(Third Person's Point of View)
Inilabas na ni Aaron si Camille sa nasusunog na kwarto na iyon at dinala agad sa clinic. Nanghingi naman siya ng tulong para saklolohan ang naiwang estudyante doon.
"Aaron?" Mahinang sabi ni Camille na kakadilat lang. Halos wala siyang maalala sa nangyari, halos isang araw din siyang hindi nagising pero hindi umaalis sa tabi niya si Aaron.
"Ryle?" Narinig nanaman niya ang boses nito.
"Buti gising ka na. Sobrang nag-alala ako sayo, sorry kung hindi kita nasaklolohan. Sorry talaga." Napakalungkot ni Ryle, at hindi matigil sa panghihingi ng tawad sa kanyang minamahal.
Habang si Aaron naman ay nakatitig lang kay Camille na para bang napakalalim ng iniisip.
"Aaron bakit ka andito?" Tanong ni Camille kay Aaron.
"Ah, wala. Dinalaw lang kita." Tumayo na si Aaron sa pagkakaupo niya at inayos na ang gamit niya para makapagpaalam na siya at makaalis na.
"Bibili muna ako ng makakakain, maiwan ko muna kayo." Sabi ni Ryle at iniwan ang dalawa doon.
"Paano mo nalamang nasa ospital ako?" Tanong sa kanya ng dalaga kay Aaron pagkalabas ni Ryle.
"Ah? Eh? A-ako ang nagligtas sayo." Nauutal na sagot niya sa kanya.
"Ikaw?" Nagtatakang taning ni Camille sa kanya. "Paano mo nalaman na nadoon ako?" Pahabol na tanong nito.
"Noong hapon na iyon, pinuntahan kita sa school ko, dahil gusto kong kausapin ka. Naghihintay ako sa labas ng gate ng school nyo pero halos na lahat ng estudyante ay nakalabas na pero hindi pa rin kita nakikita kaya naisipan kong hanapin kung saan ang room mo, pero wala ka na dun, nakita ko ang prof mo at tinanong ko kung nakauwi ka na ba at sabi niya ay nasa Science lab ka." Pag-kukwento niya. "Natagalan akong hanapin iyon, dahil napakalaki at napakaraming pasikot-sikot ng school nyo." Huminga siya ng malalim at itinuloy ang pagkukwento.
"Napansin kong may umapaapoy sa bandang dulo kaya naman tinakbo ko na papunta doon at natanaw ko mula sa pinto na may nakaharang na kung ano at tinutupok na ng apot ang buong kwarto na yon. Pinasok ko iyon at nakita kitang nakahandusay."
"Bakit mo ako hinahanap? Anong sasabihin mo? Bakit gusto mo akong kausapin?" Sunod-sunod na tanong ni Camille sa kanya.
Napayuko lang siya at nagdadalawang isip kung itutuloy niya ba ang sasabihin niya.
"Gusto ko sanang sabihin sayo na..na," Huminga siya ng malalim para makahugot ng lakas ng loob.
"Hindi ko ginustong iwan ka, hindi ko ginustong saktan ka. Sorry." Sabi niya at kasabay ng pagtulo ng luha niya.
"Bakit ngayon ka lang nag-sosorry? Hindi mo ginusto pero sobra talaga akong nasaktan! Masakit! Sobrang sakit, alam mo yun?" Umiiyak na rin si Camille ngayon.
"I'm sorry kung naduwag ako. Sorry kung hindi kita nagawang ipaglaban." Pinahid ni Aaron ang luha niya pagkasabi niya noon.
"Bakit ka biglang nawala? Bakit? Tapos bigla kitang makikitang may ibang babae? Anong kalokohan yun? Di mo ginusto? Wow. Wow talaga." Sabi sa kanya ni Camille na may halong inis.
"Sorry talaga. I'm so sorry. Kailangan ko lang kasing gawin yun, para sa pamilya ko. Ganito kasi yun. May nabuntis si dad na menor de edad at halos kasing tanda lang natin yun. Malaking kahihiyan yun sa pamilya namin at siguradong mawawalan kami ng negosyo kung malaman yun ng ibang tao, kaya naman pinalabas nila na ako ang nakabuntis sa babaeng iyon at sabi nila na pagdating ko ng 18 ay ikakasal kami. Noong dumating ang oras na yun, kinasal na agad kami. Masakit isipin, masakit tanggapin. Pero, wala akong choice Camille. Naduwag ako, natakot ako na sabihin ito sayo dati. I'm so sorry." Tumulo nanaman ang luha ng binata.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Genç KurguMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16