~
Medyo marami-rami rin ang binili namin ni Carlie, I mean siya lang pala. Unti lang naman ang binili ko eh. Wala na akong paglagyan ng mga damit rito sa kwarto ko kaya hindi ko na kailangan ng mga bagong damit. Ang kailangan ko ay bagong cabinet.
Mga pabango, pulbo at iba pang hygienic stuffs yung binili ko at bumili pala ako ng maraming pagkain. Haha. Chocolates, dried mangos, biscuits at kung anu-ano pa. Yun ang kailangan ko. Si Carlie naman puro accessories at mga kikay outfit.
Habang inaayos ko yung mga pinamili ko ay hindi ko maiwasang sumagi sa utak ko si Jerome. Buti na lang pala at wala na kami. Sino ba naman kasing mag-aakala na ang best friend ko na inakala kong mabait at akala kong naging matinong boyfriend ay isa lang palang barumbadong unggoy?
Kung dati 80% pa lang ang galit ko kay Jerome ngayon nag-uumapaw na ang galit ko sa kaniya. Ganto bang gusto niya? Alam kong nakita na niya si Dyle na tinawag kong hubby dati at alam ko rin na halos magkamukha sila ni Kyle.
Grabe! Hindi naman sa nanghuhula ako ng dahilan pero hindi naman ganoong tao si Jerome eh. may nagprovoke talaga sa kaniya na gawin yun. Alam kong nasaktan ni Dyle ang ego ni Jerome pero hindi ko naman lubos akalain na magagawang bugbugin ni Jerome si Kyle ng ganun-ganun lang.
Bigla namang nagvibrate ang phone ko at tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Kyle pala.
"Hello, Kyle" bungad ko.
"A-ah, Joanna. S-sorry," paghingi niya ng tawad sa akin. Ewan ko kung bakit pero hindi naman na ako gaanong nagalit sa kaniya. Tsaka isa pa, hindi ko pa naman naririnig ang explanation niya kaya hindi ko pa marerate kung gaano ako kagalit sa kaniya.
"Wala na yun, Kyle. Kalimutan na natin yun," pagsasalita ko.
Siguro kung hindi siya nabugbog malamang galit pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon. Minsan kasi mas nangingibabaw yung awa natin kaysa sa galit natin. Pero kapag masamang tao ka, kapag galit ka at may nangyaring masama sa taong yun, matutuwa ka pa. Hay, buti na lang mabait ako. SELF-PROCLAIM!
"Joanna, I'm really sorry," pag-uulit niya sa paghingi ng tawad.
"Kyle, sinabi ko naman sayo na wala na yun at kalimutan na natin yun," paglilinaw ko sa kaniya.
"Pero hindi mo pa rin ako pinapatawad. Ang sabi mo lang kalimutan na natin yun," malungkot niyang sabi sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya.
"Kyle, pinapatawad na kita. Okay?" sabi ko. Gusto ko sanang idagdag na'kaya please! mamaya ka na tumawag kasi may ginagawa pa ako' kaso baka maging rude naman yun. Para naman kasing galit pa rin ako sa ganung lagay.
"Thanks, Jo" maikli niyang sambit.
Hindi ako tumugon sa sinabi niya. Nanatili lang ako sa pakikinig sa phone call kahit na walang nagsasalita. Ganun lang yun, walang imikan pero ni isa sa amin walang nag-end ng call hanggang sa kusa na lang nag-end yung call nung nareach yung time-limit.
Napabuntong hininga na lang ako kasi hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko. Napakaawkward kasi eh. Bumalik na lang ako sa ginagawa ko saka tinulungan si mama sa pagliligpit sa karinderya. Medyo malalim na kasi ang gabi kaya puro mami at arozcaldo na lang ang tinitinda namin or kape. Basta kahit anong pwedeng pang painit.
Bumaba na ako sa karinderya at nagsimulang maghugas ng plato. Nagulat ako sa pagtawag sa akin ni mama. Napakunot na ang ang noo ko kasi gabing gabi na ang lakas pa ng boses niya eh. Nakakabulabog kaya sa mga kapitbahay yung boses niya.
Hinugasan ko naman ang bula sa kamay ko at ipinunas ito sa apron na suot-suot ko. Nagulat ako ng nakita ko si Kyle na nasa harap ng karinderya namin.
"Uy Kyle, gabing gabi na ah. Bakit ka pa nandito?" tanong ko sa kaniya.
Inalok ko naman siya na umupo at umupo naman siya. Nanguha ako ng dalawang mami at nagtimpla ng kape. Wag siyang choosy baka ibuhos ko to sa kaniya.
