(Camille's Point of View)
Lumipas ang mga oras, tapos na ang lahat sa paghahanda at ang hinihintay na lang ay ang pagsisimula ng mangyayaring kasiyahan.
"Oh, andyan na si Mayor." Sabi nila noong nakita ng parating si Lolo.
"Simulan na ang kasiyahan." Ayan lamang ang hinihintay na hudyat ng lahat at nagsigawan at nagtalunan pa sa galak ang mga tao.
May mga pumunta sa iba't-ibang palaro, mag iba naman na sinimulan ng mag-videoke, at marami pang iba.
"Tara doon tayo." Hinatak ako ni Ryle papunta sa maraming rao at nakira namin ang isang mataas na kawayan na nakatayo sa gitna at may flag sa dulo nito.
"Oh, pumila na ang mga gustong lumahok." Sabi ni Kuya Bert na incharge sa larong ito.
"Ano ho bang premyo?" Tanong ng isang lalaki na konti lang ang agwat sa edad namin.
"Ano bang gusto niyo premyo?" Tanong ni Kuya Bert at sumandal pa sa kawayan na tila ba inip na inip na.
"BABAE GUSTO NAMIN NG BABAE!" Sigaw ng lalaki sa likuran. Nagkatinginan naman ang mga lalaki doon at sinang-ayunan ang sinigaw ng lalaki kanina. At napansin kong maraming nakatingin sa akin.
"Eh kung iyan ang gusto niyo, edi sige. Ito na ang magiging premyo. MAKINIG KAYONG LAHAT!" Napukaw ni Kuya Bert ang atensyon ng mga tao.
"Ang pinakamabilis na na makakuha ng flag ang siyang may tsansa upang mamili ng kung sino mang babae ang gusto niyang isayaw mamayang gabi. Ako na ang bahalang kumausap sa babaeng iyon. Oh? Sino na ang mga sasali?"
Marami ang agad na pumila para makapag-try umakyat doon sa kawayan.
Nag-unahan pa sila kung sino ang mauuna.
"Parang alam ko na kung sino ang gusto ng mga lalaking 'yan at kung bakit sila nagkalagulo. Tsk." Sabi ng pinsan ko na nasa tabi ko.
"Sino?" Tanong ko sa kanya, pero kibit-balikat lang ang isinagot niya sa akin.
Bigla ko na lang naramdaman ang pag-abot sa akin ni Ryle ng phone niya.
"Dito ka lang ah. Panuorin mo kung paano ko lalampasuhin yung mga lalaking yan." Sabi ni Ryle at nagpunta sa unahan ng pila. Maraming nagreklamo dahil sa ginawa niyang pag-singit pero wala silang nagawa.
Nagpunta na si Ryle sa may kawayan at nagready ng umakyat doon, mas lalong dumami ang mga nanunuod na babae. Nakita kong tumingin siya sa direksyon ko at kinindatan pa ako.
"Waaah! Nakakakilig!" Inalog-alog ako ng pinsan ko, siguro nakita niya rin ang pagkindat ni Ryle.
"Timer starts NOW!" Sigaw ni Kuya Bert at wala namang sinayang na oras si Ryle, agad niyang ipinalupot ang braso at legs niya sa kawayan.
Hindi ko akalaing magiging madali lang para sa kanyang akyatin yun, nakita kong napanganga ang karamihan sa mga taong nanunuod sa kanya.
Akalain nyong itong lalaking laki sa Amerika, ay mabilis palang umakyat sa kawayan?
"12 seconds!" Sigaw ni Kuya Bert at nagsigawan ang mga tao.
Hindi makapaniwala ang karamihan na posible pa lang maakyat ang madulas na kawayan na iyon sa labindalawang segundo lang.
Walang nakahigit sa record ni Ryle, kaya naman siya ang tinangghal na panalo.
Ako ang pinili niyang date kinakagabihan. Sinabi niya sa akin na ginawa niya iyon, dahil alam niyang ako raw ang gusto ng mga lalaking dalhin mamaya sa sayawan. At ayaw niyang mangyari yun.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16