(Camille's Point of View)
Medyo late na ako ngayong nagising, siguro dahil sa pinagod talaga ako ni Chammy kahapon.
Monday nanaman. Hindi nga pala kami magkasabay ni Aaron ngayon papasok dahil maaga daw siyang pupunta sa school may gagawin daw na chemenes-chu-chu.
Bumaba na ako agad, pagkatapos kong i-ready yung sarili ko para sa school.
"Manang! Good morning." Bati ko sa yaya namin. Siya lang nag-iisang yaya namin na simula talaga noong baby pa ako, nagtatrabaho na siya sa amin.
"Oh, aalis ka na ba?" Sagot niya habang pinipunasan yung basa niyang kamay. Kakahugas lang kasi nya ng mga pinagkainan.
"Hindi pa po. Gusto ko po munang mag-breakfast bago pumasok. Sawa na rin po kasi ako sa mga pagkain sa school." Sabi ko.
"Oh sige. Maupo ka na dyan at ipaghahain na kita." Sabi niya at naupo naman ako.
Habang nilalagay niya yung mga pagkain sa mesa, takam na takam na ako.
Tumingin ako sa wrist watch ko para masukat kung gaano ba karami pa yung kaya kong kainin sa natitira kong oras. Baka kasi malate pa ako.
7:43 am
Oh? 7:43 pa lang pala eh! 8:00 pa naman pasok ko.
(*゚ロ゚)
Ano? Teka nga! Tinignan ko ulit yung wrist watch ko.
7:44 am
Nanlaki naman yung mata ko dahil ngayon lang narealize ng utak ko na malelate na pala ako.
Kumuha ako ng dalawang slice bread, tapos pinalaman ko yung egg na sana ay ipapartner ko sa garlic rice at hot chocolate.
Uminom ako ng konting gatas at tumakbo palabas ng bahay na dala-dala yung sandwich, at yung isang hotdog na binalot ko sa tissue.
"MANANG ALIS NA PO AKO. MALELATE NA PO AKO." Sigaw ko bago makalabas ng main door.
Agad naman akong pumasok sa kotse, buti na lang alert yung driver namin.
Habang nasa byahe, kinain ko na yung mga hawak-hawak ko kanina.
10 minutes yung byahe kung walang traffic at kung mabilis magpatakbo yung driver.
Kaya naubos ko nama yung kinakain ko.
7:55 na noong nakarating ako sa school. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa rooom.
"Araaaay!" Natumba ako dahil bumangga ako sa isang lalaki na bigla na lang tumayo bigla sa dadaanan ko.
"Ay, sorry miss." Inalalayan niya akong tumayo, pinagpagan ko namn yung uniform ko bago tumingin sa kanya.
Nakita kong may hawak siyang kulay red na colored paper tsaka red na rose? Colored paper ba? Eh matigas eh.
Tinignan kong mabuti...
Aahhhhh.. Alam ko na!
Colored paper nga na red tapos may nakasulat na "WILL" tapos nakalaminate kaya pala matigas.
"Sige." Pagpapaalam ko sa kanya, dahil malapit na talaga akong malate, 5 minutes na lang magbe-bell na.
"Ah miss, wait. Sayo to." At inabot niya sakin yung heart at rose.
Tinanggap ko nalang kasi wala na akong panahon para makipag-kemehan sa kanya.
Tumakbo naman ako ulit, at bigla ulit may humarang sa dinadaanan ko.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16