Nandito na muli ako sa bahay nung SIKAT na KYLE SANTOS! Halos masuka-suka ako pag naiisip ko sikat siya. What? LOL! End of the world na ba? Kung oo, buti naman at mawawala ka na sa paningin ko.
Kahit anong gawin kong pag-ikot at paggulong-gulong sa kama na queen size ata ang laki ay hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko lang naman kasi yung...
Kamukha ni Kyle Santos na nakasakay sa kotse na nakita ko...
Kung paano ako uuwi sa bahay namin.. gusto kong magkaamnesia nalang bigla at makalimutan na wala akong nakilalang santos at walang nangyari sa amin ni Jerome na kung ano-ano.. Haist.. bakit ko na naman ba naisip yun?
at
at
Napatayo ako bigla sa kama nung naalala ko na kakausapin ako bukas nung manager niya... WAAAAHHH! Anong gagawin ko? Ano?
Dali-dali kong kinuha yung pinahiram niyang gray na jacket at dahan-dahang lumabas sa kwarto. Nakita ko naman siyang tulog na tulog sa may sala. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Kung posible lang na magteleport na lang ako ginawa ko na yun para lang wala ng ingay na marinig. O di naman kaya lumutang na lang ako sa ere. Pero hindi na kailangan nakababa na ako eh.
Nakapatay naman yung ilaw rito sa sala pero napag-isip-isip ko na gumapang na lang papunta sa may pinto. Eh kasi pag maglalakad ako ang hirap kontrolin nung ingay eh. Tsaka baka makita pa niya yung anino ko di ba? Kaya buo na ang desisyon ko.. gagapang talaga ako.
Heto ako ngayon...
Nag-iisaaaaha..
Gumagapang sa Gitna ng DILIM...
Charot XD
Mga ilang minuto lang ay success! Nasa harap na ako ngayon ng pinto. Buti na lang at hindi maingay bumukas ang pintong ito at baka pag maingay to, patay ako. Nakalabas na ako ng bahay niya at palabas na ako ng gate. Thankful rin ako na wala siyang alagang aso at baka nalapa na ako ng buhay ngayon.
Dali-dali akong tumakbo kahit na hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko nga rin alam kung saan ang antayan ng tricycle dito o jeep, taxi o kung anuman.. Kahit kalesa pa yan sasakyan ko makaalis lang dito. WAAAHHH! Kinakabahan kasi ako sa mga pwedeng mangyari sa interview eklabu o kung ano-ano man. Haist! Saan kaya pwedeng sumakay?
Tiningnan ko naman yung bagong phone na kabibigay lang ni Kyle sa akin. Ang laki-laking February 28 naman ang bumungad sa akin. Bakit ba pinapaalala na lag sa akin lagi ang araw na ito. Sa dinamirami ng nangyari ngayong araw na ito, bakit parang ang bagal ng oras at tumigil lang siya sa February 28. Naeengkanto na ata ako eh.
Naupo naman ako sa gilid ng kalsada. Bumuntong hininga.
"Haay! Kamusta na kaya siya?", naitanong ko na lang sa sarili ko.
Gusto kong umiyak ngayon. Nakakalungkot lang kasi eh. Parang ito yung perfect time para ilabas ko ang lahat-lahat ng bigat sa aking dibdib. Lahat ng pasakit at kalungkutan.
Madilim ang kalangitan at wala ni buwan o mga bituin. Ang lamig ng simoy ng hangin. Tapos, mag-isa ako ngayon. Parag lahat ng alaala ay agad na bumabalik sa isip ko. Nagfa-flashback ang lahat-lahat sa akin. Lahat ng mga masasayang araw na napalitan ng kalungkutan. Hindi ko lubos na maisip na ganun lang yung ending ng story namin. Ganun ganun lang yun? Kakaiba talaga ang tadhana!
Bigla namang may nagvibrate sa bulsa ko. T-teka! Dala ko pa pala yung phone ko na isa. Kawawa naman ang phone ko na ito ang daming gasgas at may basag na yung screen. Kaasar kasi eh pero okay lang may bago naman ako iphone 6 hahahaha. Agad kong binuksan yung phone ko at tulad nung bagong phone ko isang malaking FEB. 28 ang nakalagay at 11:59 na. Pero ang mas kinagulat ko ay yung bilang ng messages...
0.0...
597??
Wow! Ang dami ah... Nagpaalam pa talaga si Kyle kila tita? Naku paghindi malilintikan ako at MAS malilitikan siya sa nanay ko at sa akin. Papatayin ko talaga siya.
Binuksan ko naman yung messages.
.
.
.
.
.
From: 09*********
______
Hi Jo. Nandito ako sa harap ng bahay niyo.
.
.
Jo.
.
.
Kausapi mo naman ako Jo. :c
.
.
Hindi ako aalis hanggat hindi ka lumalabas.
.
.
Hanggat hindi kita nakakausap.
.
.
Jo
.
.
Jo
.
.
Halos lahat na ng natira ay mga blank messages mula sa kaniya. Tiningnan ko ulit yung oras. 12:00 na ng March 1. Dapat magmove-on na ako. Pero bakit iyak pa rin ako ng iyak ngayon.
Nagvibrate na naman yung phone ko. At gaya ng inaasahan ko si Jerome na naman.
Tapos na. March 1 na. Pero hindi pa rin ako aalis rito hanggat hindi mo ako kinakausap.
Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak. Iyak lang ako ng iyak. Bakit ba ayaw tumigil ng luha ko? Nakakainnis naman oh. March 1 na eh. Move on move on rin Joanna.
Magrereply sana ako kaso biglang pumasok sa isip ko na 'para saan pa? Kung gusto kong magmove on bakit hindi nalang kalimutan siya at huwag na lang pansinin ang existence niya'
Pinunasan ko ang mga mata ko at nagsimula ng maglakad uli...
.
.
.
.
.
Mga 15 minutes na akong pabalik-balik mula sa gate hanggang doon sa kanto. Baka kasi ma-rape ako pag lumagpas ako doon.
Mas mabuti nang malapit ako sa bahay ni Kyle para at least pag may manyakis o rapist diyan na manghahabol sa akin ay mabilis akong makakatakbo agad.
Tsk! Kung pabalik-balik lang rin naman pala ako at hindi ako makaalis sa lugar na ito eh bakit pa ako nasa labas ng bahay? Dapat nasa loob na lang ako eh at nagbu-beauty rest. Para kahit papaano magkaroon naman ng kapayapaan ang mundo ko at ang isip ko.
Kaya napagdesisyunan ko na papasok na lang ulit ako sa bahay ni KYLE SANTOS!
March na! Hindi pwedeng ang isang Joanna na tinatakbuhan na lang ang problema ay mananatiling ganun pa rin. Kaya kung may interview ako bukas with Kyle Santos' manager, bakit ako tatakas?
Binuksan ko naman ng dahan-dahan yung gate, pumasok at dahan-dahang sinara. Pati yung pinto ganun rin. Tiningnan ko naman si Kyle Santos mahimbing pa rin ang tulog. Mukha siyang anghel pag tulog. Sana tulog na lang siya palagi. Haha.
Hindi naman na ako gumapang, magmumukha na naman akong timang kung gagapang na naman ako. Kaya tumakbo na lang ako ng walang naririnig na kahit anong yabag ng paa.
Kaso nabangga ko yung mini table at nadulas ako.
*blag*
______________
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Teen FictionMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...