Chapter 12

15 0 0
                                    

(Kristian's Point of View)

Andito ako ngayon sa rooftop, at bigla na lang parang gustong kumawala ng mga nararamdaman ko sa dibdib ko kaya 'di ko napigilang sabihin ang mga iyon.

Nagulat naman ako noong biglang inalok ako ni Camille ng panyo. At sinabi niya pang Alien daw ako. ⊙︿⊙

"Bakit ka ba nagkakaganyan?!" Tanong ni Camille sa akin.

"Dahil sayo." Bulong ko. Sobrang hina lang ng pagkakasabi ko.

"Ano sabi mo?" Halatang naguguluhan siya sa mga nangyayari, at hindi niya narinig yung binulong ko.

"Iwan mo na ako, tutal naman andyan na si Aaron para sa'yo." Sabi ko, binulong ko lang yung mga huling kataga. Psh.

"Ano? Pakilakas nga ng volume please!" (*人*) Nagmamakaawa siya para bang pinipilit niya ako na linawin yung mga pinagsasabi ko.

"Wala, sabi ko. Iwan mo na ako." Hay naku Camille, kung alam mo lang kung ano ang nararamdaman ko tuwing nakikita kita - nakikita kitang kasama siya.

Naglakad na siya papalayo sa akin, mabuti nga at hindi na nagpapilit pa. 

"Camille." Nagulat din ako sa sarili ko ng bigla ko siyang tawagin.

Tumigil naman siya sa paglalakad, pero hindi na niya ako nilingon.

"Kapag sinaktan ka niya! Di ako mag-dadalawang isip na saktan din siya." WTH. Ano ba 'tong lumalabas sa bibig ko? Sinasapian ba ako? 'Di ko makontrol bibig ko.

Tumango na lang siya at tuluyan ng umalis.

Ano ba itong ginagawa ko? Nababaliw na ba ako?

-

Pagkauwi ko sa bahay in-open ko agad yung twitter ko.

At ang tweet agad ni Cams ang bumulaga sa akin.

@CamilleK Ugh! Ano ba yan? Ang sakit na ng utak ko kakaisip. I think I need to have some beauty rest. Para mabawasan naman yung stress ko. :(

@CamilleK Ka-imbyerna. Huhuhu :'( Paki-dala na ako sa mental hospital.

Iniisip niya kaya yung mga sinabi ko sa kanya kanina? Or sadyang assuming lang ako? Eh ewan!

-

(Justin's Point of View)

Sinagot na ako kanina ni Agnes! HAHAHA.

Flashback

"Agnes, kailan mo ba ako balak sagutin? Kanina pa kita nililigawan oh!" Kinukulit ko sya habang kumakain sa cafeteria.

"Kanina ka pa nga lang kita pinayagang manligaw e. Ang excited mo rin no?" Sabi niya. Tss, pa-hard to get. :(

"Hindi naman kasi yung ligawan ang pinapatagal, kundi ang relasyon." Seryoso kong sabi sa kanya, wow, ang lalim ng pinanghugutan ko nun ah.

"Ang luma naman niyang line mo!" Sabi niya. Wala naman yun sa luma o bago, nakadepende yan sa mag-sasabi.

"Kahit na luma yun, kinilig ka pa rin naman diba?" Hahaha.

"Oo na!" Sabi nya habang natatawa.

"Oo na? Anong oo na? Tayo na? Wala ng bawian ah." At ayun. Kami na. HAHAHA.

END OF FLASHBACK

Oh diba? Ang gwapo ko? Wala pang 5 oras ang nakalipas simula noong pinayagan niya akong ligawan siya, napasagot ko na siya agad. Tsk, ang gwapo ko talaga.

I'd Lie [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon