Chapter 4

25 1 2
                                    

(Camille's Point of View)

"Sino yun? Ang pogi. Parang pamilyar, parang nakita ko na yan eh. Tsss. Baka kamukha lang." Sabi ni Jhaneah. Pero nilampasan na nila yun, at pumasok na sila sa room.

Ako naman, nagpahuli sa kanila. At noong nakapasok na sila, hinatak ko yung baliw na nakasandal sa pader. Nilayo ko siya sa maraming estudyante.

"Why are you here?" Tinignan ko siya ng diretso at nilagay ang kanang kamay ko sa kanang bewang ko. Bale nakapamewang ako. Para na tuloy ako ngayong pitsel. Kidding.

"Para makumpleto yung araw mo. Alam ko namang, hinahanap-hanap mo 'tong ka-gwapuhan ko." Inayos-ayos niya pa yung buhok niya.

"Uwi ka na sa inyo, tapos matulog ka. Baka sa panaginip mo, magkatotoo yang sinasabi mo." Sabi ko sa kanya.

"Why? Hindi ba ako ang kumukumpleto sa araw mo?" Pinisil niya ilong ko.

"Araaaaaay!" Tinakpan ko naman kaagad yung ilong ko 'pag alis nya ng kamay niya. "Kainis ka talag ron! Bestfriend ba talaga kita? Napaka-sadista mo!"

"Oo. Bestfriends na tayo since birth. Duh? Nakalimutan mo? My goodness!" Napa-face palm pa ang loko.

"Ron! Malelate na ako sa next subject. Kailangan ko ng pumasok sa room. See yah later. Babussh!" Pagkasabi ko nun, binigyan ko siya ng flying kiss. At sinalo naman niya. Normal lang sa amin yun, para kaming baliw. HAHAHA.

"I'll wait you here ah!" Sabi niya na ngiting-ngiti.

"Seriously? But, 3 hours pa bago ang uwian. Mabubulok ka dyan bahala ka." Siraulo talaga 'tong si Aaron.

Hindi siya pumasok sa school niya tapos dito lang pala siya pupunta sa school ko. Ang lakas ng tama nitong taong 'to. Walang magawa sa buhay.

"Ok lang. Go na! Chupi na! Late ka na! Chooo!" Ay ginawa pa akong aso. Tinaboy ako? WTH?! Nag-wave nalang ako at tumakbo na papasok sa room.

Habang nagkaklase kami, 'di ako mapakali. Kasi naman si Ron eh. Tingin ng tingin, tanaw ko siya dito sa bintana, at kapag nahuhuli niya akong nakatingin sa kanya binibigyan niya ako ng flying kiss. Pero 'di ko sinalo. Pwe!

"Oy! Cams! Yeeeees, pumapag-ibig." Sabi ni Kristian. Ang lakas pa ng pagkakasabi, 'di man lang mahiya sa teacher.

"Pumapag-ibig ka dyan! Di ko yan kilala no?" Pshh. Pag-ibig daw? Si ron? Tapos ako? Pwe. "Hindi kaya siya yung gusto ko, alam mo ba yun Kristian ha?" Sabi ko sa kanya.

"Edi sino?" Tanong niya, at para bang inaasar ako ng facial expression niya.

"Ika- ah eh. Basta!" Sabi ko. Tss, hay nako.

"Anong ika? Ika? Sino yun?" Tinanong niya pa si Jhaneah kung sino si Ika.

"Ika- Ahhmm. Aaaah ehh" napafacepalm nalang ako. "Ikamamatay ko kapag sinabi ko sa inyo." Hooooo. Grabe.

"Damot." Bulong ni Jhaneah.

Bigla ko naisipan na itext si Aaron para balaan siya na 'wag siyang dumikit masyado sa akin mamaya. Baka mapagkamalan kaming couple tapos makita ng gusto ko tapos wala na, wala ng happy ending.

Eh gusto ba ako ng gusto ko?

Ewan. Pero basta!

To: Aaron Man <3

Wag ka kakapit sa akin mamaya ha. Kung ayaw mo mamatay. Yun lang.

Message sent.

Napansin niyo ba yung pangalan niya sa Contacts ko 'Aaron Man <3'. Siya yung nagpangalan nyan eh, katunog daw ng Iron man. Tapos nilagyan pa ng heart para daw cute. Daming alam. Lol.

