***
JEROME'S POV
Monday 3:00 am, February 28
Bitter smile. 28. 28 pala ngayon. Hahaha.
Gising kaya siya ng mga gantong oras? Kilala pa kaya niya ako? Kamusta na kaya siya? Eh Kamusta na sila ng hubby niya?
Hindi ko alam kung ano bang pumasok sa isip ko. Ako itong g*gong nakipag-break sa kaniya di ba?
Bakit ba kasi ako nakipagbreak?
Kasi nagpapani-paniwala ka sa mga asungot na nakapalibot sa'yo na may iba na siya. Pero totoo naman di ba? May hubby thingy na nga siya eh. Kahit mukhang tanga lang ako. Umaasa ako na joke niya lang yung hubby thingy na yon. Na magkaibigan lang sila o di naman kaya yun na yung kuya niya. Hindi lang niya sinabi sa akin na nakauwi na pala galing Australia.
Gusto kong malaman yung totoo. Eh kung pumunta kaya ako sa bahay nila ngayon? napahampas ako sa mukha ko.
Ngayon as in N-G-A-Y-O-N? Ano ako? Baka mapagkamalan pa akong akyat bahay gang.
Pero eto ako ngayon maingat na bumababa sa hagdanan baka magising sila mama. Kumuha rin ako ng bulaklak sa vase niya. Hindi naman niya siguro mahahalata yan sa dami ng bulaklak niya dito. Kulang nalang tirahan kami ng bubuyog.
May mga imaginary bubuyog yata sa bahay nila kaya pinagpyestahan ang mukha niya. Hahaha. Joke!
Huh? One day! Isang araw! Mawawala rin ang mga pimples ko.
Naglakad ako ng tahimik. Brrr... Bakit ba kasi hindi ako nagdala ng jacket. Anong oras na ba? 3:27 am na pala. Gising na kaya siya. Nakarinig naman ako ng kaluskos galing sa bahay nila. Parang may bumababa sa hagdan. May nagmumulto kaya dito?
Bumukas yung ilaw sa karinderya nila. Narinig ko namang nagkalampagan yung mga kawali. Gising na siguro siya o baka nanay niya lang yan. Siguro nga nanay niya lang yan.
***
Ilang minuto na rin akong nandito. Eh kung umuwi na lang kaya ako kaysa nagtatago ako dito. Ang lamig-lamig pa naman.
Dahan-dahan akong umalis sa pinagtataguan ko pero aksidenteng nasagi ko yung basuran.
"Sinong nandiyan?" Sigaw ng nanay ni Joanna.
Patay! Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko? Baka naghanda na siya ng itak diyan o di naman kaya nakaready na lahat ng kutsilyo niya para ipambato sa akin.
"Sinong nandiyan?" Pag-uulit niya. Hala! Nakikita kong papalapit na yung anino niya may dalang malaki at matutulis na kutsilyo. Napapikit na lang ako.
"Oh? Iho. Bakit ka nandiyan?"
Dahan-dahan ko namang minulat yung mata ko at nakita siyang nakangiti. Hay salamat nakahinga rin ako ng maluwag.
"Ikaw si Jerome di ba yung boyfriend ng anak ko, si Joanna? Bakit ka nandiyan? Pinalayas ka na ba ng mga magulang mo?"
"Ahh.. hi-hindi naman po. Gising na po ba si Joanna tita?"
"Ayy.. wait tingnan ko lang huh? Tsaka may LQ siguro kayo noh? Grabe naman ang tibay mong lalaki at ang aga-aga mong nakikipagbati sa anak ko."
Napangiti na lang ako ng mapakla. Ang aga-aga ko daw kasing makipagbati sa anak niya. Pero ang totoo halos ilang araw na nga ang nakakaraan na hindi kami nakakapag-usap eh.
"Upo ka muna kaya iho at magkape ka. Hindi ka ba nilalamig? Bakit hindi ka nagdala ng jacket mo?"
"Okay lang po. Hehe." Pumunta siya saglit sa kusina at narinig ko namang nagtitimpla siya ng maiinom.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...