Chapter 27

103 16 1
                                    



Joanna's POV

"Ate... alam mo para kang baliw kanina ka pa nakangiti dyan habang nagtatadtad ng baboy"  sabii ni Paula.

Itinigil ko ang pagtatadtad at kinurot ang pisngi niya.

"ANG KYUT KYUT MO KASI" panggigigil ko sa pisngi niya.

"Eww ate! Ang baho ng kamay mo!" sabi niya sabay takbo sa may lababo para maghilamos.

Tawa naman ako ng tawa kasi halatang diring diri talaga siya. Paano ba naman kasi ikinalat ko yung lansa sa buong pisngi niya tapos kinurot ko pa yung ilong niya kaya paniguradong sobrang lansa talaga nun. Haha.

Iniayos ko na yung iba pang ingredients para mamayang hapunan. Masyado kasing maraming tao kanina kaya nailuto na ni mama pati yung mga putahe para mamayang gabi. Ewan ko ba bakit parang sobrang dami ng tao kanina. Sa pagkakaalam ko kasi naghire ng mas maraming tao ngayon yung construction site na malapit sa amin kaya dagsa ang mga costumer kanina.

Sa pagkakaalam ko kasi gagawa ng malaking resort doon na may kasamang hotel tapos yung katabi ay subdivision village. Ang lawak lawak nga doon nung mapadaan ako eh. Sa pagkakaalam ko, Tan ata yung apilyedo nung may ari ng village na yun. Grabe apilyedo pa lang alam mo ng businessman eh.

Mag-aalas kwatro pa lang nung natapos ko na lahat ng dapat kung gawin kaya nilagay ko muna sa refrigerator yung mga ingredients. Si mama na bahala dyan mamaya. Aakyat na sana ako nang makita ko sila Tita Lisa at Jerome na kinakausap si mama.

Napangiti ako nang magyakapan sila. Naalala ko kasi na gustong huminge ni tita Lisa ng tawad kay mama. Buti naman nagkabati na sila. Pero napansin ko rin na bakit parang ang daming dala-dalang gamit nila Jerome? Aalis ba sila?

Agad akong lumapit sa kanila. Ngitian naman ako ni Tita Lisa at ni Jerome kaya nginitian ko sila pabalik.

"Tita... san po kayo pupunta?" yun na lang ang nasambit ko.

"Ayy oo nga pala. Nandito kami para magpaalam na rin sa inyo. Lilipat na kasi kami sa Cebu eh. Nakaready na ang lahat." sabi ni Tita Lisa. May binulong naman si Jerome kay Tita Lisa.

"Ahh. sige sige.. Walang problema. Mamaya pa namang 7 ang flight natin eh." sabi ni Tita Lisa.

Niyaya ako ni Jerome na pumunta sa may park at naiwan naman sina mama at tita sa may karinderya.

"Bakit, Jerome?" tanong ko sa kaniya kasi hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung mga tanong na pumapasok sa utak ko. Hindi ko nga alam kung anong bakit ba ang nasa isip ko. Kung bakit gusto niyang umalis? Kung bakit sila aalis? Kung bakit ganito? O bakit ganiyan? Hindi ko na maisip kong anong idudugtong ko sa bakit.

"Gusto ko lang kasi magpakalayo-layo. Lumipat ng bagong school at umalis rito. Masyado na kasing nasira ang pangalan ko. Gusto kong magsimula ng bagong buhay. Bagong pangalan," sabi niya habang naglalakad-lakad kami.

Sabagay, hindi ko naman siya masisisi kung gusto niya na ng tahimik na buhay. Kahit na hindi ikinalat ang pangalan niya sa media. Marami-rami naman dito sa amin ang nakakakilala kung sino ang bumugbog kay Kyle. Pero bakit nga ba nya yun ginawa?

Kung ano man yung dahilan na yun, siguro hindi ko na dapat malaman pa.

"Mahal na mahal kita." pambabasag niya sa katahimikan.

"Iingatan mo lagi ang sarili mo huh? Huwag na huwag kang magpapabaya lalo na yang kalusugan mo. Sakitin ka pa naman." paalala niya sa akin.

My Summer BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon