Chapter 6

17 0 0
                                    

(Camille's Point Of View)

Sinabihan ko yung driver na dumaan muna sa isang bakeshop dahil bibili ako ng cute na cake, bago pumasok sa school.
Pinacustomize ko pa at yung design ng cake ay parang Volleyball. Bumili din ako ng cupcake at soda para kakainin ko sa sasakyan.
-

"Kristian! Happy 3rd monthsary!" Sabi ko kay Kristian habang hawak-hawak ko yung cute na cake na binili ko. At halata naman sa kanya ngayon na hindi niya inaasahan ang mga nangyayari.

Flashback (3 months ago)

"Ok. So, ok na ba ang magkaka-parter?"  Sabi ng teacher namin. May activity kasi kami ngayon.

Naglalaro kami ng sack race. Pero ang nakapartner ko ay si James. Like duh? Manyak kaya siya. Errrr.

"No Miss, hindi po ok!" Pagtutol ko.

"Why? Anong problema?" Tanong niya sa akin.

"Ayoko pong makapartner si James." Pagkasabi ko nun, nagkatinginan ang mga kaklase ko at para bang nagpipigil ng tawa. Alam kasi nila na manyak talaga 'tong nai-partner sakin. Eww.

"Ako rin Miss! Di rin po sa akin ok." Bigla na lang sumabat si Kristian. Huh bakit?

"Bakit? Ano namang problema mo?" Lumapit siya kay Miss at may binulong at tumango lang naman si Miss. Ano kaya ang sinabi nun?

"Ahm, miss. Pwede po bang kami na lang ni Kristian?" Tanong ko. Mygaaahd! Please say yes miss.

"Sige na kayo na. James at Alice kayo na ang magkapartner." Sabi ni miss. Oh yessss!

"Oh tayo na daw! Yesss!" At nag-apir pa kami.

"Kayo na?" Tanong ni Jhaneah.

"Oo kami na." Sagot ko naman. What? Ano daw? Kami na? Aw. Maloko nga 'tong si Kristian. "Ano bang date ngayon?" Tanong ko sa kanila.

"September 11."

"Ah. So, Today is the magical day. Echos."

After 1 month (October 11)

Binati ko si Kristian ng Happy Monthsary pero di naman niya pinansin. Pero kapag ibang bagay ang pag-uusapan, hyper naman siya.

"Oh my God!" Sabi ni Kristian. Napa-angat pa yung pwet sa upuan noong nakita ang mga problem sa math na nakilangan i-solve.

"Wow! Ang arte ah!" Asar ko kay Kristian.

"Favorite line ko yun eh. Bakit ba?" Pinagtanggol niya pa yung sarili niya. Yung totoo Kristian? Ang arte ha.

"Kristian, wag kang bumigay. Kaya mo yan! Wag kang bibitiw. Wag mo akong saktan ng ganito." Di ko lam kung ano ba talaga 'to si Kristian. Minsan feel ko naman na napaka-astig niya na lalaking-lalaki siya pero may time na iba eh. Tsk. Sana hindi naman.

Malaking impluwensya din kasi yung mga bakla na nakikita at nakakasama niya sa Volleyball Court baka siguro na-adopt niya lang kung paano magsalita or kung ano man, kasi ganun naman diba? Kung sino yung lagi mong halos makita o makasama, halos magiging parehas kayo kung paano magsalita, yung tono kung paaano magsalita, galaw, etc. Diba?

After 1 month (Novemver 11)

"Kristian, wala ka bang naalala? Or babatiin?" Natatawa lang naman si Jhaneah dahil alam niya na pinagtitripan ko nanaman 'tong si Kristian.

Umiling lang naman siya. Tsk, ayan nanaman siya tahimik kapag ganitong usapan.

-

"HAHAHAHHA" Paghalakhak ni Kristian. Aba'y tuwang-tuwa dahil nahulog ako sa upuan. Masaya talaga siya kapag nasasaktan ako eh.

"Kristian, may itatatnong ako sayo." Biglang sabi ng adviser namin. "Bakla ka ba?" Diretsong tanong nito.

Halatang nagulat si Kristian sa tanong ng babae, at pati mismo kami ay nagulat. Hindi namin inaasahan ang tanong na yon ah. Grabe naman itong si Miss, walang pasintabi magtanong. Nakaka-offend kaya yun!

"Ahhm, aaahh hindi po." Mahinang pagsagot ni Kristian. Mahina ang pagkasabi nya, siguro dahil, medyo napahiya siya sa tanong or naiinis, or, basta kung ano man ang nararamdan niya.

"Bakit ang hina ng sagot mo. Dapat malakas ang pagkasabi at matigas. HINDI MAM! HINDI PO!" Sabi naman ni Justin. Dinemo niya pa kung paano sabihin. Sira-ulo din eh.

"Oo nga bakit ang hina?" Tanong naman ni Karl. Tss, isa pa 'to. Nakisawsaw pa!

"Weh?" Dagdag pa ng adviser namin. Ano ba yan! Maawa nama  kayo kay Kristian!

Yung itsura ngayon ni Kristian ay hindi maipinta, para bang gusto na niyang lamunin siya ng lupa sa pwestong kinauupuan niya.

Feeling ko kapag ako yung pinagkakaisahan noong time na yun, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nararamdaman ko yung nararamdan ni Kristian kaya 'naiintidihan ko kung bakit di siya makapagsalita.

"Di nga po mam. May ang dami nga nitong crush na babae. Diba?" Tinapik-tapik ko ang balikat ni Kristian. "Diba Jhaneah?" Tumango naman siya.

Psh. Sa totoo lang wala namang nasasabi si Kristian tungkol sa crush dahil ayaw niya daw pag-uspan. Pero, nag-imbento na alang ako para mai-alis siya sa sitwasyon na yun.

Tsk. You owe me one Kristian.

End of Flashback

Inangat niya yung tingin sa akin, nakaupo kasi siya habang nagsususlat, at nakita niya akong may hawak na cake.

"Wow cake! Sarap ah! Bakit may cake? Para saan?" Tanong niya at tinuldok ang cake gamit ang daliri niya at tinikman ito.

"Hindi mo ba ako narinig, monthsary natin uy. 3rd monthsary." Medyo natatawa ko noong sinasabi ko yun, dahil yung mga tingin niya ay para bang gusto niya akong palayasin sa harap niya.

"Oo nga Cams. 3 buwan ka ng nagse-celebrate mag-isa." Sabi ni Jhaneah.

Umacting naman ako na parang nalulungkot.

Nilagay ko naman ang kanang kamay ko sa dibdib ko na kunwari ay sumasakit. Habang yung kaliwa ay hawak yung cake

"Ouch. Grabe ka Kristian, ang sakit ng puso ko oh. Sayang effort ko. Happy monthsary! Wala ka bang masasabi? Magsalita ka naman please." Sabi ko ng dahan-dahan dahil nga nag-a-acting ako na masakit ang dibdib ko.

"Ok." Tipid niyang sagot. WTH?! Anong problema ng taong 'to at hindi marunong sumasakay sa joke. Ok-zoned ang magandang ako. Huhuhu.

Umupo naman ako sa pwesto ko at hinati hati ang cake at binigyan ang mga kaibigan ko.

"Thanks! Gutom pa naman ako." Sabi ni Jhaneah. "Oy, Kristian, kainin mo na! Para sayo nga yan eh." Pang-aasar ni Jhaneah.

"Wow. Salamat bestfriend!" Sabi naman sa akin ni Justin.

"Sige, enjoyin niyo lang yan cake mga bestfriend! Masarap naman diba?"

At tuwang-tuwa naman si Bryan noong binigyan ko rin siya. Si Karl naman, tinanggihan pa yung cake noong una, pero kinuha din naman, nagpabebe lang. Pwe.

"Anong meron?!" Biglang may sumulpot na asungot!

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon