(Camille's Point of View)
Mahabang palinawagan naman ang nangyari kagabi sa amin ni Chammy. Paano? Ang dami niyang tanong eh! Mas inuna niya pa yung mga tanong niyang nonsense kesa tulungan ako sa ankle ko.
Speaking of ankle. Thanks God! Okay na siya, medyo masakit pa rin pero kaya ko ng maglakad.
Nagsimba naman kaming dalawa ni Chammy, kahit naman ganito ako, nagsisimba naman ako. ANG BAIT KO KAYA!
Ang hindi sumang-ayon sa akin na mabait ako, mababaog! Hahaha. Joke lang!
Pagkatapos namin magsimba, dumiretso kami sa mall. Nag-shopping kami, wala parin kasi si mama at papa sa bahay. Buti na lang nag-iwan ng money. Hihihi.
Maraming kaming pinamili, actually, hindi naman namin kailangan talaga yung mga binili namin. Nagustuhan lang namin at ayun, bibihilhin na.
Ako, hindi naman masyadong marami yung pinamili ko, mga shoes at clothes lang. Pero si Chammy, mapapanganga ka na lang talaga kapag siya yung kasama mo magshopping.
Kasi naman 'tong kapatid ko, lahat na halos ng makita niya, kukunin niya. Tapos sa isang klaseng style ng dress siguro dalawa yung bibilhin niya, magkaparehas ng style pero magkaiba ng kulay. Hindi pa siya nasiyahan sa mga dresses, at kubg anu-ano pang klaseng damit, she also bought shoes, (SHOES - with 's' kasi po ang dami niyang binili) Halos nagkakagilo na nga yung mga saleslady sa mall, kasi naman lahat ng ipapakita sa kanya bibilhin niya.
Siya lang talaga yung nagparami ng mga binili namin, ⅛ lang yung dami ng pinamili ko sa mga binili niya.
Tss. ('-'*)
Pagkatapos ng nakakapagod na moment na yun. Niyaya niya ako sa Jollibee. Matagal na rin daw kasi siyang hindi nakakakain sa mga fastfood chains kasi, meron naman kaming sariling resto, and madalas sa mga expensive restaurants kasi nagyaya si mama.
Eh, ewan ko sa kanila. Mas feel ko pa nga sa mga fastfood. Masarap na, mura pa! Tsaka the best talaga yung fried chicken sa Jollibee diba? Tapos yung Fries ng Mcdo.
OMG!
Umorder na kami, ang dami nga niyang inorder, nanlaki pa nga yung mata noong babae sa cashier kasi tinanong niya si Chammy kung ilan kaming kakain, at syempre ang isinagot niya ay 'dalawa po kami'.
Pinag-dikit ng crew yung tatlong mesa para malagay lahat ng inorder ng kapatid ko. Hindi naman po siya patay-gutom sa lagay na yun!
Habang nakaupo na kami, magkaharap kami ngayon, kumikinang yung mata ng kapatid ko, sa mga nilalagay na pagkain ng mga waiter.
At yung iba naman na kumakain din dito, hindi nila maiwasang mapatingin sa amin.
Napatakip ako ng mukha habang nilalapag nilang lahat yung napakaraming pagkain.
"OK! TARA KUMAIN NA TAYO ATE!" Excited na excited niyang sinabi. Agad niya namang kinain yung chickenjoy. Kumuha pa nga siya ng chicken skin tapos sinawsaw niya sa sundae.
"Grabe lang Cham! Ang dami mong inorder, sa tingin mo ba mauubos mo 'to? Nagsasayang ka lang ng pera eh. Dapat inorder mo lang yung kaya mong kainin." Dumampot ako ng fries at kinain.
Habang kinakain ko yung fries, tinitignan ko lang si Chammy. Mukha namang nag-e-enjoy sa pagkain. Pero, sayang parin eh. Babawasan niya lang ng konti tapos kapag natikman na niya iba naman yung titikman niya.
Ganun lang yung ginagawa niya. Napapa-angat pa nga yung pwet nya sa upuan kapag nalasahan niya na masarap. Parang abnormal.
"Tss. Hindi mo naman mauubos yan eh! Ang dami-dami mong inorder. Yung totoo? Hindi mo na ba alam kung saan mo gagamitin yung pera? Kaya ganyan ka na lang kung mag-order?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16