Chapter 26

90 17 0
                                    



Joanna's POV


"Tao po? Tita Lisa?"

"Tita Lisa?"

"Tita?"

Kanina pa ako tao po ng tao po rito pero walang sumasagot. Bukas naman ang gate tsaka ang pinto nila kaya naisipan ko na lang pumasok.

"Tita Lisa?" pagtatawag ko sa kaniya habang nasa sala ako.

"Tita Lisa?"

"Joanna?"

Nagulat ako nang may biglang nagsalita. Napalingon ako sa likod ko para tingnan kung sino yun. Napaiyak na lang ako at niyakap siya.

"Joanna, tahan na. Ayaw kong nakitang umiiyak ka."

 Akala ko galit na galit ako sa kaniya. Hindi ko alam na ganto ko siya namiss. Sobra sobra.

"Joanna." niyakap niya ako ng mahigpit.

"A-anak?" naluluhang bumaba si tita Lisa mula sa kwarto nila sa itaas.

"Jerome!!!" sabik na sabik niyang hinagkan si Jerome.

Pinunasan ko na lang ang luha ko. P-pero... Paano kaya nakalaya si Jerome? Nginitian ako ng mama niya at pinaupo kami sa sala.

"Ah.. Tita... Gusto ko po sanang humingi ng tawad sa ginawa ni Kyle sa inyo." paghingi ko ng tawad sa kaniya. Nakita ko naman napakuyom ng palad si Jerome.

"Bakit ma? Anong ginawa sayo nung lalaking yun?" galit na galit na tanong ni Jerome sa kaniya.

"Jerome... Okay lang ako. Hindi naman niya ako sinaktan. Napagtaasan lang niya ako ng boses kaya huminahon ka na diyan." saad ni mama niya. Hinawakan ko na lang ang kamay ni Jerome.

"Ah.. maiwan ko na muna kayo diyan. Kukuha lang ako ng makakain. Siguradong gutom na gutom na tong si Jerome eh." paalam sa amin ng mama niya.

Tahimik lang kami ni Jerome at hindi nagkikibuan pero hawak hawak ko pa rin ang kamay niya. Hindi ko alam na miss na miss ko pala siya. Bakit ganun? Parang ang laki laki ng galit ko sa kaniya pero nung nakita ko siya kanina parang ang saya saya ko.

Naramdaman ko namang ipinatong ni Jerome ang ulo niya sa balikat ko. Alam mo yung feeling na kahit ganito na lang kami palagi. Napakatahimik at parang ang saya. Masyado akong maraming gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Joanna" "Jerome" sabay pa kaming nagsalita. Napangiti na lang kaming dalawa.

"Sorry nga pala, Joanna. Hindi ko kailangan idepensa ang sarili ko at ayaw ko namang magpaliwanag ngayon. Siguro balang araw malalaman mo rin yung dahilan kung bakit ko ginawa yun. Pero hindi ko nililinis ang pangalan ko sayo." sabi niya habang nakayuko.

"Okay lang yun, Jerome. Siguro nga dapat ako yung huminge ng tawad kasi hindi kita inunawa." saad ko.

"kung sana pinakinggan muna kita bago ako nagalit sayo. Kung sana inintindi kita.."

"Kaso hindi na tayo" dugtong ni Jerome nang may lungkot sa mukha niya.

"Tanggap ko na yun, Joanna. Siguro nga parehas tayong may mali pero salamat pa rin dahil nandito ka bilang kaibigan ko." sabi niya ng biglang pumatak ang luha mula sa kaniyang mga mata.

"Siguro nga..." napaiyak rin ako kaya agad kong pinunasan yung luha ko.

"Kaibigan mo ako kahit anong mangyari. Mag-away man tayo o mag-asaran, masaya akong nakasama kita, bestfriend" tiningnan ko siya habang nakangiti kahit na patuloy pa rin akong umiiyak.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon