(Camille's Point of View)
"TIGILAN MO NGA AKO!" Sigaw ko kay Ryle.
Kanina niya pa ako kinukulit, text siya ng text, tawag ng tawag, sunod ng sunod.
"But gu-"
"Please. 'Wag mo na akong sundan."
-----
Mama calling...
"Anak? Okay ka na ba?" Nag-aalalang pambungad ni mama.
"Opo, ayos lang." Malamig kong sabi.
"Where are you? Gusto mo puntahan kita ngayon? Ano gusto mo? Gutom ka ba? May gusto ka bang bilhin? Ano gusto mo, anak? Sabihin mo lang, pupuntahan kita."
"I'm okay, ma. Andito ako ngayon sa bahay. Don't worry, hindi ako magssuicide.
"Suicide? Anong suicide? 'Wag na 'wag mong gagawin 'yun."
"Sige na, ma. Gusto ko na magpahinga. Bye." Pinatay ko na agad.
Nanuod ako ng tv. Medyo natawa naman ako sa gag show na pinanuod ko. At natakam ako noong may nakita akong kumakain ng puto seko sa tv.
Humiga na ako at pumikit. Pagkapikit ko, hindi itim na palogid ang nakita ko. Ang nakita ko ay carbonara, espasol at puto seko na nasa mesa.
"What the heck?!" Napabangon pa ako.
Ano ba 'yong pumapasok na lang sa utak ko?
"Ahm, Yaya Sally? May ingredients ba tayo dyan para sa carbonara? Gutom po kasi ako eh." Sabi ko sa kanya.
"Ay naku po. Ubos na po eh, bukas pa kasi ako pupunta sa grocery para mamili." Malumanay na sagot niya.
"Pwedeng ngayon na lang? Ibili mo na rin po ako ng puto seko at espasol, please?" Pagmamakaawa ko. Sana umubra.
"Saan naman ako bibili ng espasol Ma'am Camille? Ang hirap naman po hanapin nun." Pagrereklamo niya.
"Ikaw na bahala maghanap. Sige na, please." Gutom na talaga ako.
"O sige po. Magg-grocery na po ako." Sabi niya.
"Sige, tawagin mo na lang po ako sa kwarto ko kapag naluto mo na po yung carbonara ha. Salamat po talaga." Sabi ko at umalis na kami pareho sa kusina.
Napatingin ako sa pinto noong may narinig akong kumatok.
Andyan na yung pagkain ko, yes!
"Oh, bakit ka andito?" Tanong ko sa kupal na pumasok sa kwarto ko.
"Wala lang." Sabi niya. At umupo sa kama ko.
"Anong wala? Tigilan mo ko, 'diba sabi ko sayo tantanan mo na ako? Di ako magpapakasal sayo no! Asa ka pa!" Sigaw ko sa kanya. Pero hindi ganun kalakas kasi gutom na ako.
"Hindi pa naman tayo magpapakasal ngayon, minor pa tayo. Tsaka, may ibibigay ako sayo." Kinindatan niya ako. At kadiri yun.
Inirapan ko lang siya at tinawanan niya ako.
"Ang cute mo." Pinisil niya ying magkabilang pisngi ko.
"Aray! Ano ba!? Yung pisngi mo na lang yung kurutin mo!" Inalis ko yung kamay niya na nakahawak sa mukha ko. -nakakurot pala.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Novela JuvenilMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16