Chapter 10

13 1 0
                                    

(Camille's Point Of View)

"Alam mo Cams, kung ako sayo, magpapaligaw na ako diyan kay Aaron." Nagulat talaga ako sa sinabi sa akin ni Jhaneah, kaya naman nabilaukan ako. Buti na lang may baso ng tubig dito sa table namin.

"Kaso nga lang..." Dagdag pa niya.

"Kaso ano?" Sabi ko.

"Kaso, paano na ang Hashtag Krismille. HAHAHA." Natatawa niyang sabi.

"Baliw ka talaga. Wala naman talagang Hashtag Krismille no? Alam mo naman na joke joke lang yun! Tsaka isa pa, walang pag-asang manligaw sa akin yang lokong si Aaron tsaka ayoko rin magpaligaw sa kanya." Sabi ko, hay bakit ba ang tagal nilang umorder? Na-hot seat tuloy ako.

"Pero kung liligawan ka niya? Ayaw mo talaga?" Umiling ako ng pagka-todo todo.

"Paano kung si Kristian ang manligaw sa'yo?" Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni Jhaneah, gutom na talaga siguro 'to.

"Kamahalan ito na po ang pagkain mo." Nilapag ni Aaron ang tray na naglalaman ng Lunch naming dalawa. At nagsi-upuan na rin sina Justin, Karl, Kristian at Bryan.

Simula noong naging kaklase namin 'tong si Aaron, lagi siya ang bumibili ng pagkain para sa akin, nagbubuhat ng bag ko, hinahatid sundo ako.

Ewan ko ba, baka pakitang tao lang, kasi dati kahit magkanda-kuba kuba na ako sa bigat ng dala ko, hindi niya talaga dadalhin, pwera na lang kung pipilitin ko pa siyang tulungan ako sa pagdala.

"Subuan kita?" Tanong sa akin ni Aaron.

"Baliw." Yan na lang ang nasabi ko at pinitik ko ang noo niya.

Nasa gitna ako ngayon ni Jhaneah at Aaron habang nasa harap naman namin yung apat.

"Oh Justin kamusta nga pala yung pinopormahan mong babae?" Tanong ni Bryan kay Justin.

"Hala! May nililigawan ka na pala bro?" Nagtatakang tanong ko kay Justin. Bakit 'di ko alam yun?

"Hala! Bakit ngayon lang namin nalaman? Ang dadaya nyo rin no?" Sabi naman ni Jhaneah.

"Chill nga lang kayo, kanina pa lang kaya nagtanong si Justin kung pwede ba daw niyang ligawan yung babae." Sumingit naman 'tong mukhang singit -este si Karl pala. Hehehe.

"Yun naman pala eh. Kanina palang pala, so ano ikina-daya nun?" Tanong ni Aaron sa amin ni Jhaneah.

Oo nga naman no?

"Wala." Sabi ko para matapos na.

"Pustahan tayo maba-busted yan!" Siguradong-siguradong sabi ni Karl.

"Wow ah. Sige, makikita mo. 'Wag mo akong igaya sa'yo!" Natatawang sabi ni Justin.

"Kristian, salita-salita din 'pag may time, panis na laway mo nyan, sige ka! Kadiri yuck!" Sabi ni Karl? Hala?! Ang arte magsalita! Bakla ba si Karl?

Tumango lang naman si Kristian.

'Di kaya napipi na ng tuluyan yan si Kristian? Hindi na umiimik eh.

-

Tahimik kaming nagbabasa ng Talambuhay ni Dr. Jose Rizal dahil may quiz daw kami mamaya sabi ni Sir.

Ilang beses ko ng nabasa 'tong talambuhay niya, hay buhay, paulit-ulit na lang.

Nakapwesto pala kami sa bandang likod. Nilibot ko ang tingin ko sa buong classroom, lahat sila ay seryosong-seryoso sa pagbabasa.

Nagawi naman ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Si Aaron na nagdo-drawing, si Jhaneah na nagse-cellphone, si Karl nagdu-doodle, si Bryan, nagsusulat, baka nagko-compose ng kanta, si Justin tinitignan lang yung libro, si Kristian na nilalaro yung ballpen. At ako na inaalam kung anu-ano yung mga ginagawa nila.

Ang galing namin no? HAHAHA.

"Camille anong pinagkaiba namin ni Rizal?" Bigla na lang nagsalita si Aaron at napatingin naman ako sa kanya at ganun din sila Jhaneah.

"Ewan ko sayo." I rolled my eyes then umiwas na ako ng tingin.

"Ano lang naman isasagot mo eh. Sige na, uulitin ko tanong ko ah." Sabi ni Aaron.

"Sagutin mo kasi Camille, nacu-curious din ako sa isasagot nitong sa Aaron eh." Sabi naman ni Jhaneah, tss. Kinampihan pa niya talaga.

"Camille! Uy Camille!" Tumingin naman ako ulit sa kanya -kay Aaron. "Ano ang pinag-kaibahan namin ni Rizal?"

"Ano?" I said in a cold tone.

"Bukod sa mas gwapo ako sa kanya, siya tinamaan sa likod, samantalang ako, TINAMAAN SAYO!" Sabay binaril-baril niya pa ako gamit yung daliri niya.

Naramdaman ko namang uminit bigla yung mukha ko, eh ang lamig lamig nga dito sa room namin.

"Uy nagba-blush!" Asar ni Jhaneah.

"Hindi ah. Sadyang ganyan na kaya 'tong mukha ko!" Kinapa-kapa ko yung mukha ko.

"Baka nga!" Sabi ni Karl. Ge, pagtulungan niyo ako.

"Pfffft!'' Nagpipigil ng tawa si Aaron kaya, sinipa ko yung legs niya.

"Aray ko naman, ganyan ka ba maglambing? Kailangan nasasaktan ako?" Sabi niya. Pinagpag niya naman yung parte na sinipa ko.

"Oo!" Galit kong sabi.

"Atleast naglambing." Sabi Bryan.

"Che! Ma-zero sana kayo mamaya." Sabi ko, at binasa nalang yung talambuhay ni Jose Rizal, kahit na ilang beses ko na 'tong nabasa.

Pagdating ko sa bandang dulo ng binabasa ko. Yung sa binaril na si Dr. Jose Rizal.

Naalala ko yung sinabi ni Aaron. Pambihira, kainis, bakit ko ba yun naalala?

'....siya tinamaan sa likod, samantalang ako, TINAMAAN SAYO!' Errr! Ayaw matanggal sa isip ko.

Sinubsob ko na lang yung mukha ko sa desk. Ayoko na magbasa. (¬ ¬)

(Kristian's Point of View)

Isang linggo na rin akong nanahimik, para kasing nawalan na ako ng kwenta simula noong dumating si Aaron eh.

Dati kasi ako yung hyper sa aming lahat, ngayon siya na. Edi siya na!

Bakit ba ang bitter ko?

Ewan ko.

Tapos may pa kamahalan-kamahalan pa siyang alam, may pasilbi-silbi pa 'kuno' kay Camille.

Tss, bakit ko ba iniisip yung dalawang yun?

Isip: Kasi nga malay ko? Bakit ako tinanong mo?

Puso: Kasi nga nagseselos ka!

Oh, kailan pa nagsalita yung isip at puso?

Pssh! Selos? Hindi ah! Siguro nanibago lang ako kasi dati kami lagi ni Camille ang nabibiruan. P-pero ngayon, si Aaron na at parang mas close na nila si Aafon kesa sa akin! Ugh!

Nangunot naman yung ulo ko noong bigla na lang nagsalita si Aaron habang busy ang lahat sa pagbabasa.

"Ano ang pinag-kaiba namin ni Rizal?" Tanong niya kay Camille.

"Ano?" Malamig na sabi nya.

"Bukod sa mas gwapo ako sa kanya. Si Rizal tinamaan sa likod, samantalang ako, TINAMAAN SAYO!" Sabi nya at binaril-baril pa si Camille gamit ang daliri niya. Psh, corny.

Pero bigla nalang namula si Camille, anong nangyari sa kanya? Para siyang ibinitin patiwarik at naipon lahat ng dugo sa ulo niya.

Hindi ko pa nakitang ganyan dati si Camille, siguro nga totoong crush niya talaga si Aaron. At pampalipas oras niya lang ako dati, buti na lang hindi ko pinansin yung mga pinagagawa niya noon. May pa monthsary-monthsary pang nalalaman. Pshhh.

Ano ba 'yan? Bakit sila nanaman yung laman ng utak ko? Baka ma-zero pa ako nito mamaya sa quiz.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon