(Camille's Point of View)
"Huh?" Hindi ko na lang pinansin ang reaksyon ni Aaron.
Pa-huh-huh pa siyang nalalaman. Kunwari hindi niya alam na naiwan siya kanina. Psh!
"Yes! Ayun na yung exit!" Mas bibilisan na namin yung takbo. Nakahawak pa rin siya sa braso ko.
"WAAAAAAAHHHHH!" Ialang hakbang na lang bago sa exit. Bigla na lang nay nalaglag na mga daga, ipis at kung ano pang mga insekto. Mas lalo akong napatakbo.
"Yuck! Iww! Yuckk! Kadiri! Yuck." Sabi ko habang pinapagpagan yung sarili ko.
Andito na kami ngayon sa labas.
Nagulat na lang ako noong may pumapgpag sa balikat ko.
"IKAW?!" Sigaw ko. Nagulat ako noong inangat ko ang tingin ko sa nagpagpag saakin.
"Ay hehe." Sabi niya at inalis niya ang kamay niya na ginamit niyang pang-pagpag sa akin. "Hello?!" Nag-aalangan niyang sabi.
"Ikaw yung kasama ko kanina sa loob?" Tanong ko sa kanya.
"Uh-huh! Bakit? May iba ka pa bang kasama?" Tanong niya.
(Ryle's Point of View)
Kasalukuyan ako ngayong nasa Echanted Kingdom para makalimot, para sumaya naman ako kahit sa sandaling panahon lang.
Simula kasi noong nakaraang dalawang taon, palagi na lang akong nagmumukmok.
2 years ago nagbreak kami ng pinakamamahal kong girlfriend — ex girlfriend. Hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na bigla na lang niya akong iniwan sa ere at sumama sa lalaking mahal daw niya.
Wala na akong nagawa. Sabi kasi nila, kapag mahal mo, pakawalan mo kung ayaw na sayo. Hayaan mo siya kung saan siya masaya. Eh kung doon siya masaya. Susuportahan ko na lang siya.
2 years na ang nakakalipas pero, hindi pa rin nawawala yung sakit na nararamdaman ko tuwing naalala ko siya. Masakit, sobrang sakit.
Pumasok akong mag-isa sa Haunted House. MAG-ISA. Wala naman kasi akong choice, wala naman akong kasama.
Sa dulo ng Haunted House, nakita ko yung babaeng nakita ko dati sa park. Nakatunganga, at naningas na sa kinatatayuan niya kaya naman hinila ko na siya palabas.
Sa kasamaang palad nga lang, may natapakan akong something, at may nalaglag sa aming kung anu-anong insekto at hayop na nakakadiri.
"Yuck talaga." Sabi niya habang pinapagpagan yung sarili niya kahit wala naman ng nakadikit sa kanya. "Kasama?" Tanong niya. Napaisip naman siya sa tanong ko. "HALA OO. Si Aaron! Naiwan sa loob. Hala." Sabi niya, parang ngayon niya lang yata narealize na nagkahiwalay sila ng kasama niya.
Tinignan ko lang siya habang nagpapanic kung ano ang gagawin niya dahil nga naiwan ang kasama niya sa loob. Walang tigil ang paglalakad-lakad niya.
"Ay, hayaan na nga natin yun. Kaya na niya sarili niya. Ako nga halos mamatay na sa loob dahil mag-isa na lang ako, dapat siya din." Sabi niya at tumawa.
Sino kausap niya? May pagkabaliw ba 'tong babaeng 'to?
Napatingin siya sa akin at tumigil na sa kakalakad niya. Buti naman napagod na siya.
"Ay. Hehe. Andyan ka pa pala. Tara doon, upo tayo." Niyaya niya ako doon sa may isang bench sa di kalayuan.
"Alam mo, palagi na lang tayong nagkikita pero hindi ko man lang alam yung pangalan mo." Sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.
BINABASA MO ANG
I'd Lie [COMPLETED]
Teen FictionMaling magsinungaling, lalo na kung sa sarili mo. Pero paano kung yung akala mong tama ay mali pala at pangatawanan mo na lang yung pinili mo mo sa oras na malaman mo ang totoo. ©Mileyknot Date Started: 11-23-15 Date Ended: 01-27-16