***
***
*yawn*
*blink* *blink*
Nananaginip pa ata ako.
*kusot mata* *blink* *blink*
Hala! Ang ganda naman ng panaginip ko. Totoo ba to?
"Oh gising ka na pala?"
"Ay! Kingina!" Napalinga-linga ako.
"Huwag mong sabihing -" napatakip ako ng bunganga ko. Tumango-tango naman siya.
"Yup! Nandito ka sa bahay ko. Ganda ba?" Nakangiti niyang tanong.
Binato ko siya ng unan.
"Walang hiya ka talaga! Hilig mo ba talaga magdala ng mga babaeng walang kamalay-malay sa condo este bahay mo?" Patuloy ko pa rin siyang binabato ng kahit anong mahawakan ko.
"Hindi noh! Ikaw pa lang kaya ang babaeng nakakapasok dito. Family ko nga hindi pa nakakapasok dito eh." Pagtatanggol niya sa sarili niya habang umiiwas sa mga pinagbabato ko. Accidentally ko rin tuloy naibato ng malakas yung phone ko. Shitames! Touch screen pa man din yun.
"Oh! King inames! Yung phone ko bwisit ka!" naglakad lang siya papunta sa isang malaking kabinet. May kinuha siiyang box at ibinato sa akin.
"OUCH! Walang hiya ka! Pumapatol ka sa ba-ba-e" Papahina kong sabi ng basahin ko yung box na ibinato niya sa akin.
Nanlaki yung mata ko. Shit totoo ba to? Hindi lang to basta-basta touch screen na phone. I-phone to teh! I-phone 6! King inames! Yaman talaga oh.
"Magpalit ka na ng number mo at isave mo yung bagong number ko. Ayaw kong may ibang nagtetext sa girlfriend ko maliban sa pamilya mo at sa mga kaibigan mong BABAE at ako."
Nganga ako dun ah! Girlfriend daw niya ako? Since when?
"Ako girlfriend mo? Asa ka pa ulol!"
Bigla namang sumingkit ang singkit niyang mata.
"Hindi mo ba naaalala?" Seryoso niyang tanong. Napaisip naman ako.
"Hindi eh! Ano ba yun? Siguro nagka-amnesia ako." Inis kong sagot sa kaniya. Napairap na lang siya sa akin at naglakad palabas ng kwarto nung isasarado na niya yung pinto, bigla siyang sumigaw.
"YUNG PAG-IISKANDALO MO SA AIRPORT! TANDA MO NA???" tsaka sinarado niya ng malakas yung pinto.
Teka! Ano bang may roon sa lintik na airport na yun? Isip-isip-isip isip-isip-isip!
"Uhmm. Pasensya na kayo sa girlfriend ko huh? Hindi kasi ako nagpaalam sa kaniya na may in-endorse akong damit sa ibang bansa at nagphoto shoot para sa mga bago kong magazine. Kaya pinaghahampas ako. Akala siguro niloko ko siya. Sorry talaga sa pag-iiskandalo!"
Oooohhh shete! Inannounce niya pala sa publiko na girlfriend niya ako. Oh my G!!!!
Dali-dali akong bumaba para kausapin siya. Nakita ko naman na parang may kausap pa ata siya. Pero halatang galit na galit siya at siguro mas galit yung kausap niya. Pumunta siya sa kusina kaya sinundan ko siya.
"Will you please do not shout? Ang sakit sa tenga!" Halos pasigaw na niyang sabi sa kausap niya sa phone. Nilapag niya yung phone niya sa may lamesa at niloud speaker niya ata.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong binababaan ng phone?"
"Nandito pa rin ako nakikinig. Nakaloud speaker yan! Para damang-dama ko yung pagsigaw mo di ba?"
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...