***
Naku! Wag lang talaga siya madaan-daan dito sa kanto namin! Ilalabas ko lahat ng makalumang baril ni lolo sa mahiwagang baul. Subok na kaya ito. Ginamit pa noong World War II. Nga pala, nasa iisang kanto lang kami.
Naku! Wag na lang pala siya papahuli sa malalaki at mulat kong mga mata. Kung hindi! Ihahagis ko lahat ng kutsilyo dito sa karinderya namin. Siguradong sapol siya dahil hindi niya makikita yun. Singkit na nga. Ang haba pa ng bangs. Mukhang duling.
"Joanna! Kawawa naman yang baboy, anak. Chinop-chop na nga sa slaughter, ginawa mo pang powder"
"Ayos lang yan nay! Para mukhang marami tayong isasahog"
Naku! Kung ikaw lang talaga mapadaan dito sa tapat ng bahay slash karindeya namin baka literal kitang gawing powder. Dudurugin kita gamit ang mason. Mukhang hindi kaya ng mason ang pagmumukha mo. Masyado kasing makapal at matigas. Tsaka may mga barrier pa pala ang mukha mo. Puno ng pimples. Grabe mukhang pigsa dahil nagsanib pwersa sa dami. Yung pigsa mo este pimples mo dinaig pa ang mga tao na nakikiprusisiyon sa itim na Nazareno. Iyon hindi mahulugang karayom! Eh yung mukha mo? Hindi rin mahulugan ng karayom. Yung extra-extra-small size na karayom huh? Yung microscopic na karayom. Grabe OP na yung mukha mo. OverPopulated ng pimples.
"Ate! Anong poblema mo sa baboy? Kanina mo pa tinatadtad."
Uy! Concern siya sa baboy. Hahaha
"Huh? Ah... Hehe... Nag-eenjoy kasi ako sa baboy na ito"
Buti pa nga itong baboy na ito nakakaenjoy eh.
"Weh?"
Ang kulit naman nitong pinsan kong baboy oh. Eh kung siya kaya ang tadtarin ko? Nakikitira dito sa amin. Parang inahing baboy lang ampeg niya. PATABAIN.
"Oo nga. Sinisipag lang ako ngayon."
"Talaga? Kaya pala ate kanina ka pa tadtad ng tadtad diyan. Wala ka naman ng tinatadtad. kinuha na ni tita yung baboy kanina pa."
Tiningnan ko yung tinatadtad ko. Wala na pala. Tiningnan ko si mama. Tawa siya ng tawa. Hay naku! Dahil dun sa singkit na yon nawawala na ako sa sarili ko. Ang dapat talaga sa kaniya ilibre dito sa karinderya namin ng mga pagkaing may kasamang lason.
Hahaha. Tama para sa harap ko mismo. Nakikita ko siyang nahihirapan. Pero paano na ang kabuhayan namin? Baka makulong si mama at ipasara ang aming karinderya. Simple lang ang solusyon. Magpapagawa ako ng lason dito sa mala-scientist naming kapitbahay na si Masayad Newborn. Yung eepekto lang after 3 hours. Tapos siya lang ang hahaluan ko ng ganung lason para hindi naman masabi na ang lahat ng nalason ay kumain sa karinderya namin. Para hindi kami maging suspek. Oh diba talino ko?
"Yung totoo ate? Nagtatadtad ka ba ng baboy? O nagsisibak ng kahoy? Kakaawa naman yung tadtaran teh"
"Ay! Hehe. Tinitingnan ko lang kong matibay yung kahoy na ginagamit ko sa pagchochop ng baboy na katulad mo." Papahina kong sabi.
"Anong sabi mo ate?"
"Pagchochop-chop ng baboooooy kako. Naintindihan mo na?"
Ang laki-laki na nga ng tenga ng baboy hindi pa niya naririnig. Sabi kapag malaki daw ang tenga, mahaba ang buhay. Eh bakit ang baboy? Malaki naman ang tenga nun ah? Bakit pala ila namamatay agad? Hahaha... Kaya pag malaki ang tainga mo, tapyasan mo na. Kasi baka katayin ka pa ng iba.
Buti naman natigilan rin sa pagsasalita itong pinsan ko at lumayas na rin siya baka hindi ako makapagpigil. Tatadtarin ko talaga siya. Pero huwag kang mag-alala pinsan ko. Hindi kita tatadtarin. Kasi ang baboy kinakain niyan darak, kaning baboy at feeds. Hindi sila kumakain ng kapwa nila baboy tulad mo.
BINABASA MO ANG
My Summer Boyfriend
Novela JuvenilMay mga tao talagang napadaan lang sa buhay mo. It's either para makapag-boost up ng confidence mo at mag-inspire sayo o mga taong naligaw lang sa istorya mo at ang pinakamalala ay yung mga taong wawasak ng mundo mo. Pero kahit na anuman o sin...