Dedicated to SandraViolety
Thank you po sa cover. Hehe. Simple pero natuwa ako ng sobra :D. Thank you ulit.
____________
"It's over."
"What?!"
"Hindi mo ba naintindihan? It's over. We are over."
"P-pero. Jerome. Sabihin mo sa akin. Sabihin mong joke time lang to. Please, Jerome. Please. Alam kong mahilig ka namang mag-joke eh. Siguro isang malaking surprise mo lang to kasi malapit na ang 30th monthsary natin no? Ikaw talaga. Kakaiba taste mo." Pinilit kong tumawa kahit na nangingiyak na ako.
"I'm not joking. I am serious. I am damn serious Jo!"
*knock**knock**knock*
"Jo! Anak gumising ka na diyan at tulungan mo muna ako sa karinderya bago ka pumasok!"
"Opo ma!"
Kahit alam kong 4:00 am pa lang, agad akong naghilamos, nagtoothbrush at nagsuklay bago lumabas sa kwarto.
"Oh Joanna? Bakit namumugto yang mata mo? Umiyak ka ba?"
Ay! Hindi ma. Hindi ako umiyak. Kinagat ng langgam yung mata ko. OO! Yung mata mismo. Kaya namaga.
Tumango na lang ako.
"Bakit anak? Nanaginip ka ba ng masama?"
"Opo ma! Isang malaking bangungot akala ko nga po totoo na eh. Buti kumatok kayo at bumalik na ako sa katotohanan."
Isang malaking ngiti ang ibinigay ko kay mama. Sana nga panaginip na lang yun. Sana bangungot na lang. Sana. Sana talaga. Pero hindi eh. Hindi ko na suot-suot ang kwintas na binigay niya sa akin noong 1st anniversary namin, ang kwintas na hindi ko hinubad simula nang mapasaakin yun. Hindi na rin picture namin ang wallpaper ng phone ko.
"Oh Jo! Pahiwa nga ako ng sibuyas at bawang diyan panggisa. Tsaka pahiwa na rin yung baboy sa ref. Menudo style anak huh? Tsaka yung patatas at carrots na rin. Tapos yung blue na plastik diyan pahiwa ng adobo at sinigang style."
Sa bawat LOVER my OVER.
Ito pala yung sinasabi nila na akala mo siya na. Akala mo lang pala. Paano ba naman kasi? Nagsimula kayo bilang magkaibigan. Naging bestfriend. Naging komportable sa isa't isa. Nagkamabutihan. Na-in love. Naging magsyota. Napaka-systematic na nga nung relasyon niyo eh. Step by step. Hindi yung padalos-dalos. Pero bakit? Bakit hindi pa rin kami ang para sa isa't isa?
Ano yun? Nagstay lang muna siya pansamantala sa puso ko? At kapag nakahanap na ng bagong titirahan o matutuluyan, magpapaalam na at aalis?
Grabe. Hindi ko na ma-take!
"Anak! Wag ka naman kasing mag-enjoy sa kakahiwa ng sibuyas diyan. Tingnan mo may sabaw na ng luha mo hindi pa nga nalulto eh."
Agad kong pinunasan yung luha ko. Sibuyas ba ako o bawang? Ang sibuyas. Ikaw na nga ang humiwa, ikaw pa ang umiiyak. Ang bawang. Heto ka buong-buo. Pinaghihiwalay ang bawat parte mo. Tsaka dinidikdik.
Sa tingin ko bawang ako. Kasi hindi naman siya naiyak nung hiniwa niya ang puso ko. Nag-enjoy pa nga ata sa pagdikdik ng bawat piraso ko.
~~~ breakeven even even...
What I'm supposed to do?
If the best part of me is always you
And what I'm supposed to say?
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...