***
Grabe pala itong pinsan ko! Wala talagang kabusugan. Nakapag-Jollibee na kami, Mc Do, Mang Inasal, Greenwich, KFC, tokyo--tokyo, Chowking.. buti na lang maramirami talaga yung pera na binigay sa akin ng mama. Kung hindi namumulubi na ako ngayon. Napatingin ako sa oras. 1:30 na pala.
"Ano? Hindi ka pa ba tapos kumain?"
"Hindi pa ate. Pagkatapos nito sa iba naman tayo pumunta huh?"
"Oo bilisan mo. Kasi mag-a-alas dos na."
"Ano naman ngayon kung magtu-two o'clock na?"
"Kasi maagang nagsasarado yung fastfood chain na susunod nating pupuntahan." Palusot ko sa kaniya. At aba ang loko nga talaga. Binilisan niyang kumain. Hahaha.
***
@Harhar Airport
"Ate? Saan ba to? Bakit wala naman akong nakikitang food establishment dito? Pero ate, ang daming lumilipad na airplane tsaka naglalanding dito. Ngayon lang ako nakakita ng maraming airplane sa tanang buhay ko."
Hindi na ako umimik pero nginitian ko na lang siya. Habang naglalakad kami papasok ng airport. Hindi ako mapakali. Paano ba naman kasi sa dinami-dami ng tao dito paano ko malalaman na tita ko na pala yun eh hindi ko mnga matandaan yung mukha niya eh. Malay ko ba kung kutis artista na siya? hahaha. Imposible yun! Lalo na kung galing siya sa mainit na lugar. Hahaha.
Ilang ulit pa akong nagpalinga-linga hanggang nakita ko si tita Annie. Kumakaway. Natatawa na lang ako. Wala pa rin palang pinagbago yung mukha niya. Hahaha. Hindi naman nakita ni Paula na papalapit na yung mama niya. Nakatalikod kasi ito at sinisilip yung mga eroplano. As if naman masisilip niya yun.
Nakalapit na si tita sa amin pero hindi napansin ni Paula.
"Ate! Sasakay din kaya diyan si mommy pag uuwi siya?"
"Oo naman!" Sagot ng nanay niya na halatang ikinagulat niya. Sumenyas ako kay ate na pupunta lang muna ako sa cr. Grabeng iyak ni Paula. Naiiyak na rin ako sa tagal nilang hindi nagkita. Ganiyan rin kaya ako pag nakita ko ulit si papa at kuya?
Mabilis akong pumunta sa cr. Kanina pa talaga ako naiihi eh. Tsaka gusto ko munang magsama yung mag-ina. After 1 day lumabas na rin ako sa cubicle. Haha joke. Saglit lang naman ako noh.
Paglabas ko ng cr, hinanap ko sina tita. Akala ko kasi iniwan na nila ako. Nandun pa rin pala sila. Pinapatahan pa rin niya sa pag-iyak si Paula. Nagmadali akong maglakad papunta sa kanila nang-
"OUCH!"
Napaupo ako. Feeling ko na-flat ata yung pwetan ko. Inabot naman nung nakabangga ko ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Tumingala ako at sa gulat ko hindi ko na kinailangan yung kamay niya para tumayo. Napatayo na lang ako bigla. Or should I say napatalon!
"K-Kyle? Kyle Santos?" Sapakin ko na ba to? Nagpapanggap na Dyle in front of me. Grabe! Friends na daw kami pero totoong name hindi niya maibigay sa akin.
"Yup! Sorry miss huh?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Manloloko!"
Pinaghahampas-hampas ko siya ng dala kong handbag!
"M-miss t-teka! OUCH! Masakit!"
"Masakit? Masakit huh? Itong dapat sayo."
"Miss pinagtitinginan na tayo oh!" Napatigil ako sa paghampas sa kaniya hindi dahil sa sinabi niya kundi nahawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sa mga tao at nakita kong may mga nagvivideo na pala sa mga pinaggagagawa ko.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...