1 message received.

From: Aaron Man <3

OK boss. Ang tagal mo naman.

May saltik din talaga 'to eh. Sinabi ko na nga sa kanya kanina na 3 hours pa ang hihintayin niya. Tapos magrereklamo.

To: Aaron Man <3

Ginusto mo yan. :p

Message sent.

Haysss. Nakuha ko pang magtext sa kalagitnaan ng Math subject.

Ayun, nagpaseatwork si Sir. Tapos nasagutan ko naman. HAHAHA. Last subject naman na 'tong Math.

*Riiiiing-riiiingggg

"Yeeees!" Halos sabay-sabay pa naming sabi noong narinig namin yung bell.

Lumabas na kaagad yung iba naming kaklase habang ako, inaayos ko pa gamit ko.

"Ang bagal Camille ah!" Sabi ni Jhaneah.

"Wait. Eto na malapit na." At sinara ko na yung zipper ng bag ko.

Nagulat ako, noong may pinagkakaguluhan sa labas. Uyy, may artista yatang pumunta dito sa school ah.

"Uy, baka may artista tara makitingin tayo." Sabi ni Kristian.

"Baka may naaksidente." Sabi naman ni Karl. Brutal talaga 'to eh.

"Baka hinihintay lang nila ako. WAIT WAG KAYONG MAGKAGULO!" Sigaw naman ni Bryan. Pssh.

"Baka para kayong baliw." Sabi ko naman.

"Baliw talaga. Hindi parang." Sabi ni Jhaneah.

Sa gitna ng kaguluhan na nangyayari dito halos sa tapat lang room namin ay nakarinig kami ng sigaw.

"Camssssss! Tuloooong! Re-rape-in nila ako. " Sigaw ng isang lalaki sa gitna ng nagkakagulong mga estudyante.

WTH?! HAHAHA. Kawawa naman siya.

"Ikaw ba yung tinawag ng sumigaw?" Tanong ni Bryan saakin.

"Camille daw eh." Sabi ni Jhaneah. Nagtataka na yung mga kaibigan ko.

Tumakbo ako sa nagkakagulong estudyante. Pshh. Grabe, tulakan talaga. Kawawa naman si Ron.

Yes, si Ron yung sumigaw. Sigurado ako. Boses palang eh.

"TABI NGA!" Nilabas ko na yung matapang na ako, hindi naman na ako makikita ng mga kaibigan ko, ang dami kayang taong nag-gigitgitan dito.

May natapakan ako, nasiko, natulak, para lang makita si Aaron. Ginusto niya 'to eh.

"HOY TAYO NA DYAN!" Sigaw ko sa kanya at hinatak yung braso na papalayo sa mga baliw na estudyante.

"Grabe lang, sa itsura mong yan? Pinagkaguluhan ka? YUNG TOTOO?" Asar ko kay Aaron na pinapagpag yung damit niya.

"Wala e. Gwapo kasi." Walang alinlangan niyang sinabi yun. "Pero Camsssss, THANK YOU! You're my Hero! Baka na-rape na ako kung 'di ka pa dumating." Niyakap niya naman ako pero agad akong kumalas sa kanya.

"Monggloid! Gusto mo bang mamatay? Diba sabi ko wag kang kakapit sa akin?!" Pagalit ko sa kanya.

"Eh baka kagatin nila ako eh." Sabay turo niya sa mga babaeng ang lalagkit ng tingin sa kanya.

"Psh. Edi kagatin mo rin." Unahan ko siyang maglakad, at pumunta na sa kinaroroonan nila Jhaneah.

"Oh saan ka galing?" Tanong ni Jhaneah.

Tumawa naman si Kristian. "Edi nakichismis kung ano ang meron doon. CHISMOSA ka talaga Cams. So, ano meron doon?" Tanong niya. Ano nga ba?

Lumingon ako sa bandang likod at natanaw ko si Aaron na papalapit na sa amin. Hinagawi niya yung mga babaeng lumalapit sa kanya. Siraulo talaga.

"Caammms! Bakit mo ako iniwan?!" Tumakbo na siya papunta sa akin.

"Sino siya?" Halos sabay-sabay nilang sabi.

HAYY NAKOO.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon