Short update. :)
~
(Aaron's Point of View)
Tadhana nga talaga oh!
Pagkalingon ko ay nakita ko si Camille, masayang nakikipag-kwentuhan sa mga parents namin.
At ang lalo kong ikinagulat at ikinamangha, noong narealize kong halos pareho kami ng suot.
Naka-plain white V-neck shirt, jeans at sneakers din siya.
Oh diba? Meant to be. Damit pa lang yan!
Natatawa naman akong lumapit sa kanya, pero bago pa man ako makalapit at kumaripas na agad ng takbo si Chammy papunta sa kanya.
"Ate! Naniniwala ka ba sa destiny?" Tanong ni Chammy kay Camille.
Kumunot naman yung noo ni Camille at parang hindi niya alam kung saan nanggaling yung tanong ng kapatid niya.
"Look oh! Kuya and you have the same outfit! What a coincidence right?" Natawa naman ako sa sinabi ni Chammy.
Kahit kailan talaga, pinupush niya yung ate niya sa akin. At gustong-gusto niya na kami yung magkatuluyan.
Na pabor naman sa akin. *Smirk.
Nagsimula na kaming kumain, masaya naman ang salu-salo namin.
Matagal na rin since noong last na dinner namin ng magkakasama. Namiss ko talaga yung ganito.
Sana ganito na lang forever.
"Iho, kamusta ang lovelife mo? Meron na ba?" Tanong ni papa.
Nagulat naman ako sa tanong niya at natawa lang naman yung parents ko.
"Ah, wala pa po akong lovelife. Hehe." Sabi ko, at tinusok yung brocolli at isinubo.
"Hay naku, anak! Noong ganyang edad ko sa'yo, ang dami ko ng napaiyak na babae." Sabi naman ni dad. Tinignan siya ni mom ng masama.
"Wag ka ngang mag-imbento Drei. Noong ganyang edad mo, patay na patay ka na sa akin at wala kang ibang magawa kundi titigan lang ako mula sa malayo." Pang-aasar ni mommy kay dad.
"Hahaha. I remember those days." Natawa naman si Mama.
Ang saya no? Yung mga parents namin, magkakaibigan na since elementary sila hanggang ngayon at pati ang anak nila na kami nga yun ay magkakaibigan din ngayon, hindi nga lang kaibigan kundi 'Bestfriends'
"May nililigawan ka ba?" Tanong saa kin ni dad.
Tiningnan ko naman silang lahat, at nakitingin din lahat sila sa akin at hinihintay yung sagot ko.
Teka nga lang bakit ako lang ba yung tinatanong dito?
"Wala pa po." Sabi ko.
"Wala PA!" Sabi ni dad kay mom. At pinagdiinan niya pa yung word na 'PA'.
Nagtawanan naman sila at nakitawa na lang ako.
"Bakit hindi na lang si Camille ligawan mo?" Sabi ni mommy na ikinagulat naman naming lahat.
"Mom?" Sabi ko.
"Oo nga kuya! Bagay kaya kayo! Sa damit pa lang eh! Pero bagay talaga sila." Pagpupumilit ni Chammy.
Ngumiti lang naman ang parents ni Camille.
Gusto ko nga siyang ligawan eh. Kaso, 'di ko alam kung paano ako mag-co-confess ng feelings ko sa kanya.
Ang hirap kaya, lalo na at magkabaata at mag-bestfriends pa kami.
Lumalim na ang gabi, maraming napagusapan, nagkwentuhan, nagtawanan.
At nagpaalam na sila Camille at umuwi na. Inihatid ko naman sila dahil sa katabing bahay lang naman sila eh.
Nakapasok na si Chammy at ang parents niya sa bahay nila, at nagpahuli naman si Camille.
"Di ka pa ba papasok?" Tanong ko sa kanya.
"Ayoko pa. Maya-maya na, samahan mo muna ako dito." Tinabihan ko siya sa pag-upo sa harap ng bahay nila.
"Ahm, Camille?" Bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Anong nagyayari sa puso ko? Parang gusto na nyang lumabas sa rib cage ko.
"Hmm?" Sagot naman niya. Nakatingala siya at tinitignan yung mga bituin.
"Ahm, Camille. Matagal ko na 'tong gustong sabihin sayo kaso nahihiya lang kasi ako kaya hindi ko talaga masabi." Tumigil ako saglit at inilagay yung kaliwang kamay ko sa dibdib ko.
Oh! Ang lakas talaga ng tibok ng puso ko.
"Gusto kita." Diretso kong sabi.
Nakatingala pa rin siya. Narinig niya ba yubg sinabi ko?
"Camille? Narinig mo ba yung sinabi ko?" Tanong ko sa kanya, at nakatingin na siya sa akin ngayon.
"Ah. Hindi eh, sorry. Naakit kasi ako sa stars. Hehe. " Nag-peace sign siya. "Ani nga ulit yung sinabi mo?" Dugtong niya.
Nakatingin pa rin siya sa akin at nakatingin din ako sa kanya.
At lalo naman dumagunding yung puso ko.
"Gusto kita, at gusto rin kitang ligawan. Pwede ba?" Diretso kong nasabi yun ah. Hindi man lang ako nautal, kahit na ang bilis-bilis talaga ng tibok ng puso ko.
Nagulat naman siya sa sinabi ko at nakatingin pa rin sa akin, at parang hindi pa pumasok sa isip niya yung sinabi ko.
"I like you Camille. Can I court you?" Sabi ko.
"Ahmm- alam mo Aaron gabi na eh! Tara matulog na tayo. Uwi ka na, baka hinahanap ka na nila mommy. Good night, babye." Tumayo na siya, kaya naman tumayo na din ako.
Nagwave siya sa akin at pumasok na. At ako naman tinatanaw siya hanggang sa makapasok na siya sa maindoor nila.
Bago pa man siya makapasok, ay lumingon muna siya sa akin at ngumiti.
Nginitian ko naman siya pabalik at umuwi na ng bahay.
(Camille's Point of View)
O-M-G Oh my ginisang gulay.
Totoo ba yubg sinabi ni Aaron? O nag-daydream lang ako.
1 message received
To: Bestestfriend evah! :>
Good night.
Napangiti naman ako sa tinext niya.
Dumiretso na ako sa room ko at natulog na.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Novela JuvenilMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16