(Aaron's Point of View)
Natagalan ako sa loob ng Haunted Haouse dahil hinanap ko si Camille sa loob. Kahit sa misming nanakot ay nagtanong ako pero hindi naman nila ako sinagot.
Napilitan akong lumabas na dahil baka nakalabas na rin siya.
Ginalugad ko ang lugar malapit doon para hanapin siya.
At hindi naman ako nagkamali, nakita ko siya.
Naglakad ako papalapit sa kanya pero biglang nadurog ang puso ko sa nakita ko.
Nakaupo si Camille kasama ang isang lalaki, nakahawak si Camille sa mukha nito at parang enjoy na enjoy sa ginagawa niya.
Patuloy ko silang pinagmasdan mula sa malayo, tawa ng tawa si Camille at palagi nitong hinahampas braso ang kasama niya.
Hindi na kinaya ng puso ko kaya naman, umalis na ako sa pinagtataguan ko.
Bumili ako ng shake at umupo sa isang bench. Gusto ko magpaka-emo ngayon.
Sumandal ako, at parang naging komportable ako sa pwesto ko kaya naman pinikit ko ang mga mata ko.
————
"Aaron!" Idinilat ko ang mata ko noong naramdaman kong may kalabit ng kalabit sa akin.
Nakita ko naman silang lahat. Magkakasama na pala sila.
"Ang taray mo ah. Dito mo pa talaga naisipang matulog." Sabi ni Jhaneah.
Hindi ko na pinansin ang pang-aasar nila sa akin.
Nilibot na namin ang buong lugar, sunod lang ako ng sunod sa kanila, hindi ako kumikibo. Wala ako sa mood. Wala akong energy.
"Aaron okay ka lang?" Tanong sa akin ni Camille.
Bakit niya tinatanong sa akin yan? Nasaktan ako eh. Nagseselos ako.
Yung lalaking kasama niya kanina ay yung lalaking nakita ko dating kausap din ni Camille sa mall.
Tumango-tango lang ako.
Nag-gabi na at nagpasyahan na namin na umuwi na dahil pagod na rin naman kami.
Si Justin ang nag-drive pauwi dahil, pagod ako slash wala pa rin sa mood.
———————————————
"Oh Aaron, ikaw na magdrive. Bababa na ako. Ingat kayo ah." Sabi ni Justin at tuluyan ng bumaba.
Tahimik lang ang byahe namin hanggang makarating kami sa tapat ng house nila Camille. Na katabi lang ng bahay ko.
Sa totoo lang, hindi naman talaga yan yung totoong bahay nila. May mansion sila eh. Kaso, dito nila piniling mag-stay dahil nga mas malapit sa school at palaging wala ang parents niya kaya mas mabuti na sa mas maliit na house na lang muna sila ni Chammy tumira. Pero hindi naman maliit talaga. Ang laki nga, pero di hamak namas malaki talaga yung mansion nila. Mansion nga diba?
Ang daldal ko na, para na akong babae. Bakit ako nagkwento? Wala nga pala ako sa mood, nakalimutan ko. Tss.
"Goodnight Aaron. Bye. See you tomorrow." Sabi niya at bumaba na.
Sinalubong naman siya ng maids at ng driver. Bumaba na ao ng sasakyan at ibinigay sa driver yung susi.
———————————————
Ang mga susunod na eksena ay Rated SPG. (Echos! Walang ganun dito. Mema-sabi lang si Author)
(Ryle's Point of View)
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16