Chapter 11

557 44 8
                                    


***

***

"O-ouch!", napasigaw ako sa sakit habang hinihimas yung balakang ko. Napatingin naman ako kay Kyle pero tulog na tulog pa rin.

Binuksan ko yung ilaw sa sala pero ni hindi man lang natinag sa pagtulog ang mokong. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng marami stainless steel na gamit.

Nilaglag ko ang mga yun ng sabay-sabay. Napatakip na lang ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng tunog.

Pero ang mokong. Ayun! Tulog na tulog pa rin. All this time na nagdadahan-dahan ako sa paglalakad at nagawa ko pang gumapang sa sahig tapos tulog mantika naman pala siya.

ARRRRRGGG!

Pinulot ko isa-isa yung mga stainless steel na gamit at umakyat papunta sa kwarto habang isa-isa kong binabagsak at tinatapon yung mga gamit mula sa hagdan. Pero ang nakakainis lang hindi pa rin siya nagigising.

WatDaPak! Tulog mantika ang mokong. Kaasar. Nagmukha lang akong tanga sa pinaggaga-gawa ko kanina.

Tsk! Tapos malalaman ko na kahit anong ingay pala ay hindi siya nagigising. Huwaw! Ang sarap magvideoke ngayon.

Tapos ang masama pa ay nakunan ng mga surveillance camera ang pinaggagawa ko kanina, 0.O. Lagot ako nun! Siguro papatayin ko na ang sarili ko sa kahihiyan.

Agad akong pumasok sa kwarto at ibinagsak sa napakalambot na kama yung katawan kong pagod na pagod na at puyat na puyat pa. Umikot-ikot pa ako tsaka ipinalupot ko yung kumot sa buong katawan ko.

Naiwan ko pala na bukas yung aircon kaya sobrang lamig tuloy sa kwarto ngayon. Tsk! Tinatamad pa naman din akong tumayo. Tsk! Hayaan ko na nga lang. Makapal naman tong kumot eh.


***

***

***

***

***

***

***

***

***


"O-ouch!", nagulat na lang ako ng bigla may malamig na bagay na tumama sa akin mga magagandang paa. Napabalikwas naman ako sa kinalalagyan ko ngayon.

Kinusot ko ang mata ko at nakita ang demonyong si Kyle Santos... as in demonyo.. kasi yung mukha niya sobrang nakakatakot eh.

"N-napano ka ba?" naiiritang tanong ko sa kaniya. Natutulog kasi ako dito eh tapos babatuhin niya ako ng kung ano-ano.

Napatingin naman ako sa ibinato niya sa akin. Isa lang namang stainless na kaldero. Nanlaki yung mata ko saka napatingin sa kaniya at nagpeace sign.

"Sorry ^ ^.", pacute ko sa kaniya.

Lumabas siya ng kwarto ng walang iniiwang salita pero binalibag niya yung pintuan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot sa kaniya eh. Pano kasi yung facial expression niya sobrang nakakatawa na nakakatakot talaga.

Actually, nakakatakot naman talaga pero hindi mo kasi aakalain na ganun siya magalit kaya matatawa ka sa pagmumukha niya.

Hahaha. Nakaganti rin ako sa mga kalokohang pinaggagawa mo sa akin MR. KYLE SANTOS! Wahahaha!

Dali-dali naman akong bumangon at kinuha ang kalderong ibinato niya sa akin at inilapag muna sa lamesa. Mamaya ko na pupulutin yung mga ikinalat ko doon. Haha. Bahala siya diyan.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon