E P I L O G U E
(Third Person's Point of View)
May isang babaeng nagngangalang Camille Knot. Siya yung babaeng nakainom ng maraming Enervon. Baliw. Madaldal. Matalino. Maganda. May sapat na height. Halos na sa kanya na ang lahat. Pero, walang lovelife. Wala daw forever. Mapagbigay, kakainin na lang niya, hahatiin niya pa at ise-share sa mga kaibigan niya.
Mahal na mahal niya ang mga kaibigan niyang, sina Jhaneah, Karl, Bryan, Justin at Kristian. At mahal na mahal rin naman nila si Camille.
Wala silang ginawa kundi ang magtawanan at mang-trip.
Hanggang sa isang araw, bigla na lang mayroon isa sa kanila na naguluhan sa nararamdaman niya, at 'yun ay si, Kristian.
May kababata si Camille, matalik niya itong kaibigan, lagi silang magkasama, hanggang sa lumipat sa school ni Camille si Aaron.
Napagtanto ni Aaron na higit na pala sa pagiging best friend ang nararamdaman niya kay Camille.
Pinilit niyang itago yun, pero hindi niya rin matiis. Unti-unti na siyang nagparamdam sa kaibigan niya.
"Camille anong pinagkaiba namin ni Rizal?" Bigla na lang nagsalita si Aaron at napatingin naman si Camille sa kanya at ganun din sila Jhaneah.
"Ewan ko sayo." She rolled her eyes on Aaron then umiwas na siya ng tingin.
"Ano lang naman isasagot mo eh. Sige na, uulitin ko tanong ko ah." Sabi ni Aaron.
"Sagutin mo kasi Camille, nacu-curious din ako sa isasagot nitong si Aaron eh." Sabi naman ni Jhaneah, tss.
"Camille! Uy Camille!" Tumingin naman siya ulit sa kanya -kay Aaron. "Ano ang pinag-kaibahan namin ni Rizal?"
"Ano?" She said in a cold tone.
"Bukod sa mas gwapo ako sa kanya, siya tinamaan sa likod, samantalang ako, TINAMAAN SAYO!" Sabay binaril-baril niya pa si Camille gamit yung daliri niya.
Naramdaman naman ni Camille na uminit bigla yung mukha niya, nagtataka siya dahil malamig naman sa room nila.
"Uy nagba-blush!" Asar sa kanya ni Jhaneah. Hindi niya maiwasang mamula pa lalo dahil sa pang-aasar sa kanya.
Hindi niya alam na kinikilig na pala siya noong mga panahon na iyon.
"Hindi ah. Sadyang ganyan na kaya 'tong mukha ko!" Pag-tanggi ni Camille.
Akala ni Camille ay binibiro lang siya ni Aaron. Akala niya ang nang-gu-good time lang ito.
Isang araw ay nakita niya si Kristian ay nagmumukmok sa rooftop. Kinulit niya ito kung bakit siya natahimik ang lalaki simula noong dumating si Aaron pero hindi ito sumagot. Aalis na sana si Camille ng marinig niya ang pagtawag sa pangalan niya.
"Camille." Narinig ni Camille ang seryosong boses ng binata.
Tumigil naman siya sa paglalakad, pero hindi na lumingon pa.
"Kapag sinaktan ka niya. Di ako mag-dadalawang isip na saktan siya." Hindi naintindihan ni Camille ang mga katagang binitawan ng kaibigan niya.
Kaya naman, tumango na lang siya at tuluyan ng iniwanan si Kristian doon.
Ipinaubaya ni Kristian si Camille kay Aaron. Alam niyang wala siyang laban sa best friend ng dalaga dahil hamak na mas close silang dalawa. Sumuko na lang siya agad. Itinuring na niya ulit na kaibigan si Camille yung walang halong kung ano man. Kaibigan na lang talaga.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16