Chapter 3

20 1 0
                                    

(Camille's Point of View)

Pinagod ako nitong si Aaron kagabi. Nakipaghabulan siya sa mga bata at ako yung pinagtutulungan nila.

Pa-sikreto rin kaming nanuod ng game ni Kristian. 'Di kasi nila alam yung ganitong ako. Yung tipong, nanghahabol sa magnanakaw. Mas sanay sila na ako yung Camille na lampa. Nagpapanggap kasi ako na mahina ako kapag kasama ko sila para ipagtanggol nila ako lagi, pero sa totoo kaya ko naman talaga. HAHAHA. Kumbaga gusto ko lang ng special treatment galing sa kanila. Chos.

"Camille! Caaaaamilleeeee!" Sigaw ni Kristian sa akin. Naglalakad palang ako papuntang room tumakbo na sila agad ni Jhaneah papunta saakin.

"Cams, sayang! Di ka nakasama sa amin kahapon." Sabi ni Kristian. Napakamot pa siya sa ulo niya.

"Oo nga! Sayang di mo nakita si Ms. Astig. HAAHA. Idol ko na yun!" Sabi naman ni Jhaneah. Ms. Astig? Ako ba tinutukoy nito? Or assuming lang ako? HAHA.

"Hindi. Wag mo ng isipin yung sinabi niya. Kalimutan mo na yun, ike-kwento ko nalang yung nangyari sa game namin kagabi." Halatang excited na siya mag kwento.

"Hay nako! Kwentong volleyball nanaman." Sigurado mahaba-haba yung kwento ni Kristian. Lahat ng detalye ike-kwento eh.

",...Tapos ayun, pinanalo ko. And....tenenenen! Panalo kami, dahil sa akin. Ako pinakamaraming score." Nakatayo si Kristian habang kami nakaupo nakikinig at nanuod sa kanya. May action kasing kasama yung story telling niya eh. Ang haba ng kwento niya ah.

"Grabe pala!" Yan lang ang nasabi ko. Pero echos ko lang yung sinabi ko. Wala naman talaga akong naintindihan sa kinwento niya. Lol.

"Ako naman magke-kwento!" Tinaas ni Jhaneah yung kanang kamay niya.

"Mamaya ng break time. Andyan na si Miss oh!" Tinuro ni Bryan yung adviser na papasok palang sa pintuan ng room namin.

Habang naglelecture si Miss. Halos lahat kaming magkakaklase ay feel ko ng bagot na bagot na. Haysss!

"Pst." Sumitsit si Jhaneah at may inabot na papel.

Binuklat ko.. At ang nakasulat..

Excited na ako magkwento. :)

Psssh. Ano ba ike-kwento nun.

*Break time* Roof top

"Dapat dito na lang tayo tuwing breaktime eh. Kesa doon sa canteen, ang dami pa doong tao. Dito payapa at mahangin pa." Dinama ko naman yung hangin na humahampas sa buo kong katawan. Ang sarap sa feeling eh.
"Eh atleast doon, maraming pagkain!" Sabi ni Justin.

"Malamang canteen nga diba?" Sabi ni Kristian.

"Tamaaa na yaaaaan!" Sabi ko. At tumigil na silang dalawa.

"Ok. Ikekwento ko na." Bigla na lang tumayo si Jhaneah at nagsimula ng magkwento.

"Ganito kasi yun Cams, niyaya kami ni Kristian na manuod ng game niya at doon gaganapin sa Covered Court, malapit sa Plaza. Diba? Alam mo naman yun diba?" Tumango lang ako bilang sagot at para maituloy na nya yung kwento. "Tapos pagkababa namin sa plaza, nag unat-unat pa ako. Tapos habang naglalakad na kami doon papuntang court bigla umeksena yung magnanakaw. Hinablot yung phone ni Justin. Eto naman kasi si Justin, alam na nga na maraming laganap na magnanaaw doon, naglabas pa ng phone." Tiningnan siya ng seryoso ni Justin at medyo bigla nalang natawa.

"Bakit?" Tanong ni Jhaneah kay Justin na slight na tumawa. Umiling lang naman siya bilang sagot.

"Alam ko naman na yang ikekwento mo eh. Yung tungkol sa malupet na game namin? Tss. Oo na, mahirap kalaban yun. Pero talo parin naman sila diba? Tsaka nakwento ko na kay Camille yun. Upo ka na." Sabi ni Kristian kay Jhaneah. Baliw talaga.

