Dahil pasko, mahabang UD ang gift ko sa inyo. Enjoy! (Sorry sa errors.) Kahit comment & votes na lang ang gift nyo sa akin. (*^▽^*)
---------(Camille's Point of View)
December 23 na. Pero hanggang ngayon wala pa rin akong nabibiling gifts.
Nagbihis ako, yung simple lang.
Kinuha ko ang susi ng kotse sa drawer ko at umalis na. Alam kong maraming tao sa mall ngayon dahil nga malapit na ang Christmas.
Ako na ang nagdrive dahil naka-leave si Kuya driver.
Oo, marunong na ako magdrive at may sarili na akong kotse. Alam kong under 18 pa ako pero ok lang kasi malakas ang kapit ko. Haha. Takot lang nila kay papa no?
Binilan ko na silang lahat ng gift, yung mga bagay na alam kong ma-aappreciate talaga nila.
------
Dito na ako umuwi sa mansion dahil sabi ni papa dito daw kami magno-noche buena.
Gabi na rin ako nakauwi, alam nyo namang ang hirap mamili ng pangregalo diba? Lalo na kung mga choosy pa yung pagbibigyan. Tsk. Tapos ang dami pang tao sa mall.
"I'm home!" Malakas kong sabi pagkapasok ko sa loob ng bahay.
Nagpunta ako sa living room at nakita ko silang nagtitipon-tipon.
"Omg. Mommy and daddy, buti po nakapunta po kayo." Sabi ko at sinalubong ng yakap ang parents ni Aaron.
Alam nyo naman na yun yung tawag ko sa kanila diba? Inangkin ko na sila bilang parents.
"Oo naman, palagi naman tayong magkakasama tuwing Christmas diba?" Sabi ni mommy.
"Hindi mo ba kami papansinin?" Sabi ni mama na parang nagtatampo.
"Hindi." Tipid kong sabi.
Nagsalubong naman ang kilay niya at hindi niya inexpect na yun ang isasagot ko sa kanya.
"Syempre joke lang yun ma!" Natawa ako ng bahagya. "Merry Christmas Ma, Pa." Niyakap ko rin sila. "So, kamusta naman yung business trip nyo?" Tanong ko sa kanila.
"Okay naman, oo nga pala. Buti ipinaalala mo anak. May mahalagang announcement nga pala kami ng mommy mo." Sabi ni papa.
Hay naku, ayoko talagang pinaguusapan ang business eh. Echos ko lang naman yung panganga-musta sa business trip nila. ب_ب
"Ano po yun pa?" Tanong ni Chammy.
Ay, may kapatid pala ako dito? Hindi ako na-inform. Lol.
Nakuha naman ang atensyon naming lahat at pare-parehas naming inaabangan ang isasagot ni papa.
"Hindi pa ngayon. May party na gaganapin sa 20th wedding anniversary namin ng mama mo, and doon nyo na lang yun malalaman okay?" Sabi niya.
Halos sabay-sabay pa kaming napabuntong hininga dahil akala namin ay kung ano na.
20th Wedding Anniversary? Sa January 20 pa yun ah. December 24 pa nga lang. Mahaba-habang paghihintay din yun.
Gaano ba yun kaimportante para hintayin pa dapat ang January 20 bago namin malaman?
Kapag pa naman si dad ang may sasabihin, wala ka dapat palampasin dahil lahat ng lumalabas sa bibig niya ay importante.
Mabilis lumipas ang oras at nag-noche buena na kami. Nagpalitan ng regalo. Masaya kaming lahat gaya ng nakasanayan.
Pero, hindi ko pa nabibigay ang mga regalo ko sa mga kaibigan ko dahil nga busy kaming lahat this past few days. Ewan ko nga kung nasaan yung mga yun ngayon, si Aaron lang kasama ko. (¬‿¬)
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16