Chapter 22

252 27 7
                                    


~


Grabe. Hindi ko akalain na ilang minuto lang kaming kumain at naubos na lahat ng pagkain. Yung totoo? Nagkaroon ba kami ng food fight kanina?

Pero nagpapasalamat ako ng sobra kasi tuwang tuwa ako at nawala yung sama ng pakiramdam ko. Nakakagaan ng loob. Totoo pala na kapag stress ka ay kumain ka lang ng kumain, lalo na ng desserts para mawala ang stress mo.

Grabeng pagkain yan. Stress reliever.

Naghilamos muna ako at saka nagtooth brush. Maya-maya ay nagring ang phone ko. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag.

"Hello," bungad ko kay Kyle.

"Joanna, kamusta ka na? Maayos na bang pakiramdam mo?" nag-aalala naman niyang tanong.

Nagtaka ako kung bakit at paano niya nalaman na masama ang pakiramdam ko gayong wala naman siya rito.

"H-huh? Okay naman ako," sagot ko sa kaniya.

"Sigurado ka ba? Osya, pagaling ka huh?" sabi niya.

"huh?" yan na lang ang tangi kong nasambit kasi hindi ko alam kung paano niya nalaman na may sakit ako.

"Ah, kasi dumaan kami kanina ni Dyle dyan bago umuwi. Kaso ang sabi sa akin ng mama mo ay may sakit ka raw at nagpapahinga ka na," pagpapaliwanag niya.

"Ah oo, masama pakiramdam ko at saka nilalagnat rin. Dahil lang siguro sa pagod to," sabi ko sa kaniya.

"Basta, magpagaling ka huh?" sabi niya sa akin.

"Opo, boss!" pabiro kong sagot sa kaniya.

"Oh sige, good night. Magpahinga ka na at magpagaling ka. Wag ka ng magpupuyat huh? Tulog agad," pagpapaalala niya sa akin.

"Opo, boss. Masusunod. Sige, good night," pagpapaalam ko saka in-end yung call.


Gumaan-gaan na ang pakiramdam ko kpero medyo masakit pa rin ang ulo ko. Lumabas muna ako at bumaba para tulungan sila mama sa karinderya.

"Oh anak? Bakit bumaba ka pa?" nag-aalalang tanong sa akin ni mama.

"Wala kasi akong magawa sa taas ma, dito po muna ako," ani ko.

Napailing-iling na lang si mama habang nagpupunas siya ng lamesa. Nakita ko naman sila tita at Paula na nag-aayos at tumutulong rin sa karinderya.

Kukunin ko sana yung mga hugasin na pinagpatong patong ni mama kaso pinigilan niya ako.

"Ako na diyan. Magpahinga ka na kaya muna," sabi ni mama.

"Eh ma, okay naman na po ako eh," sabi ko kay mama.

"Ah, basta. Magpahinga ka muna. O kung gusto mo kumain ka na lang," sabi ni mama at dinala na niya ang mga hugasin sa kusina.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ni mama. Hindi ba niya alam kung gaano karami ang nakain ko kanina? Hindi ba niya alam na may handaan sa loob ng kwarto ko kanina?

Hindi rin ba niya alam na gusto kong tumulong sa karinderya kasi gusto kong matagtag yung mga kinain ko kanina. Gusto kong matunaw agad yung mga PAGKAIN na inihain sa akin ni Paula kanina.  Kailangan ko rin namang kumilos-kilos para matunaw agad yung kinain ko.

Pero wala rin akong ibang nagawa kundi tumunganga sa sulok. Naupo na lang ako sa isang bakanteng upuan at yumuko. Nang biglang may flash report ang ibinalita sa tv. Tungkol ito sa mga most wanted drug pushers na nahuli na at papatawan ng habang buhay na pagkakakulong.

Bigla ko tuloy naalala si Jerome, ipapakulong kaya siya nila Kyle?

Napahampas na lang ako sa mukha ko dahil sa tanong ko. Malamang sa malamang ay alam ko na ang sagot. Malamang ipapakulong siya nila Kyle. 

Makakalaya pa kaya sila? Kung oo, kailan? Gaano sila katagal makukulong? Magkano ang pyansa nila?

Mahaba-habang panahon din ang masasayang dahil sa mga pinaggagagawa nila. Kung makukulong sila, mahabang panahon ang masasayang at maraming oportunidad ang mawawala sa kanila.

Yung mga panahon na dapat gugulin nila para magkaroon sila ng magandang bukas ay mapupunta lang sa wala dahil ang mga panahon na iyon ay gugugulin nila sa loob ng isang selda.

Bumalik na ako sa paghiga para magpahinga ng makarinig ako ng sigaw sa labas.

"JOANNA! PLEASE!" sigaw ng isang babae.

Nagtaka naman ako kung sino yun at bakit naman kaya niya ako hahanapin. Pero hindi muna ako bumaba at pinakiramdaman ko muna kung sino ang tumatawag sa akin. Naramdaman ko naman na parang may gulo sa baba, siguro kailangan ko na ngang bumaba.

"Ano ba? Wala nga siya rito!" sigaw ni mama.

Dahil sa sigaw ni mama, natakot akong bumaba...


______

Sorry, short update at saka ang tagal rin nung update ko., Di bale gagandahan ko na lang sa susunod na chapter., kaso baka matagal ulit akong hindi makakapag-open..

Brokenhearted eh T_T... Hahaha.. joke lang., busy lang po talaga ako sa school.. Thanks

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon