Chapter 17

11 0 0
                                    

(Camille's Point of View)

*Kriiiiiiing-kriiiinnnnnnngg*

Nagising naman ako, noong narinig kong yung napaka-ingay kong alarm clock.

Inexpect ko na magka-yakap nanaman kami ni Aaron kapag nagising ako pero, wala eh. Wala na siya. Buti na lang hindi ganun yung set-up namin pagka gising ko. Hmp!

Pagtingin ko sa digi-clock sa side table ko, 11:30 am na pala. Pero bakit ngayon lang nag-alarm? Sa pagkakaalam ko, 8:00 yung alarm ko. Di kaya binago ni Aaron yun?

Tss. Hayaan na nga.

Pagkatayo ko, nagstretching muna ako, para tumangkad pa ako. Uy, FYI may pag-asa pa akong tumangkad pa no?

And, after that stretching chemenes, nagpunta na ako sa bathroom, para maligo na. Malamang naligo ako dun, alangan naman na, magluto ako ako sa bathroom.

Hindi ko na syempre sasabihin kung paano ako naligo.. alam niyo na yun, pwera na lang kung hindi kayo naliligo. Hehe. *evil smirk

Echos lang.

Pinaghanda ko ang sarili ko ng breakfast/lunch, ako lang kasi ngayon mag-isa sa house. Huhu.

Wala si mama, nasa business trip with my papa. Tapos si Chammy, kasama ngayon si Aaron. Tapos ako, yung sandok lang yung kasama ko. Pwede na rin?

Kumain na ako, lamon nga yata yung ginawa ko. Ang tagal ko na rin kasing hindi kumakain ng ganun karami. Ang sarap talaga kumain.

Sana ganito na lang forever. Walang stress, walang gagawim. Kakain lang, tapos hihilata, tapos kakain, manunuod sa netflix, tapos hihiga, tapos kakain. O my! I love my life.

Life: I love you too cams!

Ganyan nga siguro kapag mag-isa, pati yung buhay ko kinakausap ko na. Harhar. Ang corny ko na.

Dahil ka mamatay na ako sa pagkainip ko sa house, nag-bihis ako..parang gusto lumabas.

Kinuha ko yung skateboard ko, ang tagal ko na ring di nagagamit 'to.

Pupunta ako ngayon sa park, para libangin yung sarili ko.

Gamit-gamit yung skateboard ko, nakarating ako sa park. Wala namang masyadong tao.

Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng snacks. Oo na, patay gutom na kung patay gutom. Oo, kanina pa ako kain ng kain pero, gutom nanaman kasi ako eh. Pagbigyan niyo na, maganda naman ako eh, sexy pa. (Ano connect?)

Doon ko na rin, sa loob ng 7/11 kinain yung snacks na yun. Hihihi. Sarap nga eh!

Pagkatapos ko, lumabas na ako agad para magpababa ng kinain.

Nagskateboard lang ako ng nagskateboard, wala namang masyadong tao na humaharang sa daan kaya mas na-eenjoy ko magskateboard ngayon.

Dapat pala, dinala ko na rin yung roller skate ko para mas masaya. Psh!

"AAAHHHHHHH!" Sigaw ko. Napatulala naman ako at patuloy sa pag-andar yung skateboard ko.

OMG! ⊙0⊙ PATAY!

"Ouuuuuch!" Sabi ng lalaki na nabangga ko, bigla na lang kasi siyang sumulpot bigla kaya hindi ko na nagawang iliko.

"Aw!" Sabi ko ng mahina, natumba rin kasi ako. Akala niyo naman siya lang yung kawawa, ako rin kaya.

Chineck ko yung buong katawan ko yung nga gasgas ba or sugat pero sa awa ni Lord, wala naman. Pero, sa kinamalas-malasan, wala nga akong sugat pero ang sakit ng ankle ko.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon