(Karl's Point Of View)
Bigla nalang tumakbo si Camille sa kumpol ng mga babaeng nagkakagulo?
Sino kaya yung naaksidente? May namatay kaya?
"Hala! Saan pupunta yun?" Sabi ni Justin.
"Makiki-chismis." Natatawang sabi ni Kristian. After 10 mins, nakabalik na si Camille. Halatang hingal pa siya.
"Oh saan ka galing?" Tanong ni Jhaneah kay Camille.
Tumawa naman si Kristian. "Edi nakichismis kung ano ang meron doon. CHISMOSA ka talaga Cams. So, ano meron doon?" Tanong ni Kristian. Nagsalita ang hindi Chismoso. Tsss
Lumingon si Camille sa bandang likod niya at napatingin din kami doon.
Nakita namin yung lalaking matangkad, chinito, maputi, medyo brown yung buhok. Tumatakbo papunta sa amin. At tinataboy yung mga babaeng lumalapit sa kanya. Bakla ba yun? Sayang yung mga babae oh, lumalapit na nga sa kanya, tinataboy niya pa. Kung ako yun, suus, nakuu. Haha.
"Caaaammmms! Bakit mo ko iniwan?!" Sigaw ng lalaki kay Camille. Ay close sila.
"Sino siya?" Sabay sabay yung pagkakatanong namin. Ang galing nga eh.
"I'm his handsome best friend. I'm Aaron the Handsome, but you can call me guys Aaron na lang." Ay madaldal. Natawa naman sina Jhaneah at Kristian. Nakipagkamay naman kami isa-isa at nagpakilala.
"So, kayo pala yung kaibigan niya dito sa school?" Tanong niya sa amin, obvious ba? Syempre oo. Hay nako.
"Yeah!" Sabi ni Justin.
"Nice to meet you guys. But, we have to go." At inakbayan niya si Camille at naglakad sila papuntang parking lot.
Halata naman inaalis ni Camille yung pagkaka-akbay sa kanya at nagtatawanan pa sila.
(Kristian's Point of View)
Wala naman si Camille nakekwento na may bestfriend siya. Hyper eh, parang si Camille din pero ang kaibahan lalaki nga lang. HAHA.
Inakbayan niya si Camille at nagulat kami doon. Kami ba? O ako lang? Eh basta, nagulat .
Bukas na namin siya tatanungin tungkol doon sa kaibigan niyang pinagkaguluhan. Ang lakas kasi ng dating eh. Taob kami eh.
(Jhaneah's Point of View)
Ay inakbayan niya si Camille? Pero mag-bestfriend lang naman sila diba? Tapos best friend rin ako ni Camille. Pwede kayang maging close din kami nun? Heheh.
Ang gwapo kasi eh, ang lakas ng hatak niya sa mga babae, kahit nga yata lalaki magpapakabakla para lang sa kanya. Tao ba yun o dyos? Echos!
Nabakla nga yata sila Karl eh. Joke.
(Camille's Point of View)
"Uy, ron. Alisin mo yang kamay mo. Ibabaon kita ng buhay." Pagbababta ko sa kanya. Tumawa lang siya kaya natawa lang din ako. Baliw lang?
Hinatid na niya ako sa bahay. Grabe, nakakapagod 'tong araw na 'to ah.
"Oh Camille, nakauwi ka na pala? Kamusta school?" Sabi ni mama.
"School pa rin ma." Kinamusta yung school? Ano kaya yun?
"Hindi, I mean yung pag-aaral mo kamusta?" Hhaha. Si mama talaga.
"Ok lang naman po, nakakapagod. Pahinga lang ako." Pagkasabi ko nun. Umakyat na ako sa kwarto ko.
Nagbihis muna ako at humilata.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Novela JuvenilMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16