Sorry kung ngayon na lang ulit ako nakapag-update. :( Pero, dahil gusto kong bumawi sa inyo. Medyo mahaba-habang update 'to.
Libre lang mag-vote at mag-comment. Walang bayad yan, at hindi rin nakakamatay. Hihi.
Enjoy!
--------
(Camille's Point of View)
"Flowers for you, my girlfriend." Sabay abot sa akin ng bouquet ng sunflowers.
Hindi ko naman yun kinuha sa kanya. Nek-nek niya, hindi niya ako makukuha sa ganyan-ganyan.
Isang linggo na rin ang nakakalipas simula noong biglang pagsulpot ni Ryle sa Academy.
Simula noong araw na yun, hindi na niya ako tinigilan. Palagi niya akong sinusundan kahit san man ako magpunta. Nakakairita na.
"Eto nanaman ang maarte."
"Manggagamit talaga yang Camille na yan."
"Grabe, I really hate her!"
"Pinagsabay niya ang dalawang Campus Crush. Si Aaron Boyce at Ryle Rodriguez? What the f!"
"I wanna slap her straight to the face, para matauhan naman siya sa kalandiang ginagawa niya."
Ayan na lang ba ang sasalubong sa akin, tuwing maglalakad ako kahit saan mang-sulok dito sa school?
Nilapitan ko ang isang babaeng sobrang kapal ng make-up at parang sinapak na dahil sa blush-on niya.
"I will give you a chance to slap me now." Tumayo ako sa harapan nya at binigyan siya ng sampalin-mo-ako-kung-kaya-mo-look.
Hindi naman siya nakaimik, yumuko lang siya at nanginginig sa kinatatayuan niya.
"Wala akong ginagawang masama sa inyo, kaya sana 'wag kayong manghusga dahil lang sa mga nakikita niyo." Mahinahon kong sabi sa kanya, medyo malakas yun para marinig din ng iba na alam kong galit at inis din sa akin.
Bakit ba sila nagkakaganyan? Kung hindi dahil sa Ryle na yan, hindi ganito ang buhay ko eh.
"Bakit mo ginawa yun?" Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Eto nanaman siya, sunod nanaman ng sunod.
"Ako dapat ang gumagawa nun para sayo. Ako dapat ng nagtatanggol sayo." Nagsalita siya ulit pero hindi ko nanaman siya pinansin at binilisan ko ang lakad ko para maiwan siya doon.
Sa totoo lang, noong una kong makita at makilala si Ryle. Yun yung panahong niligtas niya ako sa magnanakaw. Gusto ko siya, gusto ko siya bilang tao - bilang kaibigan. Hindi na lalampas pa doon.
Pero, sa nakikita ko sa kanya ngayon? Alam kong broken-hearted siya, sinusubukan ko siyang intindihin, kaso wala eh. Nadadamay na yung dating tahimik kong buhay.
Akala ng iba ganun-ganun ko na lang pinagpalit si Aaron. Akala nila ganun akong klaseng babae, akala lang naman nila yun.
Hanggang ngayon hindi pa rin nakakabalik si Aaron. I miss him so much. Namimiss din kaya niya ako?
Sinusubukan ko siyang i-contact lagi pero wala pa rin eh. Ni isang text, ni isang tawag, wala.
Nakakatampo na nga.
Alam na ng mga kaibigan ko ang tungkol kay Ryle. Tinutulungan na rin nila akong makalayo sa gung-gong na yun, pero, hindi mapigilan eh. Gagawa't-gagawa talaga siya ng paraan para lang masundan ako kahit sa labas ng school.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16