"Hindi yun. Sapaw ka talaga no?" Nag-amba si Jhaneah na sipain si Kristian pero syempre di na tinuloy.

Si Bryan at Karl naman. Busy sila. Kumakain si Bryan pero nakikinig rin naman, at si Karl, kunwari nagbabasa ng libro, eh nakikinig rin naman sa kwento ni Jhaneah.

"Tapos eto na.. Sumigaw si Justin. At nagtanungan sila kung hahabulin pa ba yung magnanakaw? Sabi ni Karl, Bry, at Kristian wag na daw. Pero hahabulin daw ni Justin." Tumango naman yung tatlong ugok. Ibig sabihin, si Justin lang ang may lakas ng loob na habulin yung magnanakaw na yun? Pssh.

"Malamang, hindi talaga nila hahabulin yun kasi hindi naman sila yung nanakawan diba?" Sabi ni Justin. Medyo natawa naman ako. May point naman kasi siya.

"Tapos, hahabulin na ni Justin kaso pinigilan ko siya. Kasi nga diba, sa mga pelikula may mga balisong yung mga magnanakaw tapos sasaksakin yung hahabol sa kanya. Nakakatakot kaya." Psh. Hindi nila alam, andoon ako noong gime na yun. Kitang-kita ko pa nga yung nangyari.

Itinulad pa yung nangyayari sa pelikula yung nangyari sa totoong buhay. Hay buhay, si Jhaneah talaga. Kaya bff ko yun eh. Sobrang maaalahanin.

"Tapos bigla nalang may babae na nakaskate board, astig siya. Naka-skinny jeans tapos naka T-shirt ng maluwang pero, hanggang dito lang." Tinuro niya yung medyo taas ng pusod niya. "Tapos naka-nike na sapatos tapos nakalugay yung buhok niya. Ang haba ng hair ni atey hanggang bewang, tapos naka-cap." Eh ako kaya yung tinutukoy niya. Buti di nila napansin. HAHAHA.

"Ang sexy nga nya eh. Kapag hinahangin yung damit niya nakikita pa yung pusod nyang may hikaw." Sabi ni Bryan. Thanks bry. Hahaha. Kaso lagot ka sa asawa mo. HAHAHA. Sumbong ko nga siya. Chos.

"Tapos binato nya sa ulo yung magnanakaw kaya nakuha niya yung phone ni Justin. Napa-nganga na nga lang kami. Tapos akala namin magpapakilala siya sa amin, pero bago pa siya nakalapit sa amin, binato niya kay Justin yung phone niya. Buti nga nasalo ni Justin eh." Napabilib ko pala sila. Tsk! Kung alam lang nila na ako yung kinenwento nila.

"Tapos.. Nadurog yung puso naming lahat noong bumalik na siya sa tapat ng 7/11 at may biglang yumakap sa kanya. Ang sweet nga eh!" Nakita nila yun?

"Liligawan na sana nitong mga 'to eh. HAHAHA Kapag kaya malayo parang ikaw. Pero parang lang syempre. Alam naman naming 'di mo gagawing habulin yung magnanakaw." Eh ako naman kasi talaga yun eh.

"Baka ako yun!" Bigla kong sabi sa kanila. Pero yung in-a sarcastic-way.

"Asa!" Sabi ni Karl. Pshh. Ako naman talaga.

"Hehe. Joke!" Sabi ko. "Tara na, baba na tayo, baka maunahan pa tayo ng teacher natin pumasok sa room." At nauna na akong bumaba.

Ano yung sinabi ni Jhaneah kanina? Nadurog yung puso nila? Liligawan? Pwe. Basta. Hehehehe.

"10 mins pa naman bago magsimula." Sabi ni Bryan habang naglalakad kami sa hallway at malapit na kami sa room namin.

"Mas okay na yun kesa late." Sabi naman ni Karl.

Nanlaki yung mata ko noong may natanaw akong baliw na nakasandal sa pader malapit sa pintuan ng room namin. At pinagtitinginan siya ng mga schoolmates at classmates ko.

Paano ba naman kasi, siya lang yung hindi naka-uniform kaya pansin na pansin siya. Pasikat talaga siya kahit kailan.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon