Prolouge

967 41 5
                                    


Sobrang excited akong pumunta sa park ngayon.

Hindi ko kasi alam kung anong meron eh. Pero bigla kasi akong tinawagan ni Jerome. Siguro may surprise siya sa akin.

Kahit na marami pang ginagawa sa karinderya ay agad-agad akong umalis at iniwan si mama magtrabaho mag-isa doon. Minsan lang naman eh.

Pagdating ko doon nakita ko siyang nakaupo sa may bench naka suot ng t-shirt, tsinelas at nakajersey shorts.

Kahit kailan talaga hindi man lang nag-effort magpapogi itong si Jerome. Nakakaasar (-ω-)

"Jerome," pagtatawag ko sa kaniya.

Hindi naman niya ako nilingon at nakatitig lang siya sa malayo. Ano kayang iniisip niya? Yiie siguro nag-iisip siya kung magugustuhan ko ba yung surprise niya. Hahaha. Naku kahit ano basta galing sa kaniya magugustuhan ko.

Kilig na kilig naman ako dito kahit na nangangawit na ako sa katatayo at hindi pa rin niya ako nililingon. Kahit masungit siya keribels lang. Ang cool kaya kapag nagsusungit siya. Hihihi.

"It's over," pagsasalita niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Anong it's over? Game over siya sa nilalaro niya? O tapos na yung basketball play nila?

Nakatulala lang ako at iniisip kung anong ibig niyang sabihin.

"It's over," pag-uulit niya sa sinabi niya.



-----------

Alam kong ang epic kasi naka 16 chapters na ako bago naglagay ng prolouge. Haha. Wala akong maiupdate na chapter kaya napagtripan ko na lang yang prolouge.

 Pwede niyo namang isnobin yan kasi paspasali lang yan sa story xD Napagtripan ko lang talaga kaya nilagyan ko ng ganiyan xD

Hindi ko kasi kayang mag-update ng new chapter eh dahil busy at mawawala ako ng mga isang linggo kaya ito lang nakayanan ko :D

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon