(Camille's Point of View)
Lahat kami napatingin sa kinaroroonan ni Kristian, bakas naman sa itsura niya ngayon na nagtataka siya kung bakit ganito yung itsura ng room namin. Parang ako lang kanina.
"Oy! Na-stroke ka na dyan! Maupo ka na dito." Sigaw ni Karl kay Kristian.
Naupo naman kaagad si Kristian.
Nagsimula na ring magdiscuss si Miss.
"Kinikilig pa rin ako. Hihihi." Mahinang sabi ni Jhaneah. Lumingon nama ako patalikod para makita siya, tinignan ko siya ng masama.
Kasi naman eh, kanina pa niya ako inaasar na ang pula-pula ko daw kanina. Eh, sino naman kasing hindi mamumula kung andoon ka sa moment na yun?
"Jhaneah, wag ka mag-alala next time sayo naman mangyayari yan." Sabi ni Justin kay Jhaneah.
Napatalikod naman ako agad, tinignan ko si Justin at di maalis yung ngiti niya.
Yumuko naman kaagad sa si Jhaneah at binasa yung dini-discuss ni miss.
Ano kaya meron sa dalawang 'to?
-
"Ate!!!!!!" Bago pa ako makapasok sa gate at sinalubong na kaagad ako ng sigaw ng kapatid ko.
"Bakit? Anong problema mo at ang ingay-ingay mo dyan?" Tanong ko sa kanya, iniwan ko naman siya sa kinatatayuan niya at pumasok na sa loob ng house.
Naramdaman ko naman na sumunod kaagad siya sa akin.
"Sabi na nga ba, magkakatuluyan din kayo eh! Pakipot ka pa! Sasagutin mo rin pala. Tss." Sabi niya at kinurot pa yung braso ko. Kailangan mangurot?
"Paki mo ba? Tsaka paano mo nalaman?" Tanong ko sa kanya.
"Kuya Aaron texted me kanina." Sabi niya.
Pumasok naman ako sa room ko at iniwan siya doon.
Nagpalit muna ako ng damit at humilata kaagad.
Hindi ko naman mapigilang ngumiti kapag naalala ko yung mga pangyayari kanina.
"Hey." Napabalikwas naman ako noong biglang may nagsalita, napatingin ako sa balcony at nakita si Aaron.
"Bakit ka nakangiti? Naalala mo ko no? Yieee." Pang-aasar niya. Binato ko siya ng unan, pero nakaiwas siya.
Pinulot niya yung unan ko, at binigay sa akin.
"I just can't believe that you're mine now." Kinanta niya, Forevermore yung tono. Kung alam nyo yung kanta yun, pero sino bang hindi alam yung kanta na yun diba?
"Wow. Kailan ka pa natuto kumanta?" Tanong ko sa kanya.
"Simula noong naging girlfriend kita." Pagkasabi niya nun, binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
Napangiti naman din ako, ewan ko kung ano yung dapat kong maramdaman, maiinis ba ako kasi ang baduy ng banat niya, kikiligin ba ako, dahil sa corny na banat na yun o kung malaglag ba panty ko sa ngiti niya. Lol.
"Magbihis ka, aalis tayo." Sabi niya.
"Saan tayo pupunta?" Sabi ko pero hindi naman niya ako sinagot.
Binuksan ko yung closet ko at naghanap ng pwede kong suotin.
"Saan ba tayo pupunta para malaman ko kung ano yung susuotin ko?" Tanong ko sa kanya habang naghahanap ng damit.
"Kahit ano namang suot mo maganda ka pa rin." Sabi niya pero hindi siya nakatingin sa akin.
"Ang corny mo. Saan nga? Ano susuotin ko?" Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16