-_-_-_-_-_-_-_-
Nagising ako nang marinig kong nag-aayos na si mama ng mga gagamitin sa karinderya. Gusto ko pang matulog kasi hindi na ako makatulog ulit eh. Kaya bumangon na lang ako para tulungan si mama.
Naghilamos muna ako at nagtoothbrush. Mamaya na lang ako maliligo, masama pa rin kasi ang pakiramdam ko eh.
"Ma. Good morning," bati ko sa kaniya.
Nginitian naman ako ni mama habang hinahanda niya ang mga sangkap ng putaheng lulutuin niya ngayon.
"Good morning din nak. Kamusta na bang pakiradam mo?" tanong niya sa akin.
"Mmm. Medyo masama pa rin pakiramdam ko ma," sagot ko.
"Ako na lang dito, anak. Magpahinga ka muna. Baka mabinat ka pa eh Lalong lalala yang sakit mo," payo sa akin ni mama.
"Eh hindi na ulit ako makatulog ma," reklamo ko sa kaniya.
"Hindi ko naman sinabing matulog ka ulit eh. Ang sabi ko, magpahinga ka muna, wag ka munang magtrabaho, yun ang ibig kong sabihin," paliwanag ni mama sa akin.
Oo nga naman kasi Joanna. Bakit ba kasi hindi mo ginagamit utak mo? Hindi naman kasi sinabi ng mama mo na matulog ka eh. Hays dala ata to ng stress., hindi na gumagana ng maayos ang utak ko.
"Oh, tahimik ka ata? Binabagabag ka pa rin ba nung kagabi?" nag-aalalang tanong ni mama.
Tila bumalik ako sa reyalidad na 'Oo nga pala., masyado pang maraming problema akong dapat proproblemahin'
"Ano anak? Tahimik ka ah, tigilan mo na kasi ang pag-iisip diyan," sabi ni mama.
Gusto kong tumawa kasi hindi ko naman talaga iniisip yun eh, si mama lang talaga nagpaalala sa akin, kaso kahit gustuhin ko mang tumawa ay parang wala na akong lakas para gawin pa yun, para kasing super down na down na ako eh.
Lumapit si mama, tsaka niyakap ako. Bigla kong naalala, hindi ko pa pala nasasagot yung tanong niya. Ha-Ha-Ha. Pero bigla na lang akong naiyak. Si mama naman kasi eh. Ayaw na ayaw ko kayang niyayakap ako kapag ganito kasi hindi ko mapigilan yung luha ko kapag may biglang yumakap sa akin eh.
"Tahan na, anak. Hindi mo dapat pinoproblema ang mga ganiyang bagay lalo na kung hindi ka naman talaga kasali sa ganiyang gulo," sabi ni mama.
"P-pero kasi ma, pakiramdam ko kasalanan ko yun eh. P-parang konsensya ko na rin yun," paliwanag ko kay mama habang patuloy lang ako sa paghikbi.
Ewan ko ba. Tama naman kasi si mama eh, pwede naman kasing wag ko na lang pakialaman yung problema nila eh. Pwede namang magfocus na lang ako sa buhay ko at pabayaan na lang silang dalawang mag-away pero hindi ko magawa kasi parehas na may malaking parte sa buhay ko ang dalawang yun.
Maya maya pa ay tumahan na rin ako. Bumalik na si mama sa gawain niya sa kusina.
"Ma, akyat muna ako," paalam ko sa kaniya.
Tumango naman si mama saka ngumiti. Bumalik na lang ako sa kwarto ko at muling nahiga. Tiningnan ko naman kung anong oras na, 5:30 na pala. Ilang oras rin akong umiyak, feeling ko sabog na sabog na yung mata ko. Ang hapdi hapdi pa naman sa mata yung mataga kang umiyak.
Nakatitig lang ako sa kisame. Iniisip ko kung ano bang dapat kong gawin. Kung patuloy ko bang proproblemahin yun o hindi na dapat ako makialam at kunwari wala na lang akong nalalaman. Gusto kong pumunta na agad sa Australia.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...