"Nag-abala ka pa, Jo." sabi niya.
"Naku, wala yun. Haha," medyo pilit kung tawa. Hindi ko alam kung anong maaaring sabihin eh, nakakaawkward.
"You know, Jo. Kaya talaga ako nagpunta dito ay para magsorry," pagsisimula niya.
"Ano ka ba? Sabi sayo pinatawad na kita di ba? Tsaka sabi ko rin sayo na wala na yun," pagpapaalala ko sa kaniya.
"Pero iba pa rin kapag personal akong magsosorry," sabi niya sa akin.
May kung ano sa puso ko at bakit bumilis yung tibok. Parang kahit papano nafeel ko na espesyal ako sa kaniya. Natuwa taaga ako sa sinabi niya at napangiti. Bibihira lang kasi yung mga tao ngayon na magsosorry sayo personally kaya tuwang-tuwa ako.
"Apology accepted, Kyle. Tsaka matagal na rin yun. Humupa na ang galit ko sayo," nakangiti kong sabi sa kaniya.
Nagkwentuhan lang kami ng kung anu-anong bagay. Saka nagpaalam siya sa akin na next week daw niya itutuloy ang pagpunta sa London para sa photoshoot niya at sa mga gaganapin na runway. Naitanong ko naman sa kaniya kung anong gagawin niya sa mga nangbugbog sa kaniya. Siguro daw bukas ay pupunta siya doon kasama si Dyle.
Nag-aalangan pa ako kung sasama ako o hindi pero gusto ko talagang makausap kung bakit ginawa ni Jerome yun. Nakakapagtaka kasi talaga eh. Alam kong hindi imposible na gawin ni Jerome yun pero hindi naman siguro biga-bga nananakit si Jerome ng walang dahilan. Saka gusto ko rin siyang makausap kahit na papano kaya pumayag na ako na sumama sa kanila bukas. Tutal sa barangay lang naman yun eh. Malapit lang.
Umuwi na rin si Kyle after ilang minuto naming pag-uusap. Niligpit ko ang pinagkainan namin saka nagpatuloy sa paghuhugas ng pinggan. Unti na lang naman ang hugasin eh dahil itinuloy ni mama ang paghuhugas kanina habang nag-uusap kami ni Kyle.
Nang matapos ko ang hugasin ay tinulungan ko si mama sa pagilinis ng bawat table at isinara na namin ang karinderya. Normal na gawain ko na yun sa gabi pero parang ang saya-saya kong nagligpit sa karinderya ngayong araw na to. Ewan ko ba kung bakit. Hindi ko maexplain eh.
Umakyat na ako sa taas saka nagshower bago ako matulog. Nagulat naman ako ng biglang bumukas yung pinto sa kwarto habang nagbibihis ako. Bwisit! Hindi ko pala nasara.
"Oh bakit Baby Pau?" tanong ko kay Paula habang nagmamadali sa pagkuha ng damit pantulog at isinuot ko ito agad.
"Ate, pwede dito ako matulog?" tanong sa akin ni Paula.
"Huh? Bakit naman? Ayaw mo bang katabi si mama mo?" tanong ko sa kaniya.
Kasi nakakapagtaka naman na gusto niyang tumabi sa akin samantalang nandiyan si mama niya. Minsan na nga lang sila magkasama ni tita tapos hindi pa niya sulit-sulitin.
"Eh ang likot ni mama matulog eh, wala na akong pwesto sa higaan," inaantok niyang sabi,
Natawa naman ako sa sinabi niya. Naalala ko kasi nung bata ako pumapasok ako sa kwarto ni tita tapos nakikita ko siya na nakabukaka tapos nakaspread pa yung mga kamay at nakatabingi matulog. Nalaglag na rin halos lahat ng unan niya pati kumot nasa sahig na.
Napatawa ako ng mahina kasi naiimagine ko pa rin hanggang ngayon kung anong itsura niya. Nako! Sakop na sakop niya ang higaan for sure!
"Sige, kunin mo pala unan at kumot mo ah." pag-uutos ko sa kaniya.
Marami-rami naman akong unan rito pero pinagpapatong ko yung dalawang unan tapos isa sa paanan, tapos dalawa yung yakap-yakap ko. Oh di ba? Sugapa sa unan ang lola niyo.
Dali-dali naman siyang tumakbo at kinuha ang unan at kumot niya. Pakiramdam ko tuloy yumanig sa buong bahay.
~
Chapter 19 Done! Alam kong lame na naman ito pero parang prolouge pa lang ito kasi ngayon palang nagsisimula ang summer sa story. :D
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...