Chapter 23

9 0 0
                                    

Sorry po sa errors.

————————————

(Camille's Point of View)

Fast Forward.

Andito na kami ngayon lahat sa harap ng house ko. Dito kasi namin napag-usapang magkita-kita.

And, yung van din namin yung gagamitin.

Hinihintay na lang namin ngayon ay si Jhaneah na nasa loob pa ng house, nag-cr kasi siya.

"Excited na ako!!" Sabi ni Kristian habang tumatalon pa. 

"Oo na. Halata naman." Malamig na sabi ni Justin.

"Ok. Let's gooooooo!" Sabi ni Jhaneah noong tumatakbong papunta sa amin.

Sumakay na kaming lahat sa van. Pumwesto ako sa dulo sa may bandang bintana, tumabi naman saakin si Jhaneah at tumabi sa kanya si Justin.

"Camille?!" Sigaw ni Aaron galing sa labas ng van. Hindi pa siya nakakasakay?

Dumungaw ako sa bintana ng van.

"Why? I'm here! Sumakay ka na, para makaalis na tayo." Sigaw ko sa bintana.

Bigla ka na lang pumasok at pumunta sa dulo.

"Uy, hindi na kasya dito. Doon ka nalang." Sabay turo ko doon sa bakante sa tabi ni Kristian.

"Ayoko. Gusto ko sa tabi mo. Hindi tayo aalis hangga't hindi tayo magkatabi." Pagmamaktol niya. Para talagang bata kahit kailan si Aaron.

Nagkusa namang lumipat na lang ng pwesto ang dalawa kaya naman naupo na si Aaron sa tabi ko.

"Para kang baliw!" Sabi ko sa kanya at hinampas siya.

"Oo. Baliw na kung baliw. Baliw sayo." Sabi niya at inilapit ang mukha niya sa akin, bigla namang umaandar yung van kaya lalong napalapit ang mukha niya sa akin. Muntik na nga magkabanggaan yung labi namin. (@´_`@)

"Oy, grabe ka." Sabi ko sa kanya at tinulak siya papalayo sa akin.

Buong byahe ay nakakapit lang sa akin si Aaron, parang wala siyang balak na bitawan ako.

"Camille! Wake up!" Sabi ni Aaron habang tinatapik-tapik ang pisngi ko.

"Oh, buti naman nagising kana Cams." Sabi ni Jhaneah pagkadilat ko. "Malapit na tayo. Umayos ka na dyan." Dagdag niya pa.

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

"Yes!!! Finally! Akala ko forever na tayo sa byahe eh! Whooo!" Sabi ni Kristian habang hinihilot yung noo niya.

"Walang forever." Sabi sa kanya ni Justin.

Pumasok na kami at mukha namang naexcite silang lahat at nagsitakbuhan na.

"Heey! Guys! Wait!"

Naiwan kaming dalawa ni Aaron.

"Paano ba yan? Tayong dalawa na lang?" Tanong niya sa akin at inakbayan ako.

"May magagawa pa ba ako? Tara na nga lang doon." Nagsimula na kaming maglakad.

Ang dami naming pictures na nakuha.
Marami din kaming nasakyan na rides.

"Ahm, Aaron. Kain na muna tayo. Gutom na ako." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya at pumunta kami sa food court.

Sinubukan naming hanapin yung iba naming kasama kaso, hindi naman namin macontact o makita maski anino man lang nila. Tsk!

"Millieee! Doon tayo, dali!" Sabi ni Aaron at tinuro yung haunted house.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon