Chapter 9

14 0 0
                                    

(Camille's Point Of View)

Kainis talaga 'tong si Aaron, ang lakas ng trip. Hanggang sa classroom namin nakikigulo. Yung mga babae tuloy na napaka-kakati ay inatake ng pagka-makati nila. Huehue.

Dumating na si Miss at natuod na lang si Aaron na nakatayo sa gilid ng desk ko.

"Good Morning din." Ngumiti si Miss, at biglang namula noong napansin ang papansin kong bestfriend.

Sino ba naman 'di makakapansin dyan, bukod sa, siya lang yung nakatayo at sa height nyang nakakalula ay mapapansin mo talaga siya dahil sa kapangitan nya.

HAHAHA. Kidding, ang gwapo kaya ng bestfriend ko. Kahit saang angle mo pa tignan. Tsk!

Pero back to the reality, natuod na nga si Aaron at biglang nagsalita si Miss.

"It seems like kilala nyo na ang bago nyong classmate." At ngumiti ulit. Pero, iba yung ngiti niya. Sus, nagpapacute lang yan si Miss kay Aaron eh.

Asa naman siyang tatalab yung pagpapa-cute niya, eh bakla kaya si Aaron. Wala man lang kasing nagiging crush. Psh, tuwing tatanungin ko kasi palaging wala yung sagot. So, i therefore conclude na bakla si Aaron. HAHAHA.

Sayang lahi. #Bigti na yung mga nagkakandarapa sa kanya. Sorry kayo. HAHAHA.

Wait paki-ulit nyo nga sa akin yung sabi ni Miss?

'It seems like kilala nyo na ang bago nyong classmate.'

Paki-ulit nga ulit?! Para kasing niluluwa ng utak ko yung mga katagang yun eh.

'It seems like kilala nyo na ang bago nyong classmate.'

What the hell. (ಥ_ಥ)

"What?/Talaga?/Ano daw?/YESSS!?" Sabay-sabay na sabi ng mga classmates ko. Bukod sa akin na para bang umurong ang dila ko dahil doon.
Ibig sabihin ba nun ay magiging classmate ko nanaman si Aaron?

Malamang! Syempre! Siguro. Baka hindi.

Malay ba ko ba? Who knows?

Alam ni Miss yun, tsaka si Aaron syempre alam nya din yun. Isip-isip din Cams ah.

Pshh! Nababaliw na ako, kinakausap ko na yung sarili ko sa papamagitan ng isip ko. Malala na 'to.

Dalhin niyo na ako sa mental.

"Ok. Mister, introduce yourself." Sabi ni Miss kay Aaron.

"Aaron Boyce. 16. I'm from blah blah Academy." Nag-pause siya, tumingin siya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "And bestfriend ko siya!" Sabay turo sa akin. "And, i love her so much........as a bestfriend! Hehehe." Arg! Nakakahiya talaga 'tong taong 'to.

Paki ba nila sa sinasabi niya?

Nagsi-tinginan naman silang lahat sa akin.

Sila --> ﴾͡๏̯͡๏﴿ O'RLY?
Ako --> (ಥ_ ლ )

Napa-face palm na lang ako, dahil ako ang nahihiya para sa kanya. Habang nakatingin naman silang lahat saakin, at abalang-abala sila sa kagandahan ko. Tiningnan ko si Aaron at binelatan niya ako. Tsk! Bakla talaga.

"Ok. Sige, tabihan mo na si Camille." Sabi ni Miss noong natauhan na siya. At tumabi na nga sa akin ng mokong. Psh, asar!

"Hoy, lalaki!" Bulong ko, pero sapat na yun para marinig niya, at siniko ko ang braso niya.

"Bakit?" Sagot niya pero hindi niya man lang ako nilingon dahil seryoso niyang sinusulat lahat ng dinidiscuss ni Miss.

Wow, nagpapakitang gilas. Sus, sa una lang yan. HAHAHA.

"Bakit ka lumipat dito sa school ko?" Sabi ko at hinampas ang braso niya.

"Gusto ko lang." Hindi pa rin niya ako tinitignan, seryoso talaga siya sa pagsusulat.

Hindi ko na lang siya kinausap pa ulit. At nakinig na lang ako kay Miss.

-

"Ok class dismiss." Hay salamat natapos din! 'Di ako maka-concentrate sa pag-aaaral ko dahil dito kay Aaron eh.

Paano naman kasi, habang seryoso akong nakikinig sa lecture ni Miss, bigla na lang niya akong sisikuhin or susulatan niya bigla yung kamay ko.

Ang galing diba? At ginantihan ko rin siya syempre, mas malakas ang pagkasiko ko sa kanya at mas mahaba ang nilinya ko sa kamay niya. HAHAHA.

(Justin's Point Of View)

Di ako maka-concentrate makinig kanina sa lecture ni Miss, dahil sa harapan ko nakaupo si Camille at Aaron.

Nakikita ko silang nag-siskuhan at nagsusulatan sa kamay at bigla na lang silang tatawa ng mahina. Para silang baliw.

Ang katabi ko namang si Kristian, nanahimik pa rin hanggang ngayon,alam kong napansin niya rin ang paghaharutan nila Cams pero bakit 'di niya man lang inasar? Nakakapanibago talaga 'tong si Kristian.

"Aray!" Ay, hala. Kakaisip ko sa mga nangyari kanina may nabangga tuloy ako habang naglalakad sa hallway.

Psh. Lutang kasi!

Nabitawan niya yung bitbit niyang mga libro. Tinulungan ko naman siyang pulutin yun.

"Ito oh. Sorry ah. Hehe." Inabot ko na sa kanya yung libro, at na-realize ko na maganda pala siya. Jackpot HAHA.

" Ok lang yun. Basta next time tingnan mo na yung dinadaanan mo." Sabi niya sa akin. Habang nakangiti, hindi lang yun simpleng ngiti eh, inaakit niya ba ako? Tss.

"Kung hindi ko tinitignan kanina ang daan, bakit kita nabangga? 'Di ka rin ba tumitingin sa dinadaanan mo kaya 'di mo nakita ang tulad ko na hindi tumitingin sa dinadaanan kaya kita nabangga?" Sabi ko. Huh? Naguluhan ako sa sinabi ko ah.

Nangunot lang ang noo ng babae, naguluhan din yata.

"Ay kalimutan mo na yung sinabi ko. Justin nga pala." At inabot ko ang kamay ko. Oh yeah, galawang breezy! HAHAHA.

"Agnes!" Tipid niyang sabi. Tumango ako at inalis na ang pagkakahawak sa kamay niya. "Sige, una na ako." Pagpapaalam niya.

"Sige, pangalawa na ako." Sabi ko naman. At umalis na siya. Ay, hindi man lang niya na-appreciate yung joke ko?

Sayang yung joke. :(

-

(Camille's Point Of View)

Isang linggo na rin ang nakalipas simula noong pumasok dito si Aaron. Nakaclose niya na rin ang mga kaibigan ko.

Pero, naninibago kami kay Kristian eh. Ang tahimik na niya. Psh, baka wala lang sa mood.

*CANTEEN* Lunch break

Sabay-sabay kaming kumakain ng lunch dito sa Carinderia ni Aling Monet. Ang sarap kasi ng luto niya, noong isang araw lang din namin nadiskubre ang lugar na 'to.

"Camille ano ioorder mo?" Tanong sa akin ni Jhaneah.

"Ahm, kung ano na lang yung oorderin ni Aaron yun na rin yung akin." Sabi ko. Nakakatamad pumili, ang dami kayang choices, kung pwede ko nga lang yan ulamin lahat eh.

Pero, baka masira yung sexy body ko. HAHAHA.

Naiwan kami ni Jhaneah sa table habang hinihintay sila. Inutusan kasi ni Jhaneah si Karl na bilhan na rin siya at si Aaron naman ay nagpapakadakila, pagsisilbihan niya daw ako 'kuno'.

"Alam mo Cams, kung ako sayo, magpapaligaw na ako diyan kay Aaron." Nabilaukan naman ako sa sinabi niya kahit wala pa naman akong kinakain. "Kaso nga lang..."

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon