(Camille's Point of View)
"Good morning." Naramdaman kong may humahaplos sa buhok ko at alam ko naman kung kaninong boses yun.
Idinilat ko ang mata ko at nakita ko ang prince charming ko. Prince charming? Baduy!
Napangiti naman ako noong makita ko ang maamo niyang mukha.
"Good morni- O MY GAAD!" Bigla na lang akong napasigaw, noong may naramdaman akong kakaiba.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo papuntang cr.
⊙△⊙
Haa? Tss! Ito yung pinaka-ayokong part ng pagiging babae eh. Kainis!
Binuksan ko agad yung cabinet ko sa cr at hinanap yung pinakaimportanteng bagay ngayon para sa akin.
Hanap...
Hanap..
Nasaan na?
Wala na?
UBOS NA?!
WAAHHHHH!
Wala ng ibang paraan, nakakahiya kung lalabas ako dito sa cr. Bakit pa kasi andito si Aaron eh. BAKIT NGAYON PA!?
Dahan-dahan kong binuksan yung door ng cr at sumilip.
Nakita ko naman na, relax na relax na nakahiga si Aaron sa kama ko.
"Psst." Mahina kong tawag sa kanya.
Nanatili pa rin siyang nakahiga. Hindi niya yata narinig. Masyado yatang mahina.
Nahihiya ako. Kainiszxc! ಠ╭╮ಠ Aw. Kailan pa ako naging jejemon?! Tss.
"Hey." Medyo mahina na medyo malakas kong tawag sa kanya.
Pero, hindi pa rin niya yata narinig. Ano ba? Bakit ang bingi niya? Hiyang-hiya na ako!
"Psst!" Hindi na mahina yun at sure ako na maririnig na niya yun.
Unti-unti niyang pinihit yung ulo niya para humarap dito sa pintuan.
Konti lang yung pagkakabukas ng door at sa maliit na space na yun, ay dinungaw ko ng ulo ko.
"Bakit?" Tanong niya sa akin. What the hell. Paano ko ba sasabihin? Nilalamon ako ng hiya.
Hindi ako makasagot sa kanya, nanatili akong nakatingin sa kanya, nahihiya talaga ako.
"Bakit? Anong nangyari sayo? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong niya ulit sa akin.
(Aaron's Point of View)
Nakadungaw ngayon si Camille sa pintuan ng cr niya. Ewan ko ba kung bakit bigla nagkaganyan yan.
Bigla-bigla na lang iyang tumakbo papunta doon. Tapos ngayon, parang walang balak lumabas.
Tinanong ko siya kung bakit, pero hindi naman siya sumasagot.
"Ahhmmmm.. Eeehhhh!" At ibinagsak niya ng malakas yung pinto.
Ano ba yun? Anong problema nun?
Pumikit na ako ulit. Pero hindi pa nagtagal narinig ko ulit ang pagbukas ng pintuan ng cr.
Pero, hindi pa rin siya lumalabas, nakadungaw pa rin siya.
"Ahmm, Aaron?" Mahina niyang sabi.
"Hmm?" Sabi ko habang nakatingin lang sa kisame.
"Pwedeng pumunta ka sa kwarto ni Chammy?" Pagpapakiusap niya sa akin. Napakunit naman ang noo ko. Bakit niya ako pinapapunta doon?
"Bakit? Ayoko nga. Wala naman akong gagawin doon." Sabi ko habang nakatingin parin sa kisame.
"Meron." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Anong meron? Ano gagawin ko dun?
"Ha?" Sabi ko. Habang nakaupo na ako ngayon sa edge ng bed niya.
"Pwedeng pumunta ka doon saglit tapos ihingi mo ako ng ... gdjaukbxjs." Sabi niya pero hindi ko naintindihan yung dulo ng sinabi niya. Ano daw kukunin ko? Hihingin ko?
"Ano kukunin ko?" Sabi ko sa kanya. Tumayo naman ako.
"Ahm, ihingi m-mo ako ng.....ehhhhhh" sabi niya. Ano ba yun? Bakit siya nagkakaganyan, napansin kong namunula yung mukha niya. At feeling ko kinakabahan o nahihiya siya sa akin.
"Ano nga kasi yun? Para makuha ko na. Wag ka na mahiya. Kanina ka pa nakatayo dyan, ano ba kasi yun?" Sabi ko habang naglalakad papalapit sa kanya.
"Napkin." Nanlaki naman mata ko sa narinig ko. Napkin huh? Kaya pala.
Napangiti naman ako, at tinignan siya ng nakakaloko. Haha.
Nakita ko naman na lalong namula yung mukha niya. Sinarado niya yung pinto ng malakas.
"DALI NA PLEASE!" sigaw niya mula sa loob.
Lumabas naman ako agad at nagpunta sa kwarto ni Chammy.
Natawa din siya noong malaman niya na naubos yung stock ng ate niya. At nagtatala siya kung bakit ako nasa kwarto ng ate niya.
Hindi naman na ako nakapagpaliwanag at bumalik na ako agad sa kwarto ni Camille.
"Ahm, cams." Sabi ko habang kinakagok yung pintuan ng cr niya.
"Oh? Ang tagal mo ah." Binuksan niya ng konti yung pinto at hinablot sa kamy ko yung .. hehe. Alam niyo na yun.
After ng ilang minuto ay lumabas na siya ng kwarto niya, halatang bagong ligo na siya.
Bumalik naman na ako sa kwarto ko para ayusin na rin ang sarili ko dahil may pasok pa kami.
-
Sabay kaming pumasok sa school ni Camille. Hindi siya kasing hyper ngayon gaya ng pagka-hyper niya sa ibang araw. Siguro dahil may dalaw siya. Eh, ewan. Malay ko ba kung ano epekto nun sa mga babae.
Marami kaming surprise quizzes ngayon. Na-surprise nga ako eh. Ang hirap! Pero kinaya nama ng kagwapuhan ko kaya nasagutan ko pa rin naman yung mga yun ng maayos kahit papaano.
And, kalat na rin sa buong school na kami na ni Camille. Yung iba natuwa, yung iba kinilig dahil napanuod nila yung video ng pagpapasagot ko kay Camille, pero yung iba nagbi-bitteran, lalo na yung mga babaeng habol ng habol sa akin. Galit na galit sila kay Camille. Wala naman ginagawa sa kanina yung mahal ko. :(
Binalaan ko naman silang lahat na kung sino man ang mananakit sa girlfriend ko ay ako ang makakaharap kaya natakot silang lahat. Dapat lang!
*Kriiiinnnggg
"Class dismiss." Sabi ng teacher sa harapan.
"Yess uwian na yes." Sabay-sabay na kaming tumayo at inayos na ang mga gamit namin.
"Ahm, Millie? Hindi pala muna kita ngayon maihahatid pauwi ah. Meron pa kasi akong dadaan ngayon eh. Pero, don't worry tinext ko na yung driver niyo at andiyan na siya ngayon naghihintay sayo sa parking lot. Take care ok? Uwi ka na agad." Sabi ko sa kanya, niyakap ko siya at bago sila makaalis ay hinalikan ko muna ang noo nito.
"Aww. Sweet!" Sabi ni Jhaneah. Napangiti naman ako.
"Walang forever." Sabi ni Justin. Natawa kami sa sinabi niya parang dati lang ounaglalaban niya yung forever eh.
Pero may napapansin ako kay Jhaneah at Justin eh. Nitong nagdadaaang araw kasi, parang mas naging close sila at para bang sila na lang lagi yung magkasama, palagi silang magkadikit lalo na kapag andun kami sa may tambayan namin.
Pinaandar ko na ang kotse ko at pinuntahan ang dapat pupuntahan.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16