Konting-konti nalang, patapos na tayo. Emergersh. Achievement nanaman yun.
Salamat sa pagbabasa, and sana mas marami pang magbasa. Sana. I think hindi na lalampas ng 5 chapters bago matapos (hindi pa ako sure). Pero sana.
Enjoy reading. Sorry sa errors.
-------
(Camille's Point of View)
"Hey!" Masayang bati sa akin ni Ryle. Kinurot niya pa ang pisngi ko at hinampas ko naman ang kamay nito.
"Ano ba, Ryle? Hindi ka ba nagsasawang gawin sa akin yan? Malalawlaw yung cheeks ko." Reklamo ko sa kanya habang dinadampi ang namumula kong pisngi.
"Kahit na mangyari yun sa pisngi mo, mahal pa rin kita. I will always love you, no matter what." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.
Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang cheesy lines niya araw-araw. Nasanay na lang akong marinig ang mga 'yun.
Sino bang hindi masasanay kung makarinig ka ng cheesy lines araw-araw, sa loob ng dalawang taon.
2 years na ang nakaraan, simula noong iniwan namin ang Pinas. Dito na rin namin pinagpatuloy yung pag-aaral namin. Oo, nakakamiss yung mga naiwan doon, pero hindi naman masyadong malungkot dahil kasama ko naman si Ryle, at kung minsan, nagbabakasyon dito sila papa.
Nasanay na ako sa existence ni Ryle sa buhay ko, siya yung tumutulong sa akin sa school, tumutulong sa mga ginagawa ko, sa lahat ng bagay tinutulungan niya ako. Pinapasaya niya ako, siya yung nagcocomfort sakin kapag namimiss ko yung family at mga friends ko.
Natauhan ako bigla nung narinig ko ang pagtawag niya sa akin.
"Kanina pa kita tinatawag. Tinatanong kaya kita." Tinignan ko siya para ipagpatuloy ang sinasabi niya. "Gusto mo na ba bumalik 'don?" Biglaan niyang tanong sa akin.
"Ha? What do you mean?" Naguguluhan kong sinabi.
"Gusto mo na bang bumalik na tayo sa Pilipinas? Masaya ka na ngayon, naka-move on ka na naman diba?" Paglilinaw niya.
"Yah. Sobrang gusto ko na, tsaka gusto ko ng makita at makasama sila Jhaneah and friends." Bumungisngis pa ako. Nagsasawa na kasi ako sa'yo. Tss." Inirapan at tinilalikuran ko siya.
"Grabe. Ang sakit mo naman magsalita, dahan-dahan naman sa pagsasalita, nasasaktan ako." Pagmamaktol niya.
Bigla na lang siyang naupo sa sulok. Nakayuko siya at parang lungkot na lungkot.
Lumipas ang ulang minuto at tahimik pa rin kaming dalawa. Para bang nagkakahiyaan pa kaming magsalita.
"Syempre joke lang naman yung sinabi ko! Ito naman hindi mabiro." Natatawa kong sinabi at hinampas siya.
"Hindi, walang joke-joke dito. Wala ng bawian. Nagtatampo ako. Tsk." Mahina niyang sabi habang nakayuko.
"Drama drama drama. Tama na, Ryle. Hindi ka magaling umacting."
Bigla namang napalitan kaagad ng ngiti yung labi niya kaninang muntik na sumayad sa lupa.
"Tutal naman, next month na yung debut ko, doon na lang kaya ako magc-celebrate? Welcome party na rin para sa atin, para mas tipid. Oh diba, wais?" Suggestion ko sa kanya. At sumang-ayon naman siya sa akin. Marami siyang naisip gawin na kung ano-anong pwedeng gawin pagkauwi namin at umoo na lang ako.
Alam ko naman na maganda yung mga planong naiisip niya at siguradong magugustuhan ko yun.
-------
"Oh, uuwi na tayo. Ready ka na ba?" Tanong niya sa akin habang kumakain kami ng dinner.
Uuwi na kami bukas sa Pilipinas. Excited na ako, pero parang kinakabahan ako. Ewan ko ba sa nararamdaman ko.
"Oo ready na ako. Eh ikaw? Hindi pa naman ah. Hindi mo pa nga naayos yung gamit mo, ikaw talaga." Pang-aasar ko sa kanya.
"Mamaya ko yun aayusin. Madali lang yun, excited na ako sa debut mo." Natawa siya sa sinabi niya.
Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtawa niya ng walang dahilan. Nakitawa na lang ako. Pilit na tawa.
"Malaki ang chance na makita mo na pala ulit si Aaron. Handa na ba loob mo?" Tanong niya at binigyan niya ako ng magpangaasar-look.
Nabilaukan naman ako, at iniabot niya agad sa akin yung baso ng tubig. Parang may lumabas pa nga yatang butil sa ilong ko.
Napahawak ako sa dibdib ko.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"To be honest... Ehm... hindi. Ang hapdi ng ilong ko, kainis ka." Ibinato ko sa kanya yung table napkin.
Tinawanan niya alang ako at nagpatuloy na kami sa pagkain.
---------
"Welcome back!! I miss you, ate." Sinalubong ako agad ng yakap ni Chammy pagkakita sa akin.
"Talaga bang namiss mo ako? Hindi mo man lang nga ako sinalubong sa airport." Pagdadrama ko.
Sa totoo lang nagkita naman kami a month ago, dahil nagpunta sipa ng states at dinalaw nila kami doon no Ryle para kamistahin. Kaya alam kong, echos niya lang 'yun.
"Ang init naman dito sa Pilipinas. Tara, balik na tayo sa US Cams." Pagsingit ni Ryle sa pagdadrama ko habang nagpupunas ng pawis niya dahil sa pagbaba niya ng mga gamit namin sa kotse.
"Bumalik ka doon mag-isa." Tipid kong sabi sa kanya.
Tinawanan niya lang ako at pumasok na kami sa loob ng mansion.
"Oh bro! Welcome back. Hindi kita namiss." Narinig kong bati ng kapatid ni Ryle na si Ronnie, nasa loob rin pala ng mansion.
"Namiss ba kita? Hindi rin naman ah. Wag kang ano!" Sagot ni Ryle sa kanya.
Nagbiruam silang magkapatid at nagtawanan bigla. Iniwan na lang namin sila doon.
"Ate, ready ka na ba sa debut mo? Ano ba feeling kapag nagpaplano na para sa debut?" Excited na tanong sa akin ni Chammy.
"Parang yung normal na birthday lang, ang pinagkaibahan lang, parang mas nakaka-excite at parang ano. Basta, ang hirap i-explain. Bakit ba ang dami mong tanong?" Hindi ko talada ma-explain yung feeling eh. Parang achievement din kasi yun para sa akin, biruin nyo yun 18 years na akong nabubuhay sa mundong 'to. Diba bongga?
"Marami akng tanong kasi nga naiinggit ako sa'yo. Gusto ko na rin mag-debut." Nahihiya niyang sagot sa akin.
Marami pa siyang tinanong at halos lahat ng plano para sa party ko ay siya yung nag-isip. Tatanungin niya ako kung ano yung gusto ko pero yung kanya din naman yung final na pipiliin. Pinili ko na lang na, tumahimik at hayaan siyang mag-plano. Para mas tipid energy. Lol.
"Grabe, I'm so excited na talaga. Kung pwede lang na mas bongga yung susuotin ko sayo eh. Kung pwede lang. Pero, dahil ikaw naman yung magd-debut, pagbibigyan na lang kita." Halata talagang excited na siya at nagbabalak na nga siya para sa debut na na 2 years pa bago mangyari.
Pinadalhan ko na yung mga friends ko ng invitation pati na rin yung mga hindi ko masyadong ka-close. Gusto kong ishare sa lahat ang 18th birthday ko kaya marami talaga akong pinadalhan ng invitations. The more, the merrier, nga diba? Walang mapaglagyan yung saya at excitement na nararamdaman ko. Sana maging; perfect yung gabing 'yun.
You are invited to Camille Knot's 18th birthday. We're having a costume party. See you there. ;)
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16