Third Person's POV
"Boss, mukhang naghihinala na ang mga target"
"Parang pinagmamasdan na ang bawat kilos namin!"
Tumayo ang boss nila at pinagtatadyakan sila.
"Mga inutil!! Paanong hindi kayo mamanman ng mga iyon? Paano ba naman kasi kayo kumilos? Hindi ba dapat patago kayo? Hindi iyong lantaran? Malamang sa malamang naaalarma sila sa mga kkaibang kinikilos niyo!!"
Pinagtatadyakan niya ulit ang tatlong lalaki na ngayon ay nakaluhod na sa sahig at nakayuko.
"Huwag niyo munang bantayan ang mga kinikilos nila. Iwasan niyo muna ang pagsulyap sulyap sa kanila. At bilis bilisan niyo ang paghahanap ng tyempo upang alisin na ang babaeng iyan sa landas ko!!!"
Inihagis niya ang wine glass na kaniyang iniinom sa tatlong lalaki dala ng pagkasugat ng mga ito ng dahil sa mga bubog.
"Lalo silang magdududa sa mga kinikilos niyo kung lantaran kayong kumilos... At lalo kayong mabubuking at papalya kung babagal-bagal kayo."
Ngumisi ang boss nila at napatawa ng malakas.
"Bilisan niyo!! Dahil sagabal siya sa plano ko.."
Joanna's POV
Kinabukasan, tinawagan ko kaagad si Carlie at si Pam na pumunta sa bahay namin. Pero hindi daw makakarating si Pam dahil mayroon na siyang nakuhang summer job at nag-uumpisa na siya ngayon. Kaya naman dalawa lang kami ni Carlie ang magkasama buong araw. Syempre marami namang kwento si Carlie about sa kung ano ano, yun nga lang hindi ako gaanong interesado sa mga kwento niya dahil karamihan doon ay tungkol sa mga model which is hindi ko naman mga kilala at kwento rin siya ng kwento tungkol doon sa Asia's Next Top Model.
Nung tanghali rin ay umalis si Carlie. Nagyaya kasi siyang magshopping pero hindi ako sumama kasi walang katulungan si Mama dito sa bahay.
Nagulat naman ako nang biglang may tumakip sa mata ko.
"AYY!! TSss!! Sino ba to?" hindi naman siya nagsasalita.
Grabe ang bango bango naman ng taong to. Parang mayaman. Hahaha.
"Kuya Bruce?" hula ko. Hindi kasi pamilyar ang amoy na iyon sa akin eh. Kaya naisip ko na si kuya Bruce iyon kasi medyo matagal na rin kaming hindi nagsasama at malay ko di ba? Baka mamahalin na ang pabango niya ngayon since nakita na niya ang mga kamag-anak niya.
"Kyle?" isa pang hula ko pero hindi pa rin siya nagsalita at patuloy pa ring nakatakip ang mga kamay niya sa mata ko.
"Dyle?" hindi pa rin.
"S-sino ba ito?" pagtatanong ko ulit.
Imposible namang si Jerome ito kasi hindi naman siya ganito katangkad. Nagbuntong hininga na lang ako.
"Haist! Ewan ko sayo. Bahala ka na nga dyan" sabi ko at umastang naiinis.
Agad naman niyang tinanggal ang pagkakatakip sa mukha ko at hinarap ako sa kaniya. Yumuko siya ng bahagya at unilapit niya ng mabuti ang mukha niya sa akin.
"Hay naku! Nakalimutan na ako ng kapatid ko." saad ni Kuya Jerard.
Una hindi pa nagsink in sa utak ko kung sino siya. Tapos bigla siyang ngumisi. Yung ngiti na si kuya ko lang ang nakakagawa.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...