko ngayon, kaya naman damang-dama yung temperature.

Umupo naman ako sa gilid ng kama niya, at tinitigan siya.

Hinawakan ko ang pisngi niya, at hinalikan ang noo niya.

Mahimbing pa rin sing natutulog, malaki ang bed niya kaya kasya pa naman ako doon, malaki pa nga ang space eh.

Humiga ako sa tabi niya, nakatagilid siya, at humarap ako sa kanya.

Siguro mga 5 minutes ko na siyang tinititigan at bigla na lang akong nagulat noong bigla na lang siyang gumalaw. Natuod naman ako sa pagkakahiga, at lalo ko pang mas ikinagulat noong niyakap niya ako at isiniksik ang mukha niya sa dibdib ko.

Oh Lord! Ilayo niyo po ako sa tukso. Lalaki po ako. LORD HELP!

Niyakap ko naman siyang pabalik at ipinikit ang mga mata ko.

-

(Camille's Point of View)

Unti-unti akong nagising dahil tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko, wait nga? Bakit may araw na pumasok sa kwarto ko? Tinakpan ko naman ng kurtina yung sliding door ah.

"WHAT THE HECK!" Napabalikwas ako sa kama, noong napansin kong may katabi ako, at hindi lang basta katabi.

Hindi lang basta tabi dahil NAKAYAKAP AKO SA KANYA AT GANUN DIN SIYA SA AKIN.

Tiningnan ko naman agad ang sarili ko, chineck ko agad kung may damit pa ako.

Nakahinga naman ako ng maluwag, dahil may damit pa naman ako.

Akala ko narape na ako. Hehe.

Pero, bakit andito ba yan sa kwarto ko? At tumabi pa sa akin matulog, at magkayakap pa kami habang natutulog. WTH!

"HOY! GISING! BADTRIP! GISING HOY!" Tinulak-tulak ko siya sa kama at hindi ko naman sinasadyang mapalakas yung huli kong tulak at nahulog siya sa kama.

Nagulat ako noong, bigla na lang siyang napatayo at luminga-linga sa paligid at naka-amba na manuntok.

"Uy baliw ka? Sino sasapakin mo? AKO?" Tumungtong ako sa kama, habang nakapamewang at mas matangkad na ako ngayon sa kanya. Hihihi.

"Hindi ah, akala ko kasi may magnanakaw." Sabi niya at napakamot pa sa ulo niya. Magnanakaw? Psh!

"Good morning!" Masigla niyang pagkasabi at nag-unat pa siya pagkatapos naman nun ay bigla na lang siyang nagpout siya at lumapit sa akin. Anong kalokohan yun?

"A-anong ginagawa mo?" Sabi ko habang papalapit siya ng papalapit sa akin.

"Ikikiss kita, ano pa nga ba?" Diretso niyang sinabi at patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin. WTH?

Nasa bangungot yata ako. (ಥ﹏ಥ)

"Joke lang." Natawa siya ng konti pagkasabi niya noon, ay lumayo na siya. Naupo sa sa bed ko, na parang inaantok pa rin siya.

"Anong oras na ba?" Malamyang tanong niya.

Anong oras na nga ba? Ang alam ko lang nagising ako dahil sa sinag ng araw eh.

Tumingin naman ako sa wall clock.

"7:30?" Sabi ko.

WHUUUUUT? ⊙_⊙

30 mins before 8:00?! 7:30?!

"Ge! Una na ako. Sabay tayo papasok ah. Sige na, bye." Agad namang bumalik si Aaron sa kwarto niya at pumasok agad ako sa cr.

-

(Kristian's Point of View)

Maaga ako ngayong nagising, inaayos ko ang sarili ko.

Today is the day!

Natauhan na ako, wala akong dapat ika-selos dahil una sa lahat, mag-bestfriends lang sila, pangalawa, hindi ko dapat nilayuan ang mga kaibigan ko dahil lang sa may nadagdag sa amin at dahil pakiramdam ko ay nalamangan niya ako, mali yun. Dapat akong makisama at kilalanin siya ng lubusan.

Tapos na ang mga panahon na itinatanggi ko sa sarili ko na hindi ko siya gusto. GUSTO KO SIYA, at ipaglalaban ko yun.

Tapos na ang mga panahong naging torpe ako. Hindi lang ako dapat magmukmok, hindi ko dapat sila tingnan na lang sila sa malayo at magpakabitter ng walang dahilan.

Today is the day! Babalik na si Kristian. :)

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon