Chapter 20

230 28 2
                                    



Dedicated kay Japz27 kasi gumawa siya ng account niya. Malamang sa malamang hindi verified yun. xD. Welcome sa wattpad world bro :D


~


Ilang sandali pa ay dumating na si Paula dala-dala ang kumot at dalawang unan niya. Inayos niya ang higaan saka humiga sa tabi ko. Bago ako matulog ay nagdasal na lang ako na sana hindi niya ako madaganan.

Ipinikit ko na ang mata ko nang bigla akong kalabitin ni Paula.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

"Ate, may pagkain ka ba diyan?" napakunot na lang ang noo ko sa tanong niya.

Ito ba ang hidden agenda niya kaya gusto niyang matulog sa kwarto ko ngayon? Grabe, kabibili ko lang ng mga foods ko eh, ang lakas naman ng pang-amoy ng baboy na toh.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya kahit na obvious naman na.

"Nagugutom ako eh" sagot niya.

Di ba? Sobrang obvious. Kakaasar dapat pala nagpanggap na lang ako na tulog ako. Oh no, hindi! Buti na lang gising pa ako at baka pag natulog ako paggising ko wala na ang mga pagkain ko.

"Maghanap ka ng pagkain sa baba," sabi ko sa kaniya.

Ano siya? Sinusuwerte? Hindi ko io-offer ang pagkain ko noh! Madamot ako kapag gusto ko yung foods. Magsheshare ako ng unti pero hindi ako magbibigay ng buo. Madamot nga ako eh. Nagsheshare lang ako kapag yung tao nangangailangan talaga. Pero si Paula, itsura pa lang busog na busog na eh. Tsaka kain kaya siya ng kain kaya hindi na niya kailangan ng foods ko.

In the end, wala siyang ibang nagawa kundi bumaba sa karinderya at maghanap ng makakain. Dali-dali naman akong tumayo para siguraduhin na hindi niya makikita ang mga pagkain ko.

Pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik na ako sa higaan at sakto namang pumasok si Paula, dala-dala ang dalawang balot ng tinapay at isang jar ng peanut butter.

The HECK! mauubos niya yan? AKo nga isang tinapay lang, okay na ako. Tapos siya dalawang balot? Tapos malalaking tinapay pa nga. Bale 12 na malalaking tinapay? Shocks! Hindi ko kakayanin ang ganiyan karaming tinapay.

Pinandilatan ko siya ng mata at ngumiti lang siya ng nakakaloko.

"Hindi ka naman gutom niyan?" sarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Hindi po ate, gutom na gutom lang," sagot niya sa akin. Inirapan ko lang siya at bumalik na sa pagtulog.

After ilang minuto ay chineck ko si Paula. Napatakip ako ng bibig at nagpipgil ng tawa. Buwisit! Ang epik ng mukha niya.

Paano ba naman kasi. Nakatulog siya ng may hawak-hawak na tinapay sa isang kamay at sa isa naman ay subo-subo niya yung tinapay. Nag-ala photographer ako sa pagkuha ng pictures niya. Pigil na pigil ako sa pagtawa dahil yung peanut butter nagkalat sa mukha niya.

Maya-maya ay nakontento na ako sa dami ng pictures na nakuha ko sa iba't ibang anggulo. Iniligpit ko ang pinagkainan niya at pinunasan ang mukha niya. Ayaw ko naman na langgamin kami rito noh.

~

~

~

~

~

Kinabukasan

~

Nakakaboring naman. Halos araw-araw wala na akong ibang ginagawwa kundi magtrabaho dito sa karinderya. Pwede ko naman sigurong irequest kay mama na kumuha muna ako ng summer job kasi naman nagsasawa na ako sa mga gawain dito.

Habang nakatunganga sa kawalan ay nagulat na lang ako ng may nagshoot ng chocolate sa bunganga ko. 

Ang sarap sa ng kisses eh kaso muntikan na akong nabilaukan. I mean nabilaukan nga ako. Kumuha ako ng stainless steel na tray at babatuhin ko sana yung gumawa nun pero hindi ko tinuloy ng makita ko na si Kyle pala yun.

Napaayos tuloy ako ng sarili ko bigla. Hinawi ko ang buhok ko at pinunasan ang mukha ko saka ngumiti. Pucha! Bakit ba ako natataranta, bakit ako nagpapanic?

Ngumiti naman siya kaya mas lalo akong nagpanic. Buwisit! Joanna! Relax ka lang. Ano bang nangyayari sayo. Magbalik ka nga sa sarili mo.

"Okay ka lang ba, Jo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

Sumenyas naman ako ng wait lang at kumuha ng tubig na maiinom. Buwisit! Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya muling hinarap.

"Muntikan na akong mamatay sa ginawa mo," naasar kong sabi sa kaniya.

Pero ang totoo ay hindi naman talaga yun dahil sa pagbato niya ng hershey's kisses sa bibig ko kundi dahil sa nabigla ako sa presence niya.

"Sorry na," sabi niya ng nakapout.

Mas lalo naman akong nainis kasi ginagawa na naman niya yung bagay na yun. Hindi ba niya alam na nagpapanic ako pag nagpapacute siya? Pwede ko bang sabihin na tigian na niya yan kasi nakakainlove siya? WHAT THE? Ano ba tong sinasabi ko? Napahampas naman ako sa mukha ko.

"Sorry na uy, hindi na mauulit," sabi niya ng nakapout.

"OO NA! May ginagawa pa ako kaya lumayas ka na!" naiinis kong sigaw sa kaniya.

Nawawala ako sa sarili ko at hindi ako makapagfocus kapag nandiyan siya eh. Nakakaasar naman! Ano ba kasi tong nangyayari sa akin?

"Matagal pa ba kayo diyan?" sigaw nung lalaki na nakasandal sa kotse.

Napatulala ako saglit at saka lang nagsink-in sa utak ko na si Dyle pala iyon. Bakas sa mukha niya na inis na inis na siya.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" tanong ko kay Kyle.

"Remember sasama ka sa amin?" sabi niya.

"Saan?" tanong ko sa kaniya.

"Sabi mo i-aaccompany mo kami sa barangay ngayon," sabi niya.

Ewan ko ba kung anong nangyari kay Kyle pero pansin ko lang parang naging bata siya na ang kulit-kulit. Nag-iisip bata na rin siguro toh, dala siguro ng pagkapukpok ng bote sa ulo niya.

Naku! Masama na ang lagay ni Kyle! Dapat na siyang magpacheck-up sa psychologist!

Nagmadali naman akong umakyat sa bahay at nagpaalam sa kanila na magbibihis lang ako. Sandali lang naman ako nag-ayos kasi hindi naman party yung pupuntahan namin eh.

Habang nagbibihis ay nakita ko na ang sa sahig yung kwintas na binigay sa akin ni Jerome. Paano napunta to dito? Bigla naman akong nalungkot kasi nanghihinayang ako sa relasyon namin.

Pero mas maganda siguro na kalimutan ko na lang siya at magsimula na ng bago kasi hindi ko naman na kilala ang Jerome ngayon. Mukhang ibang-iba nga talaga noon at ngayon. Ang daming nagbago in an instant.

Kinuha ko ang kwintas at inilagay ko sa bulsa ng pantalon ko. Yes! Ibabalik ko na lang to kay Jerome.


~


Ito ang isa sa pinakalame na update. Pagpasensiyahan niyo na guys. After ilang years ii-edit ko rin ito. Haha. Nakakapanghinayang naman kasing idelete. Pero wala na rin kasing lumalabas sa utak ko.

Kasi nagsusulat lang ako at hindi ako isang manunulat. Kumbaga in English, I'm writing but I'm not a writer.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon