Sorry sa errors.
-
(Camille's Point of View)
Busy'ng-busy ang lahat sa paghahanda para sa debut ko. Costume party ang magiging theme, para kakaiba.
May nakita akong malaking box na nakabatong sa bed ko, at binuksan ko ito.
It was a cream colored dress, detailed with sequence and diamonds. Humarap ako sa salamin at itinapat ito sa sarili ko. Mahaba ito, meron ding floral crown na babagay sa isusuot ko.
May kumatok sa kwarto ko at pinapasok ko sila. Pamilyar sakin ang tatlong taong yun, sila palagi ang nag-aayos sa akin tuwing may events, alam na alam na nila kung paano ako aayusan.
"Omygod. You're so beautiful." Sabi ni Mickey na isa sa mga nag-ayos sa akin.
"Para kang anghel, Miss Camille." Sabi naman ni Tanya na tinitignan ako mula sa salamin."Dahil yan sa inyo, thank you." Pagpapasalamat ko sa kanila. Nginitian naman nila ako.
"Maganda ka na talaga, mas pinaganda at mas pinalabas lang naman ang ganda mo. Kung hindi naging babae 'tong puso ko, siguro niligawan na kita." Natatawang sabi sa akin ni Drake.
Tinawanan ko lang nama siya. Narinig ko na ang ingay mula sa baba, nagsisimula na.
"I think, kailangan mo ng bumaba. Hindi makukumpleto ang gabing 'to, kung hindi ka nila makikita." Nakangiting sabi ni Tanya.
"Sige, mauna na kayo. Susunod na lang ako." Sabi ko sa kanila. Nag-aalangan pa silang lumabas ng kwarto, dahil gusto nilang masiguro na bababa na ako agad. Nginitian ko sila at tuluyan na silang lumabas.
Sumilip ako mula sa balcony ng kwarto ko, maraming ilaw. Maraming kotse ang pumapasok, marami ng tao.
Lumabas na ako ng kwaryo ko at tinahak ang grand staircase, unti-unti akong bumaba, pinagmamasdan ko ang mga taong busy sa pakikipag-usap sa mga kakilala nila.
"Now, let's welcome our débutante. Camille Knot." Sabi ni Chammy na nasa stage. Siya pala ang naging speaker.
Natigil sa pag-uusap ang mga tao, at napunta sa akin lahat ng tingin nila. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya. Yung last time na magpunta ako sa ganitong party, ay hindi maganda ang kinalabasan. Sana, maging maayos ang lahat ngayong gabi.
Ngumiti ako para mabawasan ang kaba at hiya na nararamdaman ko. Shy type kasi talaga ako, hindi ako sanay na humarap sa maraming tao.
Tinignan ko si Chammy na malaki ang ngiti, she's wearing a black dress, na hanggang tuhod lang. Punong-puno ng laces, para siyang manyika na buhay.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong lugar, mahina akong natawa noong napadpad ang mata ko saisang table. Avengers ang peg nila. -yung mga kaibigan ko, i missed them so much.
Napansin yata nilang napatingin ako sa kanila, nginitian nila ako at nag-thumbs up pa sa akin.
"Hi, miss gorgeous." Bati sa akin ni Ryle na naghihintay sa dulo ng staircase, his smiling at me. He's wearing a cream suit. Napakalinis niyang tignan, parang ang bango-bango niya kung makita mo siya at sigurado naman namabango talaga siya.
"You look gorgeous." Sabi niya sa akin.
Nginitian ko siya. "Akala ko ba si Adam yung gagayahin mo? Diba dapat dahon lang 'yun?" Pang-aasar ko sa kanya, sabi niya kasi sa akin noong nakaraan, si Adam daw yung gusto niyang gayahin at ako naman daw si Eve. Natawa ako ng bahagya noong naalala ko 'yun.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16